SAKIT O UGONG NA NARARANASAN SA TAINGA, HINDI DAPAT NA IPAGWALANG BAHALA AYON SA EKSPERTO
ULAT NI MS BELLE SURARA
NARARANASAN NG KAHIT SINO ANG IMPEKSYON SA LOOB NG TAINGA. NGUNIT, AYON SA MGA EAR, NOSE AND THROAT O E.N.T. SPECIALIST , MGA BATA ANG MADALAS NA DAPUAN NITO.
TINATAWAG NG MGA DUKTOR NA OTITIS MEDIA ANG NATURANG IMPEKSYON. NAGSISIMULA ITO SA SIPON, SINUSITIS O ALLERGY.
MAAARI UMANO NA ANG SIPON MULA SA ILONG AY MAAARING PUMUNTA SA TAINGA SA PAMAMAGITAN NG ISANG MALIIT NA KONKTADONG TUBO NA KUNG TAWAGIN AY EUSTACHIAN TUBE.
HINDI RIN DAPAT NA KINAKALIKOT ANG TAINGA DAHIL MAAARI DAW ITONG MAGING SANHI NG PAGSAKIT, PAMAMAGA AT PAG UGONG.
BINIBIGYANG DIIN NG EKSPERTO NA KAPAG NARARANASAN ANG ANUMANG SAKIT, PAG UGONG O KIROT SA LOOB NG TAINGA, HINDI ITO DAPAT NA IPAGWALANG BAHALA.
SOT : DR. LOUIE GUTIERREZ, HEAD AND NECK SURGERY, EAMC
CUE IN : 00:48 ---“MAHALAGA DITO, KAPAG NARARANASAN ANG SINTOMAS...KUMUNSULTA PO TAYO SA MGA ESPESYALISTANG DUKTOR, TULAD PO NG MGA E.N.T, HEAD AND NECK SURGEON, LALO NA YUNG MGA KASAPI NG PHILIPPINE SOCIETY OF OTOLARYNGOLOGY , HEAD AND NECK SURGERY, KAMI PO AY HANDANG GUMABAY SA INYO PARA MABIGYAN KAYO NG TAMANG LUNAS.”-OUT: 1:06
Mga Komento