WORLD CANCER DAY, GINUNITA.....BILANG NG MGA TAONG NAMAMATAY SA CANCER, MARAMI PA RIN AYON SA WHO
ULAT NI MS BELLE SURARA
KINATATAKUTAN NG HALOS LAHAT NG TAO SA BUONG MUNDO ANG SAKIT NA CANCER.
ISA ITONG MALALANG SAKIT NA DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN.
BATAY SA DATOS NG WORLD HEALTH ORGANIZATION O WHO, PANGALAWA SA
NANGUNGUNANG SANHI NG KAMATAYAN NG TAO SA BUONG MUNDO ANG NATURANG SAKIT.
AYON SA MGA EKSPERTO, KUNG MAAAGAPAN, ANG CANCER AY MAAARING MAGAMOT,
NGUNIT, KUNG ITO AY MAPABAYAAN, MAAARING IKAMATAY ITO NG PASYENTE.
SA PANIG NG MGA KABABAIHAN, ANG PINAKA KARANIWANG CANCER AY SA BREAST,
CERVIX, AT SA MATRIS HABANG SA PANIG NAMAN NG KALALAKIHAN AY LUNG CANCER.
SA PAREHONG BABAE AT LALAKI, ANG KARANIWANG CANCER NA MAAARING DUMAPO AY
KANSER SA BAGA, BITUKA, ATAY, TIYAN, BIBIG AT BALAT.
KABILANG SA MAINAM NA PARAAN UPANG MAIWASAN ANG CANCER AY ANG
PAGSASAGAWA NG HEALTHY LIFESTYLE... PAG-IWAS SA MASAMANG BISYO TULAD NG ALAK AT
SIGARILYO, PAGLALAAN NG ORAS SA EHERSISYO, AT
WASTONG NUTRISYON NA KAILANGAN NG KATAWAN,.
Mga Komento