MALAKING BAHAGI NG NALIKOM NA PONDO MULA SA SIN TAX LAW NAPUNTA SA ASPETONG PANGKALUSUGAN AYON SA ACTION FOR ECONOMIC REFORM O A.E.R.
TAONG 2012 NANG MAISABATAS ANG SIN TAX AT MULA NOON HANGGANG NGAYON, SINASABI NG MGA PAG AARAL NA NAGDULOT ITO NG MAGANDANG PAKINABANG SA PILIPINO.
AYON KAY MS. JOAN DIOSANA, SENIOR ECONOMIST NG ACTION FOR ECONOMIC REFORM O AER, ANG NAKUHANG DAGDAG NA PONDO MULA SA SIN TAX LAW AY NAPUNTA SA KALUSUGAN, KUNG KAYA ANG HEALTH BUDGET NOONG NAKALIPAS NA TAON AY UMABOT SA 140 BILYONG PISO DAHIL SA SINTAX
SOT : MS. JOAN DIOSANA, SENIOR ECONOMIST, ACTION FOR ECONOMIC REFORM – MVI- 0035
CUE IN – “DAHIL NGA HO SA SIN TAX LAW, MALAKI HO ANG NAIAMBAG NYAN SA KALUSUGAN... KUNG DATI ANG BUDGET LANG NG HEALTH NATION AY 40 BILLION, TUMAAS HO YAN SA 140 BILLION SINCE LAST YEAR HO... AT BULTO HO NG BUDGET NA YAN AY NAPUNTA SA PAG KO COVER NG PHILHEALTH INSURANCE HO NG MGA PINAKAMAHIHIRAP NATING MGA KABABAYAN AT PATI NA UNG MGA SENIOR CITIZENS NATIN... MAKAKATANGGAP SILA NG LIBRENG SERBISYON DAHIL NAKOKOBER NA SILA NG PHILHEALTH”...
DAGDAG PA NI DIOSANA... DUMOBLE ANG BILANG NG MGA NABEBENEPISYUHAN NATING MGA KABABAYAN DAHIL SA SINTAX.... MULA SA 21 BILLION.... NGAYON AY SA MAHIGIT NA 50 MILYONG PILIPINOS NA ANG COVER NG PHILHEALTH AT PATULOY PA ITONG MADAGDAGAN.
DAHIL DIN SA SIN TAX AY BUMABA RIN ANG BILANG NG MGA TAONG NANINIGARILYO, NOON HALOS 1/3 NG POPULATION AY NANINIGARILYO, NGAYON SA PAG AARAL NG AER, HALOS NASA 23% NA LANG ANG MGA NANINIGARILYO.
SAMANTALA, SINASABI RIN NG AER NA SA KASALUKUYAN, PANG APAT PA RIN ANG BANSA SA MAY PINAKAMARAMING NANINIGARILYO SA ASEAN REGION, PANG APAT SA LAOS, INDONESIA, AT MYANMAR.
ULAT NI BELLE SURARA
AGILA27@NET25
Mga Komento