ALTERNATIBONG PANGLUNAS SA MGA SAKIT, PATULOY NA INIHAHAIN NG PITAHC SA PUBLIKO
ULAT NI MS BELLE SURARA
Hanggang sa kasalukyan ay kontrobersyal ang House Bill 180 na sa kinalaunan ay inamiendahan bilang House Bill 6517 o ang paggamit ng Medical Cannabis o Medical Marijuanan para sa ipanglunas sa iba't ibang uri ng sakit o karamdaman.
Sinabi ni Dra. Annabelle Pabiona-De Guzman., Director General ng Philippines Institute of Traditional and Alternative Health Care o PITAHC na maramirami na rin namang naganap na usapin lalo na sa panig ng mga masa Medical Communities kaugnay ng legalisasyon nito. Bilang lunas sa iba't ibang karamdaman.
Ayon sa kanya, may stand ang PITAHC tungkol sa naturang usapin na legalisasyon ng Medical Cannabis o Medical Marijuana.
SOT : Dra. Annabelle Pabiona-De Guzman, Director General., PITAHC
"But the stand of PITAHC is that we will be involed in the research and Development os Medical Cannabis for the use of various health problem, primarily pains and for seizure control... but that legalization."
Samantala, patuloy na namang inihahain ng PITACH sa publiko ang iba't ibang uri ng panglunas sa sakit na dito ay kabilang ang mga halamang gamot na aprobado ng Department of Health. Katulad ng Ampalaya na halamang gamot para sa Diabetes, Bawang, Halamang gamot para sa High Blood o Hypertension, Lagundi, para sa sipon, Ubo at Hika, Sambong, halamang gamot para sa Ubo, Lagnat , Rayuma, High Blood, Pampaihi, at pantanggal ng Kidney Stones o Bato.
Ilan lamang iyan sa mga halamang gamot na maari nating subukan kapag naranasan ang mga nabanggit na karamdaman.
Mga Komento