KABALISAHAN - DAILY TEXT
Ang labis na pagkabalisa o pag-aalala, kahit para sa tunay na pangangailangan ng isa, ay makagagambala sa kaniyang isip at makahahadlang sa mas importanteng espirituwal na mga bagay.
Nagmamalasakit si Jesus sa kapakanan ng kaniyang mga alagad kaya sa kaniyang Sermon sa Bundok, apat na ulit pa siyang nagbabala hinggil sa mapanganib na tendensiyang ito. (Mat. 6:27, 28, 31, 34)
Alam na alam ni Jesus ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Higit pa riyan, alam niya ang mahihirap na kalagayang haharapin ng kaniyang mga alagad na mabubuhay sa “mga huling araw,” na inilarawan bilang “panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” (2 Tim. 3:1)
Kasama sa mga kalagayang iyon ang kawalan ng trabaho, pagtaas ng mga bilihin, kakapusan sa pagkain, at matinding kahirapan.
Pero alam din ni Jesus na “higit na mahalaga ang kaluluwa [o buhay] kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa pananamit.” w16.07 1:8, 9"
Ang Daily Text na ito ay hango sa JW.ORG
Mga Komento