DAPAT KONG IPAHAYAG ANG MABUTING BALITA NG KAHARIAN.—Luc. 4:43.
Ipinangaral ni Jesus ang “mabuting balita ng kaharian,” at inaasahan niyang gagawin din ito ng kaniyang mga alagad. Aling grupo ng mga tao ang nangangaral ng mensaheng iyan sa “lahat ng mga bansa”? (Mat. 28:19) Malinaw ang sagot—mga Saksi ni Jehova lang. Isang misyonerong pari ang nagsabi sa isang Saksi na kung saan-saan na siya nadestino, at sa bawat bansang pinupuntahan niya, tinatanong niya ang mga Saksi kung ano ang ipinangangaral nila. Ano ang isinasagot sa kaniya? Sinabi ng pari: “Nakakatawa sila, pare-pareho ang sagot nila: ‘Ang mabuting balita ng Kaharian.’” Pero sa halip na maging “nakakatawa,” ang mga Saksing iyon ay nagsasalita nang may pagkakaisa, gaya ng nararapat sa mga tunay na Kristiyano. (1 Cor. 1:10) At ibinabalita nila ang mensaheng nasa Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova. Ang magasing iyan ay makukuha sa 254 na wika, at halos 59 na milyong kopya ng bawat isyu ang inilalabas, kung kaya ito ang magasing may pinakamalawak na sirkulasyon sa buong mundo. w16.05 2:6
ANG DAILY TEXT NA ITO AY HANGO SA JW.ORG
ANG DAILY TEXT NA ITO AY HANGO SA JW.ORG
Mga Komento