PAGSAKIT NG ULO, HINDI DAPAT NA BALEWALAIN AYON SA MGA EKSPERTO
HALOS LAHAT NG TAO LALO NA ANG MGA WORKAHOLIC AY NAKARARANAS NG PANANAKIT NG ULO.
AYON SA MGA EKSPERTO, HINDI DAPAT NA IPINAGWAWALANG BAHALA ANG PAGSAKIT NG ULO DAHIL, IBA IBA ANG URI NITO.
ANG HALIBAWA NG URI NG SAKIT NG ULO AY MIGRAINE. ITO AY NARARANASAN NG MARAMI NATING MGA KABABAYAN.
KABILANG SA MGA NARARANASAN NG ISANG TAONG MAY MIGRAINE AY MATINDING PAGKIROT O PANANAKIT NG ULO SA ISANG SIDE LAMANG, MAAARING SA KALIWA O SA KANAN.
NAKARARAMDAM DIN ANG TAONG MAY MIGRAINE NG PAGSUSUKA, PAGKAHILO, NASISILAW SA LIWANAG AT IRITABLE.
BINIBIGYANG DIIN NG MGA EKSPERTO NA ALINMAN SA MGA NABANGGIT ANG MARAMDAMAN, MAHALAGANG IKUNSULTA AGAD ITO SA DUKTOR UPANG MABIGYAN NG TAMANG GAMOT.
HINDI DAPAT NA MAG SELF MEDICATE UPANG MAIWASAN ANG MALALANG KUNDISYON NA KAAKIBAT NG PAGSAKIT NG ULO.
Mga Komento