PHILIPPINE HEART MONTH, IPINAGDIRIWANG NG DOH AT NG PHILIPPINE HEART ASSOCIATION...HEALTHY LIFESTYLE, DAPAT NA GAWIN...
ULAT NI BELLE SURARA
LALONG MAITAAS PA ANG AWARENESS NG PUBLIKO TUNGKOL SA SAKIT SA PUSO BILANG ISANG SERYOSONG SULIRANING PANGKALUSUGAN NG BANSA NA DAPAT BIGYAN NG ATENSYON.
ITO ANG LAYUNIN NG PAGDIRIWANG SA BUWANG ITO BILANG PHILIPPINE HEART MONTH BATAY SA PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO. 1096 NA NILAGDAAN NOONG JANUARY 9, 1973 SA PANAHON NG MARCOS ADMINISTRATION.
ANG MGA AKTIBIDAD KAUGNAY NG NATURANG SELEBRASYON AY PINANGUNGUNAHAN NG DEPARTMENT OF HEALTH AT PHILIPPINE HEART ASSOCIATION SA PAKIKIPAGTULUNGAN NG HEART FOUNDATION OF THE PHILIPPINES.
SAMANTALA, AYON SA PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY O PSA TUMATAAS ANG BILANG NG MGA PILIPINONG NAMAMATAY DAHIL SA SAKIT SA PUSO.
AYON SA MGA EKSPERTO, ISANG SILENT KILLER ANG SAKIT SA PUSO AT MARAMI ANG NABIBIKTIMA NITO TAON TAON.
KAYA NAMAN, SA PAGUNITA SA BUWANG ITO BILANG HEART MONTH, MAHALAGANG PAGTUUNAN NG PANSIN ANG PANGANGALAGA SA PUSO... SA GANITONG PARAAN, MAIIWASAN ANG MGA SAKIT TULAD NG STROKE NA PANGALAWA SA PANGUNAHING SANHI NG KAMATAYAN SA BANSA.
PAYO NG MGA EKPSERTO..., GALAW GALAW UPANG HINDI PUMANAW.... HIGIT SA LAHAT.... MAHALIN ANG PUSONG NAGMAMAHAL ... MAG HEALTHY LIFESTYLE NA!
Mga Komento