DOH, MULING NAGBABALA KAUGNAY NG DIARRHEA
ULAT NI MS BELLE SURARA
Sa tala ng Albay Provincial Health Offce o PHO mahigit na apat naraang evacuees ang nabiktima ng naturang sakit.
Ayon sa PHO, nakaranas na ng pananakit sa tiyan at malabnaw na pagdumi ang Mayon evacuees.
Samantala, upang maiwasan ang Diarrhea ugaliin ayng paghuhugas ng kamay, bago, habang at pagkatapos magluto.
Gumamit ng sabon sa paghuhugas ng mga kamay at kuskusin ito ng may dalawangpung segundo.
Dapat ding iwasan ang pagkain at ng kahit anong bagay na hindi alam ang pinaggalingan.
Iwasan din ang pagkain ng street foods tulad ng isaw, tenga ng baboy at iba pa, lalo na at ito ay hatad sa daanan ng mga sasakyan at tao.
Mga Komento