MGA TAONG BALISA, MAS MALAKI ANG TSANSA NA MAKAGAT NG ASO AYON SA PAG AARAL
RAMDAM UMANO NG ASO KAPAG ANG ISANG TAO AY NAKARARANAS NG TAKOT.
AYON SA PAG AARAL NG MGA EKSPERTO SA BRITISH, ANG PAGIGING BALISA UMANO NG ISANG TAO AY NAKAPAGPAPATAAS NG TYANSANG MAKAGAT NG ASO.
HABANG ANG MGA TAONG PAYAPA AT PANATAG AY NAPAKABABA UMANO NG TSANSA NA KAGATIN SILA NG ASO.
ITO ANG NAGING RESULTA UMANO SA ISINAGAWANG SURVEY SA UNIVERSITY OF LIVERPOOL SA PITONG DAANG KATAO.
BAHAGI NG KANILANG PAG AARAL AY ANG PAGTATANONG SA MGA PARTICIPANTS KUNG SILA AY NAKAGAT NA NG ASO O HINDI PA.
SAMANTALA, WALA NAMANG KAUGNAYAN ANG KASARIAN, EDAD, AT LAHI NG ASO SA DAHILAN NG KANILANG PANGANGAGAT.
BATAY LAMANG UMANO ANG PAG AARAL SA KAUGNAYAN NG PERSONALIDAD NG ISANG TAO AT ANG DALAS NG PAGKAKAGAT NG ASO.
ULAT NI MS BELLE SURARA
AGILA 27 NET25
Mga Komento