WORLD LEPROSY DAY, GINUNITA. SAMANTALA, WHO, TARGET NA MAGING ZERO CHILD INFECTION SA TAONG 2020
ULAT NI MS BELLE SURARA
HINDI KINALILIGTAANG GUNITAIN ANG WORLD LEPROSY DAY TUWING SASAPIT ANG HULING LINGGO NG BAWAT ENERO.
AYON SA MGA EKSPERTO ANG LEPROSY OK ETONG SA TAGALOG AY ISANG PREVENTABLE AT CURABLE DISEASE NA NAKAAAPEKTO SA MARAMING TAO SA BUONG MUNDO.
BATAY SA DATOS NG W.H.O.,SIYAM SA BAWAT ISANG DAANG BAGO KASO NG KETONG AY MGA BATA.
SABI PA NG WHO, MAY MGA TOOLS O MGA GAMIT O KASANGKAPAN NAMAN, TAMANG GAMOT AT POLITICAL WILL.. ANG NAKALULUNGKOT... BIGO SA PAGDETECT NG SAKIT SA ORAS.
SAMANTALA, AYON SA MGA EKSPERTO, ANG KETONG AY DULOT NG IMPEKSYON NG BACTERIA NA ANG TAWAG AY MYCOBACTERIUM LEPRAE.ITO AY NAKUKUHA MULA SA MGA TILAMSIK NG LAWAY,BAHING O PAG UBO NG MGA TAONG APEKTADO NG NASABING SAKIT.
BINIGYANG DIIN NG MGA EKSPERTO NA ANG KETONG AY HINDI NAMAMANA, NGUNIT, MALAKI ANG TSANSA NA ITO AY MAKAHAWA.
Mga Komento