PAG USAPAN NATIN ANG MGA HEALTH BENEFITS NG PIPINO AYON SA MGA NUTRITIONIST
ULAT NI BELLE SURARA
MARAMI NANG MGA KABABAYAN NATIN NGAYON ANG NAHIHILIG SA PIPINO.
ANG IBA SA HALIP NA SITSIRYA ANG KAININ AY PINIPILING PIPINO ANG KAININ O PAPAKIN.
MALAKING CHECK AT TAMA ...SABI NG MGA EKSPERTO LALO NA SA PANIG NG MGA NUTRITIONIST.
SA MGA MAY SULIRANIN SA EYE BAG, PIPINO ANG PANLUNAS,... NGUNIT, THERE’S MORE PA...
LUMABAS SA MGA PAG AARAL NA PANLABAN DIN AT MABISA ANG PIPINO SA MGA MAY DIABETES, DAHIL MAY HORMONE UMANO ITO NA KAILANGAN NG PANCREAS UPANG MAG PRODUCE NG INSULIN.
PANLABAN DIN UMANO ITO SA CANCER DAHIL MAY TAGLAY ITONG POLYPHENOLS NA NAKATUTULONG SA PAGBABA NG RISK NG BREAST, UTERINE, OVARIAN AT PROSTATE CANCER.
BUKOD DITO, MAINAM DIN ANG PIPINO SA SUNBURN AT ITCHY O NANGANGATING BALAT..SA KIDNEY NAMAN, NAKAPAGPAPABABA UMANO NG URIC ACID LEVELS SA SYSTEM ANG PIPINO KAYA NAKABUBUTI ITO SA BATO.
ANG PIPINO AY NAKATUTULONG DIN UMANO UPANG BUMABA ANG KOLESTEROL LEVEL.
KUNG MAHINA ANG GILAGID, MALAKI ANG MAITUTULONG NG PIPINO UPANG ITO AY MAGING MATIBAY....AT SA MGA NAGNANAIS NA MAGING FRESH ANG PAKIRAMDAM....UGALIIN NA PIPINO AY KAININ.
Mga Komento