ACUTE RESPIRATORY DISEASES, KARANIWANG SAKIT NA DUMADAPO SA MGA BATA KAPAG MALAMIG ANG PANAHON
ULAT NI MS BELLE SURARA
IBAT’IBANG KARAMDAMAN ANG MAAARING DUMAPO SA SINUMAN KAPAG MALAMIG ANG PANAHON.
AYON SA ISANG PEDIATRICIAN, MAS MADALING DAPUAN NITO ANG MGA BATA LALO NA AT MAHINA ANG KANILANG IMMUNE SYSTEM.
KARANIWAN DITO ANG TINATAWAG NA ACUTE RESPIRATORY DISEASES.
SOT : DRA. ARISSA GONZALES, PEDIATRICIAN
CUE IN – “ito pong kalamigan ng panahon noh, very very common ho na magkaroon ng respiratory illness ang mga bata, yung mga ubo at sipon, talaga hong nag t trigger sa ganitong panahon, isa pa rin ung mga prone mag develop ng allergy, ung mga skin asthma na tinatawag, kati kati sa balat, talaga hong very prone, so para ho maiwasan ho natin kailangn ho talaga more water, sa mga bata...you give them lots of water, and daily dose of vitamins ho nila, multiple vitamis and vitamin C, will help stregnthen ung kanilang immune system....sa mga bata naman po, very advisable magkaroon ng mga moisturizers, kasi after bath, nawawala ho ung moisture sa katawan nila so, very prone din, pagka kumamot sila, masyadong naging dry ang skin, ayan na po, magkakaroon na ng sakit sa balat”.
CUE OUT –“SA BALAT NOH”
SABI PA NI DRA. GONZALEZ, MAHALAGANG NAPANANATILING MALINIS ANG KATAWAN AT PINAKAKAIN NG MASUSTANSYANG PAGKAIN ANG MGA BATA.
IIWAS SA MGA SITSIRYA AT TURUAN SILANG UMINOM NG MARAMING TUBIG.
Mga Komento