STOMACH FLU, KARANIWANG NARARANASAN KAPAG MALAMIG ANG PANAHON AYON SA MGA EKSPERTO
ULAT NI MS BELLE SURARA
Pinababa ng malamig na panahon ang resistensya ng ating katawan. Kaya naman may mga kababayan nararanasan na tinatawag ng Stomach Flu o mas kilalang bilang Gastro Enteritis ay isang iritasyon sa tiyan at bituka dahil sa impeksyon sanhi ng mirobyo.
Ayon sa mga eksperto, ang karaniwang nararanasan ng pasyenteng dinapuan ng Stomach Flu ay pagdudumi, pagsusuka, pammumulikat at sakit ng tiyan. Ilan sa mga lunas na maaring gawin kapag naranasan ang mga nabanggit ay oral rehydration solution o ang O-R-S-.
Sa isang basong tubig maglalagay ng dalawang kutsaritang asukal at kalahating kutasarang asin, paghaluin ito at inumin. Mainam din umano na magbigay ng Brat Diet o ang Banana, Rice, Apple at Tea.
Ang saging ay may taglay na potassium. Ang chamomile tea ay nakakarelax ng pakiramdam. Payo ng eksperto, tiyakin na makapagpahinga ng mabuti ang maysakit.
Mga Komento