AUTISM CONSCIOUSNESS WEEK, GINUGUNITA NG DOH, NGAYONG LINGGO
ULAT NI BELLE SURARA
Kinikilala ng gobyerno na dapat bigyang pansin ang mga kababayan nating nabibilang sa tinatawag na autistic upang sila ay makapamuhay ng may dignidad at makapagambag kahit paano sa lipunang kanilang ginagalawan.
Kaugnay nito, tuwing sasapit ang Enero a 15 hanggang a 21, ay ginugunita ng Department of Health o DOH ang Autism Consciousness Week. Ito ay batay sa Presidential Proclamation No. 711 kung saan idenedeklara na ang ikatlong linggo ng Enero ay Autism Consciousness Week.
Ayon sa mga eksperto, ang autism ay isang uri ng developmental disorder kung saan ang isang indibidual na may taglay nito ay kinakikitaan ng suliranin sa pagsasalita, pakikisalamuha sa iba at sa kanilang pag uugali o gawi. Tinatawag pa nga ng marami na...”may sariling mundo”.
Sa mga pag aaral, sinasabing maaaring makuha ang autism kapag na expose sa kemikal ang bata habang nasa loob ng tiyan ng ina at may nagsasabi ring ito ay namamana. Ang mga dapat umanong obserbahan sa bata upang malaman na may autismo ito ay kapag hindi siya natutong magsalita sa edad na dalawang taon, hindi makakilala ng mga tunog, walang reaksyon kapag tinatawag at wala ring eye contact kapag kinakausap.
Ngunit, paglilinaw ng mga eksperto, huwag naman munang ipalagay o isipin agad na autistic na ang isang bata kapag kinakitaan ng mga nabanggit.... kasi baka delayed lang ang development nito.
Upang makatiyak, mas mainam na kumunsulta sa isang developmental pedetrician.
Mga Komento