ILANG SANHI NG MADALAS NA PAG IHI, AYON SA MGA EKSPERTO
ULAT NI MS BELLE SURARA
SULIRANIN SA MARAMING TAO ANG MADALAS NA PAG IHI LALO NA NGA SA GABI.
AYON SA MGA EKSPERTO, MALAKI ANG POSIBILIDAD NA GALING SA PARTIKULAR NA PAGKAIN AT INUMIN ANG SANHI KUNG BAKIT MADALAS NA MAIHI ANG ISANG TAO.
KABILANG UMANO SA DAPAT NA LIMITAHAN O IWASAN NG MGA TAONG PALA IHI AY ORANGES, GRAPEFRUIT AT PINEAPPLE, NA SAGANA SA CITRUS AT ACIDS NA TAGLAY NG MGA ITO.
NGUNIT, PAGLILINAW NG MGA FOOD EXPERTS, MAHALAGA DIN ANILA NA KUMAIN NG MGA NATURANG PAGKAIN DAHIL SA MGA BITAMINA AT FIBERS NA NAKUKUHA SA MGA ITO.
KABILANG NAMAN SA MAINAM NA KAININ UPANG MAIWASAN ANG MADALAS NA PAG IHI AY SAGINA, MANSANAS, PERAS AT BERRIES.
ITO AY DAHIL DAW SA NON ACIDIC ANG MGA NATURANG PRUTAS.
IWASAN DIN ANG PAGKAIN NG MGA TSOKOLATENG MATAAS SA CAFFEINE DAHIL NAGIGING SANHI DAW ITO NG IRITASYON NG BLADDER O PANTOG.
KABILANG PA SA MGA DAPAT IWASAN AY ANG MAAANGHANG NA PAGKAIN NA TULAD NG HOT SAUCE, CHILI PEPPERS AT WASABI.
PAALALA PA NG MGA EKSPERTO, MAHALAGANG KUMUNSULTA SA DUKTOR KUNG SOBRA SA MADALAS ANG PAG IHI.
Mga Komento