Trycycle? Umaarangkada Na Rin Sa Patalbugan Ng Tunog Kalye Sa Bulakan!
Reported by ,
Ms Horizon Chaser
Sa Baliwag Bulacan, Mayroong gimik ang Sound Quality Car / Trikes Car
Audio Tea sa mga Trike sa Bulacan. Nagseset-up sila ng mga Tricycle, kung saan
nilalagyan ito ng mga quality speaker na may iba't- iba ang porma. Tinitiyak nila na makapag-paindak
ito sa mga makarinig sa daanan. Ayon kay Mr Joel Y. Fajardo na siyang nangunguna nito ay nagsimula ang ganitong gimik noong 1985 kung
saan ang unang gamit noon ay hindi pa Motor kundi isang bisekleta lamang na may
sidecar. Nirevise nila ito at ginawang Motor na may sidecar na naka set-up.
Tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre, nagsasama-sama
ang mga nagmamay-ari nang ganitong bihikulo upang irampa ang ibat ibang uri ng disenyo
ng kanilang tricycle. Para sa gustong magpaset-up ay dapat sinisimulan na ito sa buwan ng Setyembre,
dahil may katagalan ang pag aayos ng ganitong kagamitan. Tumatagal ito ng tatlo
hanggang pitong araw depende pa sa budget at gusto ng kliyente.
Samanta nakakagulat din pala ang halaga ng bonggang tunog na ito . Kay Mr Pajardo na Sound
Quality Car / Trikes Car Audio ay may sarili ding set-up ng kaniyang Tricycle
na Trikes Car Audio at ito ay inabot ng halagang P500,000 dahil sa dami ng
aparato na inilagay dito. Kadalasan, ang pagpapalagay at pagpapadisenyo sa
ganitong uri ng sasakyan ay nagsisimula sa P50,000 pataas, depende sa budget ng
Kliyente.
May katagalan
man at kamahalan ang gamit na ito ngunit sulit naman daw ito dahil sa ganda ng
tunog. Ang kanilang mga materyales ay gawa ng JBL Company. Ang JBL Company ay
gawang amerika na pag aari ng Harman International. Pangunahing Produkto nila
ay mga Loudspeakers. Dahil sa imported ang kanilang mga gamit sa pag seset-up,
makakatiyak tayo na ito ay may mataas na kalidad.
Puwedeng
gawing hobby itong pagpapa set up o
pagpapaporma na ito, ngunit pwede din naman itong gawing negosyo. Kapag may mga
events sa inyong lugar, siguradong kailangan nila ng mga speaker para sa
tugtugan at kasiyahan, magagamit ang Trike Car Audio na ito kahit sa malaking
espasyo ng salo-salo. Astig ka na, may kita ka pa!
Pero, bukod sa Tricycle ano pa ang sineset-up nila?
Nakakatuwa na may bago tayong aabangan. Pinaplano ng nila na mag set up naman
sa susunod na mga Kotse, mga sasakyan na naman na magbibigay ng kulay sa mga
lansangan.
Mayroon ba
kayong mga Trike o Trycycle na gusto ninyong papormahin o gumawa ng negosyo
gamit ang Trike ninyo? Kontakin lamang ang JBL Company sila (09326465294) para
sa karagdagang impormasyon sa mga kagamitang ito.
Mga Komento