Song 136 The Kingdom Is in Place—Let It Come!

Entitled “The Kingdom Is in Place—Let It Come!” This song, which was featured at the recent annual meeting of Jehovah's Witnesses, was specially composed to mark the 100th anniversary of the birth of the Kingdom.

The new songs are certainly “good things” from Jehovah. (Matt. 12:35a)

JW said, Let us make it our resolve to learn these new songs and sing them from our hearts, giving fitting praise and honor to our God!

Ang buong mundo na mga Saksi ni Jehova ay laging napapatunayan sa "Iisang Gawain" ng kanilang paraan nang pagsamba. Bagaman magkaiba man ang kultura o wika ay makikilala mo sila sa kanilang mga kilos at salita na sila'y mga lingkod ng Diyos.

Ito lang ang relihiyon sa buong mundo na may pinaka-marami na may iba't ibang salin ng wika na umabot na ito sa 600 mahigit. Halimbawa na lang ang bago nilang tatlong awiting ito na may mga pinamagatan na Awit136 Kaharian , Itinatag Nawa'y Dumating Na Ito  137 Bigyan Mo Kami Ng KatapanganAwi138 Jehova, Ang Iyong Pangalan .

Narito ang tagubilin ng Teokratitong Ministeryo ng Kaharian ng JW kung paano matutunan ang mga bagong awiting ito.

"Kung Paano Matututuhan ang mga Bagong Awit: Hindi madaling mag-aral ng bagong kanta. Pero gaya ng salmista, gusto nating umawit sa ating mga pulong sa kongregasyon at “hindi manatiling tahimik.” (Awit 30:12) Para matutuhan ang bagong awit, sundan ang simpleng mga hakbang na ito.

˙ Paulit-ulit na pakinggan ang piano recording ng awit, na ilalagay sa ating website. Miyentras naririnig mo ang himig, mas madali mo itong matatandaan.

˙ Pag-aralan ang liriko, at sikaping sauluhin ito.

˙ Kantahin ang liriko kasabay ng himig. Gawin ito nang ilang beses hanggang sa makabisa mo ang awit.

˙ Praktisin ang bagong awit sa inyong sesyon ng Pampamilyang Pagsamba hanggang sa makuha ninyo ang tono.

Sa susunod na mga buwan, kapag may nakaiskedyul na bagong awit sa pagtatapos ng Pulong sa Paglilingkod, patutugtugin muna sa kongregasyon ang piano recording. Pagkatapos pakinggan, kakantahin ito ng kongregasyon sa saliw ng rekording, gaya ng ginagawa natin sa ibang awit.

Kung iisipin, ang pag-awit sa ating mga pulong ay nagdudulot ng kagalakan habang pinagkakaisa natin ang ating mga tinig para papurihan si Jehova. Kaya huwag nating ugaliing lumabas o umalis kung hindi naman kailangan kapag umaawit sa ating mga Kristiyanong pagpupulong

May isa pang paraan para pahalagahan ang ating sagradong musika. Sa ating mga asamblea at kombensiyon, may pinatutugtog na musika bago magsimula ang bawat sesyon. Dalawang beses sa isang taon, may mga kapatid mula sa iba’t ibang bansa na nagbibiyahe papunta sa Patterson, New York, para lumikha ng musikang ginagamit sa ating pagsamba.

Sila ang sumasagot ng sarili nilang pamasahe. Kaya kapag inanyayahan tayo ng chairman na maupo na para makinig sa musikang inihanda ng orkestra, magandang sumunod tayo. Makakatulong ito na maihanda ang ating puso sa mga impormasyong matatanggap
natin.—Ezra 7:10

Sikapin nating pag-aralan at buongpusong awitin ang mga bagong awit at ibigay sa Diyos ang marapat na papuri at karangalan!—Awit 147:1."

Narito naman po ang pagsasanay ng awitin mula sa Cubao Congregation Philippines.






ITALIANO VERSION


JAPANESE VERSION


KOREAN VERSION





Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry