Young Rice Scientist's Mas Palalawigin Pa Ang Produksiyon Ng Bigas - IRRI
Ms Horizon Chaser
01.27.2015 / 11:16 pm
Pagkadating ng aming grupo ng mga mamamahayag ang PSCIJOURN MegaManila pagka-pananghalian ay sinimulan kaagad ang programa sa hapon at magtatapos ito ng alas singko sing-kwenta ng hapon para naman isusunod agad ang "Breaking ceremony" na kung saan ay akma ito sa dapit hapon.
Ang nangunguna sa Kinabukasan ng Programa ay sina Grant Singkleton at Janelle Jung. Ang mga napapaloob sa programa ay narito ang mga sumusunod:
- Post-harvest losses by Rodents ( Scientist Nyo Me Htwe )
- Induced mutations alter 0 13C values in C4 plants ( Scientist Govinda Rizal )
- Supporting women alter in rice farming: Where can we contribute ( Scientist Pieter Rutsaert )
- Testing C4 gene promoters ( Scientist Shanta Karki )
- How learning alliance or adaptive management approach affects innovation ( Scientist Rica Joy Flor )
- Increasing rice yield through pyramiding high value genes ( Scientist Ramkumar Gandhimari )
- Targeted genome editing through CRISPR/Cas9 technology ( Scientist Akshaya K Biswal )
- Enhancing rice straw management to mitigate environmental footprint ( Scientist Nguyen Van Hung )
- Why getting muddy matters: Lessons learned from getting young scientists out of the lab and into the field. ( Scientist Janelle Jung )
- SNP marker development for rice breeding ( Scientist Maria S Dwiyante )
- Population structure in 3000 rice genomes ( Scientist Dmitri Chebotarev )
- Mutagenesis for discovery of genes affecting the leaf vein density in a model C4 monocot ( Scientist Vivek Thakur )
- Understanding adaptation of rice across varying environments: Traits, trait interactions and QTLs ( Scientist Shalabh Dixit )
- Night inspiration and sink activity reveals high night temperature induced yield and quality loss and rice. ( Scientist Rajeev Nayan Bahuguna )
- Effect of land configuration on water productivity and crop performance in rice-based cropping system. ( Scientist Krisha Devkota )
- Biotect + breeding = healthier rice varieties ( Scientist Jessica Rey )
- Setaria photosynthetic mutant screen using Plant Screen Phenotyping System ( Scientist Jolly Chatterjee )
- C4 gene stacking ( Scientist HsiangChun Lin )
Nagkaisa ang mga Kabataang Scientists at mga miyembro ng International Rice Research Institute (IRRI ) , CGIAR na tunguhing mabawasan ang kahirapan at gutom sa Bansa. Sa pamamagitan nang malawakang produksiyon ng Bigas at kapaki-pakinabang sa kalikasan.
Ayon sa IRRI, ang mga magsasaka umano ang unang makikinabang sa mga makabagong teknik ng produksiyon ng bigas na maging kuwalipikado ito sa merkado at may siguridad na maiingatan ang kalusugan sa kung sinuman ang makakain nito.
Sapagkat malaki ang suporta ng mga tumutulong na malalaking Bansa, Publiko at Pribadong Sektor na mapalago pa ang mga pasilidad ng pagsasanayan ng mga Scientist's. Kung babasihan sa pangangailangan ng bigas sa buong mundo ay umabot na sa walo-hanggang sampung milyon tonelada na bigas ang kailangan sa loob ng isang taon at dapat nasa mababang halaga itong mabibili ng taong bayan.
Sumasabay din ang klima ng panahon na pabago-bago at madalas nakakadanas ng mga iba't-ibang kalamidad. Nariyan na tumataas ang level ng tubig dagat sa lupa, mainit na panahon, pagbaha at malalakas na ulan na siyang sanhi ng pagpapahirap sa ating mga magsasaka sa buong mundo.
Kaya dito nagsisimula na naglalaho ang sustansiya ng lupa, na siya ring dahilan sa paghina ng ani ng mga magsasaka sa mundo. Hindi na kataka-taka na umabot ng isa lang sa anim o mahigit na sa isang bilyon na tao ang nabubuhay sa kahirapan na halos hindi nakakatikim ng bigas bawat araw.
Samantala, patuloy rin na lumaki ang bilang ng malnutrisyon sa buong mundo dahil sa epekto ng mababang produksiyon ng bigas na hindi abot kaya ng mga mahihirap nating mga kababayan. Ganoon na lamang ang mga pagsisikap ng ating mga makabagong Scientists sa buong mundo.
Para sa kinabukasan ay magpapatuloy ang pag-aaral upang matugunan ang suplay ng bigas sa buong mundo. Maingatan ito, maunawaan, maibahagi na gamit na sa hinaharap itong Rice Genetic Diversity
Ang sama-samang puwersa ng IRRI's ay umabot na sa isang libo, tatlong daan at limampu. Samanta umabot naman sa isang libo at isangdaan na ang mga headquarters sa Pilipinas, isang daan at twente naman sa Bansang Bangladesh, singkwenta sa India at sa iba pang lokasyon ng Asya at Aprika.
Mga Komento