Trabahong Mabigat dapat palang papurihan!

Dec. 11, 2014 - Jan. 15, 2015 story
Happy morning mga magigiliw kung tagasubaybay sa blog na ito :)
Tiyak' masisiyahan na naman po kayo sa aking salaysay hinggil sa usaping "TRABAHONG MABIGAT". Alam mo ba na pinupuri pala ng Bibliya ang taong "dalubhasa sa kaniyang gawain" at ang babaeng "ginagawa... ang anumang kalugdan ng kanyang kamay." (Kawikaan 22:29; 31:13)

Magiging makatotohanan ito sapagkat ang inyong abang lingkod mismo ay aktuwal kung ginawa kahapon lamang ng ika 11 ng Disyembre 2014 ang pag-boluntaryo sa ginagawang Kingdom Hall sa Antipolo Hills. Kasama namin ang iba't ibang mga kongregasyon sa Metro Manila. Nariyan ang taga Taytay Rizal, Pasig at iba pa.

Ano naman ang kaugnayan nito sa Topic natin sa ngayon? Opo may malaking kaugnayan ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Anuman ang ating kalagayan sa buhay o anuman ang ating lahi at relihiyon?

Maaari nating kapupulutan ng aral o di kaya ay mapanatili mo ang iyong tamang pananaw` sa iyong buhay. Pansinin natin ito, at aminin natin na minsan buong akala natin ay isang matinong mamamayan na tayo o isang matuwid na kristiyano na tayo mapa-baguhan ka man o matagal na sa katotohanan. Ngunit may mga bagay pa pala tayo na nakakaligtaan.

Oo inaamin ng inyong lingkod na isa din ako doon sa inaakalang sapat na ang aking nagagawa kahit sa kabila ng mga pagsubok sa aking buhay ay buong akala ko na ang makayanan ang problema ay ok na sa Diyos at sa Kapwa. Ngunit, may mga dapat nating bulay-bulayin na kung alin pa ang maliliit na bagay ay siyang pinaka-mahalaga at dakila pala sa mata ng lipunan at sa DIYOS.

Katulad na nga nitong maging Constraction Worker o Trabahador na nagbabanat ng buto at tagiktik ang mga pawis na sala sa init at ulan. Bakit kaya napakahalaga ng mga mabibigat na trabahong ito? Napagtanto ko lang mga kaibigan ko bagaman boluntaryo lang ako sa ginagawang Kingdom Hall at sobrang excited ang inyong lingkod dahil isang bagay ito na ikatutuwa ng aking Diyos na si Jehova.

Ngunit laking gulat ko na hindi pala biro' ang trabahong mabibigat???..  habang patuloy kung ginagawa ang ibinigay na atas sa aming grupo ng mga taga Cubao Congregation Quezon City na nasa walo kami na pinangunahan ng aming dalawang masisipag na mga kapatid sina ...

Sa simpleng atas lamang na aking ginawa katulad ng pagsasalin ng buhangin sa balde at isasalin don sa mga nagbubuhat ng buhangin upang masala' ang mga pinong buhangin nito ay nadama kung ubod bigat' at napakahirap din pala!!!. Opo, napakadaling pagmasdan at mukhang hindi mahirap gawin, ngunit mali pala ang ating mga mata.

Kaya naisip ko lang bakit kaya mababa ang uri ng ganitong trabaho? Parang mali yata ang pananaw ng mga tao? at isa pa ang mga tao ay Mahal nila si Jesus at kinikilala nila si Jesus, ngunit si Jesus ay hindi nagbigay ng halimbawa ng may mataas na edukasyon. Kundi ang magtrabaho siya ng mabibigat na katulad ng ginagawa nila ng kanyang ama na si Jose ang pagiging Karpintero.

Simple lang kasi ang buhay nila Jesus noon pero hindi po ito madali. Tinukoy ng Bibliya si Jose bilang Karpintero, na may kaugnayan ito sa kahoy, gaya ng pagputol ng puno', paghakot sa mga ito at pagpapatuyo para magamit sa paggawa ng mga bahay, kariton, gulong, pamatok, bangka, maliliit na tulay at lahat ng iba pang kagamitan sa pagsasaka. ( Mateo 13:55 ) Mabigat na trabaho ito.

Hindi man lang natin naisip na kapag pinagpawisan ang isa sa pagtrabaho ay ibig sabihin lang nito na nakadama siya ng puwersahang trabaho na ang mga laman nito ay kumikilos. Imaginahin natin na maghapong nakayuko ka at mabigat ang iyong ginagawa ay unti-unti mong maramdaman ang mga kirot' ng mga kalamnam.

Alam niyo po ba noong panahon ng Bibliya ay karaniwan nang nagtatrabaho sa labas lang ng kaniyang bahay o sa malapit na gawaan. Si Jose ay napakaraming kagamitang pagkakarpintero na ang ilan ay minana niya sa kanyang ama. Maaaring gumamit siya ng eskuwela, hulog, yeso, palataw, lagari, daras, martilyo, malyete, pait, barena, iba't ibang pandikit, at marahil ay mga pako, bagaman napakamahal nito.

Ayon sa JW.ORG ay " Maiisip natin ang maliit na batang si Jesus habang pinapanood ang nagtatrabaho niyang ama-amahan. halos ayaw kumurap ni Jesus sa pagbabantay sa bawat kilos ni Jose. Hangang-hanga siya sa lakas ng malalapad na balikat at maskuladong mga bisig ni Jose, sa bihasang mga kamay nito, at sa talinong nakikita sa mga mata nito. Marahil ipinakita ni Jose sa kanyang maliit pang anak ang ilang simpleng trabaho, gaya ng pagkikinis ng kahoy sa pamamagitan ng pinatuyong balat ng isda, Malamang na itinuro niya kay Jesus ang pagkakaiba ng mga kahoy na ginagamit niya, gaya ng sikomoro (igos-mulberi), ensina, o olibo".

Alam din pala ni Jesus na ang malalakas na kamay na nagpapatumba ng puno', gumagawa ng mga biga', at pamukpok sa mga hugpungan ay siya ring mga kamay na nag-aruga sa kaniya, sa kaniyang ina, at sa kaniyang mga kapatid. Oo, lumaki ang pamilya nina Jose at Maria. Nagkaroon pa sila ng anim na anak bukod kay Jesus. Kaya kailangang magtrabahong mabuti si Jose para mapangalagaan silang lahat at mapakain.


Pero alam ni Jose na ang pinakamahalaga pa rin ay ang espirituwal na pangangailangan ng kaniyang pamilya. kaya naglaan siya ng panahon para turuan ang kaniyang mga anak tu ngkol sa Diyos na Jehova at sa kaniyang kautusan. (hango sa JW.ORG)


Kanino nga ba nagmula ang kumuha ng mataas na Edukasyon? na kung saan ang mga ibang magulang ngayon ay halos ipagpalit nila ang kanilang buhay at dangal para lamang na makapag-aral ang kanilang mga anak sa mga kilalang Unibersidad na may mga Matataas na Edukasyon. Pero Jesus sila ng Jesus? May mga eskuwelahan din na gamit ang mga Relihiyon nila at isinabit pa si Jesus at ang Ama sa Langit. Magulo' yata di ho ba?

Isa pa may alam ka ba na tinulungan si Jesus na taong mayaman? Ang pagka-alam ko may tinulungan siya upang maging karapat-dapat sa kaharian ng Diyos at maging tagasunod ni Jesus ay ang taong mayaman nga, ngunit ang kahilingan ay iwanan niya ang kanyang pag-aari o ipamigay sa mga dukha. ( Mateo 19:16-24 )


Sa tingin ko lang po, ang mas kilalanin at papurihan natin ang mga Mabibigat na Trabaho kung kinikilala natin ang Diyos at si Jesus dahil hindi kailanman nilayon ng mag-ama na kumuha tayo ng matataas na edukasyon na kung saan marami ang hindi naging magagandang epekto nito sa Mundo at sa Tao di ho ba? Nariyan ang tumaas ang bilang ng mga diskriminasyon ng mga mahihirap at mayayaman at pati lahi na rin na kung saan halos nagpapapatayan pa nga!.

Nalito lang ako bigla at nag-isip habang nagpapala ako ng buhangin.. na ganon din ako noon bata pa lamang ay napakarami ko ng pangarap sa buhay at kako iahon ko ang aking pamilya sa kahirapan. Mabuti na lamang lagi kung sinusunod ang aking budhi sa tuwing may nais akong kursong kukunin ay laging may kaakibat na hindi maganda. Pero wala pa akong gaanong alam sa mga batas at layunin ng Bibliya noong panahon na iyon. Kung kaya trabahong kabayo' ako ika nga, nga lang nakakalungkot na isipin na parang suntok sa buwan lang pala lahat at para kang nagpapagal sa hangin.

Ang totoo, puwedeng masiyahan tayo sa anumang trabaho natin kung tama ang ating saloobin-kung pag-aaralan natin ng mabuti. Anumang ang trabaho mo, na kailanganin ang mental o pisikal na lakas ay alalahanin natin ang magandang textong ito ng bibliya sa  ( Kawikaan 14:23 ) "sa bawat uri ng pagpapagal ay may kapakinabangan."

Kapag kumikita tayo ang ating problema sa materyal ay matutugunan at inaasahan din tayo ng Diyos na magsisikap tayo na kumita sa MALINIS na paraan at MARANGAL para lang magampanan ang ating mga responsibilidad na hindi umaasa sa iba.

Masarap isipin na kumikita tayo dahil sa Mabibigat na Trabaho na nabigyan natin ng higit na paggalang sa sarili . Ang mataas na pamantayan ang siyang mahalaga sa lipunan at lalo na sa Diyos na nagmamasid sa atin. Sapagkat nais niya din na masanay tayo sa trabahong mabibigat tungo sa pangakong paraiso.

Kaya hindi dapat ito iniiwasan at ikakahiya. Dapat pa nga kung pantay lang ang batas sa lupa dapat mas mataas ang sahod ng mabibigat na trabaho kaysa sa mga paupo-upo na lamang sa malamig na opisina. Malamang wala ng mag-aaral sa mga matataas na edukasyon at tiyak malulugi ang mga eskuwelahan at ang mga milyonaryo o bilyonaryo ay mababawasan na. Sapagkat magiging pantay-pantay na tayong lahat.

Mababawasan na rin ang mga iba't ibang sakit. dahil ang mga tao ay malulusog at malalakas na di ho ba? kasama na ang pagkawasak ng pamilya dahil maiiwasan na ang mag aabroad dahil ang lahat ay nagbabanat na ng buto'.Mawawala na ang mga kamag-anak na palaasa sa mga pamilyang nasa ibang bansa o nagbibinta ng laman o naghahanap ng mapapangasawang mayaman. Lahat ng mga ito ay magtatrabaho na ng mabibigat.

Sa gayon ang ating trabahong mabibigat ay pagmumulan ng masidhing kaligayahan.

Napakalaking pasasalamat ko kay Jehova na ipinakita niya sa akin ang mga bagay na ito. Ngayon naintindihan ko na ang mga damdamin ng mga may Trabahong Mabibigat. Napakaligaya ko ngayon at hindi natatakot na kung anuman ang aking kinabukasan kasama ng aking  mga anak. Dahil ang utos lang sa atin ay pansamantala lamang ang ating paninirahan sa sanlibutang ito na kung saan ay aalisin niya ang lahat ng gawa ng tao at ipapalit ang kaharian ng Diyos at si Jesu Kristo na ang presidente sa buong mundo na tayong lahat ay pantay pantay na.

(Ang ginagawang Kingdom Hall ng Antipolo Hills)
 Jepree Magtibay 
( Laging nagbibigay ng mga positibong bagay, masayahin at madaling kausap kaya naman hindi nakakapagtaka kung marami siyang naging kaibigan. )

 at si Romel Gingco 
( Laging handang maglingkod kay Jehova'h at sa mga kapatid sa ka-pananampalataya, napakasipag, matulungin at laging may tamis na ngiti, higit sa lahat mapagbigay. ) at ang mga babae na sina 

                                                    ate Minda Miranda
( Kaya kami siguro malakas dahil sa masasarap na luto ni ate Minda, lalo na ang gulay naku tunay na matatakam po kayo kapag matikman niyo ang luto ng butihing ginang namin na ito. Napakama-alalahanin, masipag at tunay na huwaran bilang maybahay. Kung sa lakas naku talo kaming mga medyo bata-bata sa kanya he he he :). Mapalad ako at nakasama ko ang kapatid na ito na tunay niyang mahal na mahal si Jehovah)

                                                    Kim De Lara
( Isang dalaga na masipag, palangiti at mabait. Kahit mainit ay tuloy tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa at mahinahon. )

                                                    Jona Lopanggo
( Si sis Jona ay laging magaling sa diskarte sa gawaing ito, kaya naman napapagaan at napapabilis ang sinumang maka-partner sa pagtatahip ng buhangin. Hindi biro ang bigat nito pero kayang kaya at masayang ginagawa niya ang kanyang atas.)

Lindzay Hortilloza 
( Ang mabait na sister na ito ay nahiwalay sa grupo at doon siya sa loob ng kingdom hall at nabigyan ng atas na tumulong sa mga nagse-semento at laging overtime he he he :) sipag ano ho? at mukhang may natutunan daw siya na bagong diskarte sa pag semento. ) at ang isang brother.












( Oras muna sa aming Masayang Pananghalian at masarap na baon )















Bro Joshua Balboa and Brother's and sister






(LUNCH TIME)




(Time to Go Home)

SA PAGPATULOY PART 2 - January 15, 2015


Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry