" Tamang Kasiyahan, Paano nga ba? "

{Mga kapatid na babae sa El Monte Verde Congregation Taytay Rizal}

Kung ikaw ang tatanungin ko. Anong klaseng Party ang nais mong makita?

Sa panahon po natin sa ngayon at nasa 2015 na tayo, para sa iba nga naman ay napakahirap na maging mahinhin daw ano ho? Samantalang ang mga kabataan ngayon ay mga agresibo na! Para bagang' BADOY ka daw kapag mahinhin ka sa panahon ngayon!

Kung titingnan natin sila ay makakadama ka ng takot at lungkot. Pero subukan natin na ilagay natin ang ating sarili sa mga kabataan ngayon at baka' maging ganoon din ang ating pagkilos? Kung kabi-kabila ang mga nakikita ng mga kabataan na mga bagay na nagtatampok ng kababaan sa moral. Naku! paano ka makipagbuno' na huwag tularan ng iyong anak na kung saan ay nasa kasibulan ng pagiging agresibo ang mga ito?

Matatalino sila ngayon, kung pa relax-relax lang ang mga magulang at panay abroad lang para kumita ng salapi o dili kaya abala lagi sa trabaho paano mo magagabayan ang iyong anak? Kung yoon nga lang po na magulang na may panahon sa mga anak ay nahihirapan pa rin sila kung paano mapasunod sa tamang landas ang kanilang mga anak?

Magbalik tanaw lang ang inyong abang lingkod mga minamahal kung kaibigan. Nabanggit na rin lang naman ang isang magulang na may mga panahon sa mga anak. Sa sarili ko na lang na karanasan noong nasa Elementary pa lang ang panganay kung anak na si Kenzie at si Denzel ay  Grade 1 palang yata siya noon.

Nakatira pa kami sa napakataas na lugar sa Botong Francisco ng Angono Rizal. Napakahirap ng aking kalagayan dahil hindi naman ako sanay sa ganoong buhay at isa pa napaka-emotional na tao pa naman ako. Kasalukuyang seryoso ako sa pag-aaral ng salita ng Diyos na mula sa Bibliya sa tulong ng mga Saksi ni Jehova.

Magmula ng masagot ng Bibliya ang mga mahahalagang katanungan sa aking buhay ay tinalikuran ko kaagad ang aking minamahal na trabaho ang pagsasayaw sa Telebisyon na siyang bumubuhay pa naman sa aking pamilya noon bilang isang Bread Winner na tinatawag.

Sapagkat bumagsak din ang kabuhayan nila mama at papa kaya ako na ang sumalo sa lahat ng pangangailangan ng aking pamilya sa tulon ng aking talento na mula bata pa sa idad na 2 taong gulang ay mahilig na akong umindak sa entablado ako nga daw po ang tagatawag pansin sa mga mamimili ng aming mag panindang mga damit, tawag nila sa akin noon ay batang bibo at lagi kaming maraming kustumer dahil pinapanood nila ako.

Dumating ang malaking pagsubok sa aming pamilya dahil sa mga bisyo ng aking papa ay hindi naging maganda ang pagsasama ng mga magulang ko. Hanggang sa paglaki ko katatapos ko lang ng High School ay na diskobre ako na kailangan pala ng mananayaw ang Wea Recording noon. Lingid sa mga hindi nakakaalam na ang WEA Company ay Universal recording na ngayon.

(Former Wea Pop Girls Baliktanaw Interview)

Noong panahong 1980's-1990's ang mga mananayaw sa Telebisyon dito sa Pilipinas ay sila ang nagpapauso ng kung ano ang mga makabagong Musika at Sayaw. Kaya napabilang ako sa Wea Pop Girls group na pawang 5 mga babae lamang at ang aming laging piyesa ay Pop Music. Inaabangan lagi kami sa mga opening ng mga noon time show sa telebisyon tulad ng Lunch date, Eat Bulaga at iba pang mga programa.

Nasa 1989-94 ako napabilang sa mga mananayaw sa telebisyon at isa sa pina-kahuling Pop Girl. Dito nagsimulang unti-unting naglalahong ang mga recording dancers group dahil sa lumabas na itong You Tube. Dahil ang mga tao ay sila na ang nakikipag unahan kung anong uso sa ibang Bansa. Hanggang ang mga ka grupo ko ay nagsipag-abroad na lang at ako ang naiwan dahil ang papa ko ay napahigpit pa rin sa akin.

Nakabuo din kami ng grupo mula sa iba't-ibang recording company na tinawag namin na Dance Focus hanggang sa naisipan ng aming manager ang Sex Bomb na kasalukuyang sumikat ngayon! may isa na akong anak noon at sabay-sabay ang offer para din sa abroad. Napaka-rami ko pang uportunidad na kumita ng maraming salapi. mahal ko talaga ang pagsasayaw kahit marami pa akong gustong mga kursong matatapos.

( Interview with Sexbomb Manager Joy Canchio )

Kaso mas madali ang mga materyal na bagay sa aking talento at malaking tulong ito sa aking pamilya. Sa kasag-sagan noon na binubuo ang Sexbomb at kabi-kabilang offer para sa ikagaganda ng kinabukasan sana ng aking pamilya ay kainitan din ng aking Pagkuha ng Tumpak na Kaalaman mula sa Bibliya.

( Interview with Sexbomb Manager Joy Canchio )

Kaya dumating sa punto na kailangan kung mamili o mag desisyon kung alin ang bibitawan ko? ang aking mahal na trabaho na taliwas sa utos ng Diyos dahil sa mga Idolatriya at hindi ito nagtatampok ng kahinhinan at katinuan sa mata ng tao at lalo na sa mga kabataan na napakaraming gustong sumunod sa aming mga yapak at hindi ko na mabibigyan ng tulong pinansiyal ang aking pamilya.

Pero nariyan pa rin ang respeto ko sa mga mananayaw sa ngayon. Sapagkat hindi pa nila alam ang katotohanan at ginagawa lang nila ang abot ng kanilang pananaw sa buhay o nakagisnan. Dahil sa mundo ng sanlibutan basta may talent at ganda ka ay huwag mo itong itatago. Dahil mahalaga sa amin noon ang makilala ka at yumaman.

Kung Bibliya naman ang susundin ko tiyak mapapalugod ko ang pinaka-makapangyarihan sa Lahat ang gumawa ng anumang bagay na aking nakikita at higit sa lahat si Jehova pala ang tunay na nagmamay-ari ng aming talento. Kaya dito ako nakapag-isip at tinanong ko ang aking sarili na mula ng ipinanganak ako marami akong tanong sa buhay ay hindi pa ito nasasagot ng mga dati kung relihiyon.

Dati ganito ang aking pananaw na "Mabait naman ako at mapagbigay at higit sa lahat hindi ako mahilig sa mga gimikan o nagbibilang ng mga nobyo". Dahil sa di maiiwasan sa uri ng aming trabaho na nakakasalamuha namin ang mga iba't ibang uri ng mga taong mayayaman at sikat kaya nga bawal noon sa aming grupo ang walang K na tinawag magmula sa kasuotan hanggang mga kaibigan.

Kaya nasabi ko sarili ko na Mahal ako ng Diyos dahil ang nais ko lang naman ay makatulong sa aking pamilya at hindi pansarili lamang. Ngunit laking gulat ko sa aking pag-aaral ng Bibliya na marami pa pala akong pagkakamaling nagawa sa aking buhay? na halos kinakawawa o pinapahirapan ko ang nag Bible Study sa akin na mag-asawa dahil tinadtaran ko sila ng katanungan noon.

Tunguhin ko talaga na ipakita na sila ang mali at ako ang tama dahil mabuting tao naman ako mula pagkabata pa. Hinding-hindi ko matanggap ang mga bagay na magpapasaya sa aking buhay ang tulad ng mga selebrasyon ng PASKO , EasterCreationsmNew Year o Kapistahan at ang paborito kung Birthday Party o Kaarawan. Sapagkat grabe akong maghanda dahil iyan lamang ang aking paraan na maipakita na iniibig ko ang mga pamilya ko, ka-trabaho at ang iba pang mga tao na hindi ko mga kaano-ano?

Dito na ako nagsimulang mag-isip bakit ayaw ng Bibliya ang mga nakagawian ng mga tao na mula pa ito sa mga kanonoan. Ang nakapukaw sa aking pagbubulay-bulay ay ang mga epekto ng mga selebrasyon at ang mga tamang motibo ng mga tao at kung saan ito nagmumula? Tumpak nga ang Bibliya dahil lahat ng tanong ko ay nasagot nito at nabigo' ako na baluktutin ito. Pero ako ang nasasaktan at halos hindi ko matanggap talaga na ako ang mali.

Kaya kahit mahirap na sundin ang pamantayang ng Bibliya ay pinili ko na sumunod na lang dahil sa wala akong nakitang iniba ang turo ng Bibiya at medyo may pagka-pilosopiya pa rin ako ng bahagya noon na total kako maari ka namang huminto kapag may nakita kang maling turo o pagkapit ang mga Saksi ni Jehova. Hanggang sa lubusan ko ng iniwan ang aking nakasanayang mundo na kung saan ay nawalan ako ng pamilya lalo na ang papa ko na mahal na mahal ako ang sabi niya na "Hindi baling hindi mo ako igalang bilang isang ama mo basta lang huwag kang maging Saksi ni Jehova". Ang sagot ko bago ko gawin iyon ay alamin niya muna ang natutunan ko at sa isip ko lang e di sana Happy Family kami kung bibitawan ng papa ko ang kanyang mga bisyo na siyang dahilan ng pagkalugi ng aming negosyo.

Hanggang sa na bautismuhan ako noong 1999. Napakasaya ko noon at doon ko lang nabubulay-bulay kung anong klaseng mundo pala ang aking ginagalawan noon at wala akong kama-malay na hindi pala nalulugod ang Diyos sa akin kahit mabait pa ako sa aking kapwa. Naisip ko din na tuwing may handaan kami noon ay hindi naman talaga ako lubusang maligaya. sapagkat nakakadama ako ng stress at pagiging perpiksiyonista upang wala akong pintas na maririnig sa aking mga naiimbitahan na mga panauhin.

Sa pagpatuloy ng aking buhay Kristiyano at maibalik lang natin ang hinggil sa naputol kung kuwento sa aking pagpapalaki ng mga anak. Si Denzel ko noon ay nagsisimula pa lamang matotong magbasa. Kaya ang ginagawa ko sa kanya before bed time na kahit isang pharagrap lang ang mabasa niya gabi-gabi bago matulong at inaalalayan ko pamuna sa loob ng labing limang gabi. Kaya sa ika-labing anim na gabi na ginagawa ang kanyang rutin before bedtime ay nagkunwari akong hindi ko naalala at ako'y pumasok na sa aking silid.

Ngunit laking gulat ko na pumasok sa aking kuwarto si denzel at sinasabi niya na.. "Mommy kailangang kung magbasa ng Bibliya di ba bago matulog? at kinuha niya ito at mag-isang nagbabasa ng kanyang Bibliya" napaluha ako sa kagalakan na tama si Jehova kailangan lang muna ang sakripisyo para sa mga anak at magbubunga ito ng mainam sa iyong pagpapagal.

Ganoon din naman ang aking si Kenzie bibo at matalinong bata. Masaya kaming tatlo kahit kulang kami sa tulong ni Jehovah . Pero hindi rin maiiwasan na naluluha ako sa tuwing nakikita ko ang mga nakakatuwang paglaki ng mga anak namin na katuwang ko sana ang aking dating asawa. nagkaroon kami ng prebilihiyo na magkabahagi ni ate Kenzie sa Kingdom Hall at sa District Assembly pa noon na Regional Convention na ngayon.

Kaya hindi ko namamalayan ang mga panahon at lungkot dahil sa abala kami sa gawaing pangkaharian marami na akong bible study. Pero, ang pagsubok ay dumating sa aming buhay

Nasubok ang aking pananampalataya at nabuwal ako at natisod ng limang Taon. Nakapukos ako sa bago kung buhay ang maging Reporter at Brodkaster sa Radyo nagpaka dalubhasa ako at malalaking isyu ang aking mga hinahawakan, mga sindikato, katiwalian sa gobyerno at mga malalaking kumpanya kaya nakalimutan ko ang masaklap kung karanasan sa aking pag-aasawa dahil sa ako'y abala.

Hanggang sa dumating sa punto na napagod din ako sa pagiging tapat na mamahayag at buhay ko na ang aking itinaya ay wala palang suporta ang gobyerno sa mga tulad namin at ayaw din nila itama ang mga nasaksihan kung mga salot tulad ng mga sindikato sa carnapping, tiwali na mga pulitiko na nagkukunsinti sa naglalakihang negosyo sa bansa na pasaway na ito at maraming nilabag na batas.

Mga taong tutulungan mo na ikaw pa ang gawing masama at mga walang utang na loob. Higit sa lahat walang Pera sa mga tapat sa tungkulin. Dahil naroon ang malaking kita sa areglohan. Naku may milyon na sana ang inyong abang lingkod malaking bagay sana sa panahon ko noon ang kumita ng pera dahil sa nagsosolo na lamang ako at nagkawatak watak na kami ng mga anak ko.

Naging walang silbi ang aking buhay sa kabila ng malayo-layo na sana ang aking mararating! Buong akala ko ay tuluyan kung matatakasan ang kirot at pighati ng aking puso na muntik ko ng ikinamatay noon na halos talong beses akong nagtangkang magpakamatay para lamang wala na akong maramdaman na kirot. Alam ko masama iyon ang kaisipan ko lang noon ay matulog lang kasi pagod na ang aking isip.

Nakalimutan ko na ito pala ang panahon na ikapit ko ang mga natutunan ko sa Bibliya na kung saan si Jesus na wala6ng kasalanan ay hinusgahan at pinatay pa! at naalala ko na sabi sa Bibiya na “Kung, kapag gumagawa kayo ng mabuti at nagdurusa kayo, binabata ninyo iyon, ito ay isang bagay na kaayaaya sa Diyos.”—1 PEDRO 2:20.

Doon ko sinimulan muli ang pagbabasa sa Watchtower Library hinggil sa pagsubok at nakatawag pansin sa akin ang pananalitang ito.


"Bakit hinahayaan ni Jehova ang kaniyang mga mananamba na mahantad sa gayong mga pagsubok? Nagbigay si apostol Pedro ng isang dahilan nang kaniyang isulat: “Sa loob ng kaunting panahon sa kasalukuyan, kung mangyari man, ay pinipighati kayo ng iba’t ibang pagsubok, upang ang subok na katangian ng inyong pananampalataya, na mas malaki ang halaga kaysa sa ginto na nasisira sa kabila ng pagkasubok dito ng apoy, ay masumpungang dahilan ukol sa kapurihan at kaluwalhatian at karangalan sa pagkakasiwalat kay Jesu-Kristo.” (1 Pedro 1:6, 7) Oo, ipinahihintulot ng mgapagsubok na maipakita natin ang kalidad ng ating pananampalataya at pag-ibig kay Jehova. At tumutulong ito na masagot ang mga panunuya at mga akusasyon ni Satanas na Diyablo.—Kawikaan 27:11; Apocalipsis 12:10."


Kaya nagising ako na bakit ko pala hinayaan na si Satanas ang magtagumpay? natural lamang na dumanas ako ng pagsubok na kung saan nakita pala ni satanas kung saan ako mahina? Kaya nagsimula ako na manalangin nang marubdob kay Jehova na alisin ako sa pagkahulog ko sa malalim na bangin.


Hanggang sa pinagkakakitaan ako ng awa ni Jehova kaya ako nakabalik na ngayon sa bago kung Kongregasyon sa Cubao Quezon City. Marami akong natutunan at pagsisisi sa limang taon kung sinayang sa mundo ni Satanas na Diyablo. Napagtanto ko na walang puwang ang mabubuting puso sa pamahalaan niya. tiyak ay nais ni Satanas na patuloy kang lumubog sa kasalanan na animo'y komonoy na hindi ka na makakaahon .


Pasisilawin ka sa umpisa, pero ibubulusok ka din pababa. Ganyan ang kalagayan ko sa Media magandang pagmasdan napapanood ka at napapakinggan ka ng mga tao at nakakatulong ka daw sa iyong kapwa. Ngunit wala palang direksiyon ang iyong buhay maari kang yumaman gawin mo lang ang lahat ng kabaliktaran na batas ng Bibliya.


Nariyan ang Pangangalunya , Pagsisinungaling para mag anyong mabuti, PagnanakawPanlalait sa kapwa at gagamitin ka lang sa mga may personal interest sa lipunan at ang mga kawalan ng pag-ibig. Kaya pala hindi ako masaya dahil ang lahat ng iyan ay ayaw ko talaga na mangyari sa aking buhay! Pero kapag hindi ka umiiwas at nasisilaw ka sa iyong magandang posisyon ay hindi mo mamamalayan ay ginagawa mo na pala ang mga bagay na iyan na kung saan ay kinapopootan ni Jehova.


Biruin mo po mga minamahal kung kaibigan. Kahit tapat kang Kumentarista at sinisikap na puro kabutihan ang iyong ipinag-gagawa at hindi ka nagpapasilaw sa areglohan, Ngunit kumusta naman ang mga tinatamaan mo? mga inaapi na tinutulungan mo at babatikusin mo ngayon ang mga mapang-api at ibabagsak mo sila! e di nasaan ang Pag-ibig sa iyong kapwa? na ang tunay na lingkod ng Diyos ay mga taga tulad dapat kay Kristo?


Kaya maling mali pala sa aking palagay at sa budhi ko lang na wala palang dapat na maging mamamahayag na Saksi ni Jehova dahil may masasaktan tayo. Maliban na lamang kung tungkol sa paninindigan natin sa ating paniniwala sa Bibliya na kaya' sila nasaktan ay ayaw nilang sumunod at gawing mali ang turo ng Bibliya. Dito papasok na dapat pala ay manindigan ako .


Isa pa sa natutunan ko  sa Sanlibutang gawain ay nasangkot din ako sa iba't ibang paniniwala at pilit nila akong hinhihila sa kanilang mga paniniwala. Hindi ko naman sila binabastos at ayaw ko nga na makasakit ng damdamin ay inalam ko din ang kanilang mga pamantayan. Kaya lang ang nakakalungkot ay laging taliwas ang kanilang sinasasabi sa kanilang mga ginagawa hindi makatugma ang kilos at salita ng kanilang mga leaders.


Kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na magpatotoo sa kanila na kung saan ay may napikon sa akin at gusto na lang ako bautismuhan at balang araw ay maintindihan ko rin daw po sila? Huh? lalong nagulat na naman ako na may ganito palang mga tao na hindi maintindihan ang tagalog na Bibliya napakalinaw naman ng mga nakasulat pero ginagawan nila ng ibang paliwanag pagkatapos mabasa ang texto lalo na doon sa Juan 17:3 na iisa ang Diyos e dalawa ang tinutukoy doon si Jesus Kristo at ang Tunay na Diyos na si Jehova bale tatlo kasama doon ang banal na espiritu. Buhay na walang hanggang ang katumbas kapag naintindihan natin ng Tumpak na kaalamang ito na mula sa Bibliya.


Hindi ko na  lang babanggitin ang iba pang mga relihiyon para wala tayong masasaktan ang akin lang naman na karanasang ito at ang budhi ko ang inilalahad ko lang sa inyo mga minahala kung tagasubaybay. Naisip ko rin na kung hindi ako nanindigan na huwag lang mawalan ako ng trabaho at kaibigan baka hindi ko na  magawang makabalik kay Jehova dahil baka magkapatong-patong na ang aking mga kasalanan at mahihiya na ako ng tuluyang makabalik sa organisasyon ni Jehova o d kaya'y maging apostata ako para magmukhang mali ang mga Saksi.


Sa totoo lang hindi nagkulang si Jehova ng paalala sa kanyang mga tagapaglingkod at busog na busog tayo ng kanyang pagmamahal. Kaso nagpapadaig tayo sa ating mga nararamdaman at pagbubulay-bulay kung paano ikakapit sa totoong buhay. Kaya sana hindi pa huli ang lahat sa sinayang ko na limang taon na paglilingkod at huwag nawa ito matularan at baka hindi na sila maka-ahon sa malalim na bangin.


Tanging ang tali ni Jehova ang makapag-ahon sa atin kapag nabubuwal tayo. Pero mapapatid ang tali na ito kung magpapabigat ka sa kanya ibig sabihin kung manhid at walang respeto sa organissayon ni Jehova mga namimihasa sa kasalanan. laking pasasalamat ko na napabilang pala ako sa totoong organisasyon na totoo.


Paumahin at napahaba ang kuwento ko na iyan at sa totoo lang po ay pinaikli ko lang iyan kasi baka maluha uli ako kung hihimay-himayin ko ang mga pagsubok na ito. Sa pagsasaya maibabalik ko lang po na buong akala ko noong bago ko ialay ang sarili ko kay Jehova ay mababaliwala na ang aking kinahihiligan na pagsasayaw. Nagulat ako na bilang Saksi ni Jehova at sandamakmak na mga pamanyang moral ay wala ng kasiyahan.


Mali pala, maaring magsaya sa pag-aawit , pagsasayaw at maglalaro ng may kahinhinan o kabanalan. dahil si Jehova ay mapagmahal at nais niya na maging maligaya ang kanyang mga anak. Kung kaya nagamit ko din sa mga kapatid ang simple kung mga sayaw. Pinipili lang namin ang mga liriko na hindi nagtatampok ng malalaswang salita.


Ang kaibahan lang sa mundo ni Satanas ay walang mga pakundangan sa kaluguran kahit pa ito'y nagtatampok ng mababang moral, pagmumura, nakakatawag pansin sa sekso, mga damit na halos hindi na nakadamit, lasingan at nagpapalitan ng ka-partner na nobyo at nobya at nais mangibabaw ang bawat isa.


Dito ko nakita sa organisasyon ni Jehova ang napakataas na Pamantayang Moral.


Hinding-hindi ko malilimutan ang magandang karanasan kung ito sa aking buhay pagdating sa samahan ng isang grupo. Dito ko kasi nakita kung paano mag organisa ng isang programa na sa kabila ng kaluguran ay kaya palang gawin ang magtipon-tipon ng walang lasingan, walang malalaswang pananalita, walang nakakatawag pansin ng laman sa mga sumasayaw, walang nangingibabaw o pasikat, walang kagahaman sa pagkain , palaro at mga regalo na ang tangi mong makikita o matutanghayan sa event na ito ay ang tunay na kagalakan sa kabila ng kaluguran.


Narito ang ibang mga masasayang araw na aking nalakap sa El Monte Verde Congregation

{ He he he :) may nakita po ba kayo na nakabalot nang japanese paper na blue? yan po ay parol, tinakpan nila ito upang huwag katitisuran }



{ Si Brother Galuindo na isa sa mga Elder }

{ Ang host ng kasiyahan na kung saan ang mga binibitawang salita ay pinag iisipan na may kagalakan }





{ Si EG na isang Bible Study ay napatibay. Ayon sa kanya hindi na kailangang lumabas ang mga Saksi ni Jehova }

Mga Sayaw : Ang mga sayaw ay isang katuwaan lamang po ito at pina-simple lamang ang mga isusuot at ang mga steps. Tunguhin lang nila ay mapasaya ang Congregation at kung napapansin natin ay hindi nagtatampok ng mababang moral. Bagkus ay nagbibigay lang ito ng kagalakan sa mga nanonood. Walang kailangang sumikat ang lahat ay nakatanggap ng rekomendasyon at regalo. 


Ang unang sasayaw ay ang mga LOLLIPOP GIRL'S


{ Mga Little Girl na Lollipop's ay nagbigay din ng kasiyahan sa mga nanonood sa kanilang performance }

The Lollipop Girl's Dance Video



The Elmo Girl's Dance Video
 

Elmo Boy's Dance Video


 Happy Family Team

The DANCING MOM'S at Elmo\

M.S Group

Elder's Group



Ala Sophia

Welcome Back

Bible Games

{ Ang bagong dating na mag-asawa na si Mickey at Charina na mula sa Canada ay nagpakita ng pag-ibig sa mga kapatid }

Rehearsal








Si sister Lorelie isa sa mga mom's na sumayaw na maka-modernong sayaw na may kagalakan }


{ Naku e regalo po nila sa akin ito, kaya anong ligaya ko }

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry