BBQ & Play in the Rain w/ Cubao Congregation Teen's & Parent's Philippines
Nakakatuwang isipin kung ang mga anak natin ay ang nakakasalamuha nila ay iyong may takot sa Diyos. Napakasaya po nito kahit sa simpleng handaan at regalo pero madadama mo ang tunay na pag-iibigan ng mga kabataan namin sa Cubao Congregation Philippines at malamang o sigurado ko sa buong mundo na mga kapatid ay ganoon din po!
Halina subaybayan niyo po kami sa aming simpleng magagawa at baka magaya mo rin ito upang maging maligaya tayo kahit nasa mahirap na kalagayan ang ating buhay!
Una narito ang aming invitation, simple lang po ito pero ang inyong ingkod na ang gumawa upang makatipid kami. Kaya baka creative ka naman ay iwasang gumastos ng malaki sa invitation. Ang mahalaga magmukhang pormal lang at masarap din kasi ang pakiramdam ng binibigyan nito na may pangalan niya bilang pagpapakita na mahalaga siya sa araw ng pagsasaya na ito.
Para na rin na eksakto sa bilang ang mga dadalo na ayon lamang sa kaayusan na napag-uusapan ng mga mag-oorganisa. Naisip kasi namin ni Denzel at Eg na by group na lang muna para pukos ang bawat isa at madaling i organisa ang maliit lang na grupo at iyan din ang payo ng mga matatanda. kaya kailangan nating sundin at magpasakop. Tandaan ang lahat ng mga tagubilin ay may mga malalalim na dahilan.
Pagakatapos ay namimili kami ng mga simpleng regalo lang din bilang pagpapakita ng pag-ibig at pagbibigay halaga sa mga makakalaro ng mga anak ko. Doon kami namili sa Divisoria dahil ang mga halaga nito ay mura lamang at maganda din naman. kaya lang kunting tiyaga lang o sipag.
Pero bago mag-ikot sinisigurado muna namin nila Lindsey at ate Sarah na busog kami. Para di kami mahilo sa aming pag-iikot na makahanap ng mura pero quality naman ang dating. Tandaan huwag ma STRESS o MATARANTA kapag may planong mag-kaluguran. Upang hindi masayang ang panahon at mauuwi lang sa pagkahapo' Sayang naman di ho ba?
(Si ate Sarah namin na mapagmahal at magiliw)
(Si ate Lindsey namin na dalaga pa, tiyak liligaya ka kapag kasama mo siya)
Iyan lahat ang aming mga kinain na ubod sarap at mura pa! higit sa lahat ay HAPPY kaming tatlo at nakakapagpatibay ang aming mga talakayan habang kumakain. Todo Brain Storming na hindi STRESS!
Pero sayang di ko naisip na kunan ng larawan ang aming mga pinamili. E kasi nga sekreto lang po. Basta simple lang po. So, ayan at kain naman uli kami bago umuwi at mahaba-haba daw ang traffic dahil sa may darating na leader ng isang relihiyon na halos sambahin na ng mga tagasunod nito tsk! tsk! tsk! Kung alam lang sana nila ang nilalaman ng Bibliya ano ho? Anyway, i respeto natin iyon. kahit ang inyong lingkod noon ay ganoon din naman sa kanila dati at mas mahigit pa nga ako noon sa kanila he he he :)
(Nahirapan po kami na ubusin sa dambuhalng sandwich na ito)
( Pero Happy kami sa regalo namin sa aming sarili at para kaming mga bata na walang tigil sa katatawa po)
Narito na ang aming ipamamahagi sa araw ng aming simpleng BBQ and PLAY GETOGETHER-TEENS
Next SURVEY sa Location with Kuya Jepree and ate Lindsey. Pero naglaro po muna ang mga batang ito he he he :) Happy naman di ho ba?
(Kuya Jep, EG at ate Lindsey ang makukulit team )
He He He ! naghahanap ng location aba'y naglaro muna ang mga bata.. Happy naman! E kapag naglaro tiyak magugutom di ho ba? kaya heto maupo muna kami total may perfect location na po kaming nakita . Simple at di kailangan gumastos ng Pavilion na maganda at malinis din naman ang lugar. Be wise ika nga di ho ba?
January 18, 2014
“Mabuhay man ang isang tao nang maraming taon, sa lahat ng mga iyon ay magsaya siya.”—ECLES. 11:8.
GUSTO ni Jehova na maging masaya tayo, at napakarami niyang pagpapala na nagpapaligaya sa atin. Una sa lahat, buháy tayo.
Tandaan na mapandaya ang negatibong kaisipan. Ang mahalaga ay kung ano ang tingin ng Diyos sa atin. (Basahin ang Roma 14:4.)
Mga Komento