" Magpakamatay " Paano Ito Maiiwasan?



Ayon sa Philippine Psychiatric Association ( PPA ) sa bawat Apatnapung segundo sa buong Mundo ay namatay dahil sa Pagpapakamatay at sa bawat Apatnaput-isang segundo naman ay nawawalan ng pag-asang nais pang Mabuhay sa Mundong ito.


Nagsama-sama ang mga Psychiatric Doktor's sa Bansa na kung papaano mabigyan ng tamang impormasyon ang mga kababayang Pilipino hinggil sa isyung ito. Lingid sa ating kaalaman na aminin... nating mga Pilipino na hindi' talaga tayo alisto' sa kung paano nga ba masugpo ang tahimik... ngunit malagim na trahedya na pala ito sa ating buhay?


Ang isa na naging panauhin kamakailan sa naganap na Forum nitong ika 09 ng Agosto sa Quezon City na si Dr. Rene Samaniego aniya kailangan din nang mga Mamamahayag' ang maunawaan ang tamang pagbibigay ng Balita hingil sa mga nasaksihang magpakamatay o namatay na!.. dahil malaking Epekto din pala sa mga nakakabasa sa Diyaryo, napapanood sa Telebisyon o napapakinggan sa Radyo kung hindi ito pinag-iisipan o bibigyan nang damdamin ang mga ibinibalita sa madla.


Ganito ang mga sumusunod na Payo o Tagubilin ni Dr Samaniego o ng PCP & PPA sa mga Mamamahayag ng Bansa. Aniya , "Take the opportunity to educate the public about suicide, Avoid language which sensationalizes or normalizes suicide, or presents it as a solution to problems, Avoid prominent placement and undue repetition of stories about suicide, Avoid explicit description of the method used in a completed or attempted suicide, Word headlines carefully, Exercise caution photographs or video footage, Take particular care in reporting celebrity suicide, Provide information about where to seek help and Recognized that media professionals themselves maybe affected by stories about suicide".


Para sa iba pang detalye ay bisitahin ang mga link na ito sa http://www.who.int/mental health/prevention/suicide/resource media.pdf  at para naman sa nangangailangan ng agarang tulong ay bisitahin ang http://www.ijmhs.com/content/4/1/32/abstr   .


Kaya makikita nating mga Mamamahayag kung ano ang Epekto sa Tao ang mga Balitang nais nating isiwalat at ihayag sa Mundo? Ayon sa isang Mamamahayag na narinig ng inyong lingkod na itago na lang natin ang kanyang pangalan para na rin sa tagubiling ito... ay..  para ano pa raw ang Tunay at Totoong Mamamahayag kung hindi ito ide-detalye ang kanyang nakuhang Balita lalo na kung aktuwal niya itong makita at kailangan agad ang agarang ibato ang Sariwang Balita?


Bagaman may punto ang mamamahayag na ito ngunit ang inyong lingkod ay naniniwala pa rin na napakahalaga  ang kung ano ang Epekto sa Tao? at maari ka namang makagawa ng Balita na may mga Pinipiling tamang Salita at pinag-iisipan mo nang mabuti .. Dito nga makikita kung tunay kang Magaling at Responsable at Mabuting Mamamahayag di ho ba? Sapagkat pinag-aralan na ito ng mga mas dalubhasa sa atin itong mga Psychiatric Doktor's at lalo na ang Bibliya na lingid sa inyong kaalaman mga magigiliw kung tagasubaybay ay siyang personal na Doktor ng inyong lingkod ang Biliya kapag usapang buhay-buhay.
Maganda rin ang mga pagtalakay ni Dr Rhea Concepcion ang Bise Presidente ng samahan na inisa-isa niya ang mga senyales ng mga nais magpakamatay. Halimbawa ang " Expressing, in words or actions, hopelessness, worthlessness, guilt, shame, or having reason to live or no porpose in life. Widrawing from friends, family, or society; Expessing, in words or actions, loss of interest in things that were previously of interest; Sudden r dramatic increase in depressed mood; Describing themselves as a burden to others or stating that others would be better off without them".


Karagdagan pa ni Dr Concepcion na " Someone who is suicidal may threaten to kill themselves, or say that they wish to die, verbally or in writin. This may be very direct, but is sometimes subtle". Natalakay ang napakaraming paraan o senyales ng mga magpapakamatay. Ang punto dito para doon sa mga makasaksi sa mga kamag-anak, kaibigan, ka trabaho o ibang tao man ay napakahalagang malaman natin kung paano tayo agarang makatulong?


Dapat pala na iwasan daw natin ang MAGSALITA sa kanila na "MAGPAPAKAMATAY KA BA?" dahil mas lalong hindi pala ito makakatulong .. kundi' lalo mo pang idinidiin sa biktima na gawin niya talaga ang narinig niyang salitang 'MAGPAKAMATAY"!


Kaya alalahanin natin kung paano siya maging LIGTAS at humanap ng mga propesyonal na nakakaalam sa isyung ito. Halimbawa nga ay tumawag sa mga Sychiatric Dr, Lider ng Relihiyon mo, Pulis, at ibpa na mga maaasahan hinggil sa magpakamatay.


Bukod kay Ms Kate Alvarez na isang Magandang dalaga, Masayahin at isang matagumpay na Mamahayag ng Bansa na nagpahayag din sa Forum ng kanyang tunay na karanasan sa Depression na sa simpleng problema lang nagsimula ang lahat noong namatay ang kanyang minamahal na aso' hanggang sa Nobyo niyang Piloto na nagpakamatay din sa simpleng problema lamang dahil may karakter ito ayon kay Kate na isang Matalino o Perpeksiyonistang tao.
Mababasa ang kanyang istorya sa kanyang trabaho , Blog o adbokasiya sa http://www.spot.ph/ , http://8list.ph/, http://www.katewashere.com/ ,  http://antonosmena.mapuafamily.com/category/kates-blog/ .


Tandaan na walang may gustong magpakamatay kundi gusto lang iwasan o tapusin ang mga masasaklap na karanasan sa Buhay.. Kaya ang tanong? ay Gaano nga ba kahalaga ang Mabuhay? Alam niyo po kung sa Bibliya naman ang ating titingnan na ang Diyos sa Langit (awit 83:18) ang gumawa ng lahat ng bagay lalo na sa ating buhay ay malaki ang maitutulong nito na nanaisin mo pang mabuhay. Napakarami ng karanasan hinggil dito na hindi kinakailangang gumastos ng malaki. 


Halimbawa nga na sinasabi ni Kate na hinding-hindi naman siya magpapakamatay. Pero may mga panahong wala na siyang nakikitang dahilan para mabuhay pa. “Sana maaksidente na lang ako at mamatay,” ang sabi ng iba. “Ang tingin ko sa kamatayan ay kaibigan—hindi kaaway.”Marami ang kagaya ni Kate, at ang ilan sa kanila ay nakapag-isip, o nagtangka nang magpakamatay. Pero sinasabi ng mga eksperto na karamihan sa mga nagtatangkang magpakamatay ay hindi naman talaga gustong mamatay; gusto lang nilang tapusin ang kanilang pagdurusa. Sa madaling salita, naniniwala silang may dahilan sila para mamatay; ang kailangan nila ay dahilan para mabuhay.Bakit pa kailangang mabuhay? Isaalang-alang natin ang tatlong dahilan. \

Ang MALING AKALA: Kapag pinag-uusapan ang pagpapakamatay—o binabanggit man lang ang salitang iyan—natutukso ang mga tao na subukan iyon. ANG TOTOO: Kapag pinag-uusapan ang pagpapakamatay, madalas na natutulungang mag-isip-isip muna ang isang nagbabalak na gumawa nito. Tadaan natin pala na ang pagpapakamatay ay tinaguriang “isang permanenteng solusyon sa pansamantalang problema.” Bagaman parang imposibleng mangyari, ang isang nakapanlulumong sitwasyon—maging ang isa na parang hindi mo kontrolado—ay baka pansamantala lang. Sa katunayan, puwede itong magbago nang di-inaasahan.Kung hindi man mangyari iyan, mas mabuting harapin ang iyong mga problema sa bawat araw. “Huwag kayong mabalisa tungkol sa susunod na araw,” ang sabi ni Jesus, “sapagkat ang susunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga kabalisahan. Sapat na para sa bawat araw ang sarili nitong kasamaan.”Mateo 6:34.


Pero paano kung hindi na mababago ang iyong kalagayan? Halimbawa, mayroon kang sakit na wala nang lunas. O paano kung nanlulumo ka dahil naghiwalay kayong mag-asawa o namatay ang isang mahal mo sa buhay?Kahit sa ganiyang mga kalagayan, may isang bagay na puwede mong baguhin: ang pangmalas mo sa sitwasyon. Kung matututuhan mong tanggapin ang isang kalagayang hindi mo mababago, malamang na maging positibo ang pangmalas mo sa mga bagay-bagay. (Kawikaan 15:15


Mas malamang din na maghanap ka ng paraan para mapagtiisan mo ang sitwasyon sa halip na basta tapusin na lang ang lahat. Ang resulta? Unti-unti mong makokontrol ang isang sitwasyon na sa tingin mo’y hindi mo kontrolado.Job 2:10.Ang pananalangin ay hindi lang basta pampagaan ng loob; hindi rin ito isang bagay na ginagawa lang kapag desperado na ang isa. Ito ay aktuwal na pakikipag-usap sa Diyos na Jehova, na nagmamalasakit sa iyo. 


Gusto ni Jehova na sabihin mo sa kaniya ang iyong mga ikinababahala. Sa katunayan, hinihimok tayo ng Bibliya: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova, at siya ang aalalay sa iyo.”Awit 55:22.Bakit hindi mo subukang makipag-usap ngayon sa Diyos? Gamitin mo ang pangalan niyang Jehova, at magsalita ka mula sa puso. (Awit 62:8) Gusto ni Jehova na makilala mo siya bilang isang kaibigan. (Isaias 55:6;Santiago 2:23


Ang pananalangin ay isang paraan ng pakikipag-usap na magagawa mo kahit kailan, kahit saan.Sinasabi ng Bibliya na “maikli ang buhay [ng tao] at lipos ng kaligaligan.” (Job 14:1) Sa ngayon, ang bawat tao ay dumaranas ng kani-kaniyang trahedya. Pero ang ilan ay nawawalan na ng pag-asa sa buhay, na para bang wala na silang matanaw na liwanag at wala na silang magandang kinabukasan. Ganiyan ka rin ba? Kung oo, magtiwala ka sa tunay na pag-asang iniaalok ng Bibliya—hindi lang sa iyo kundi sa buong sangkatauhan. 


Halimbawa, Itinuturo ng Bibliya na napakaganda ng layunin ng Diyos na Jehova para sa atin.Genesis 1:28, Nangangako ang Diyos na Jehova na gagawin niyang paraiso ang lupa.Isaias 65:21-25, Tiyak na matutupad ang pangakong iyan. Sinasabi sa Apocalipsis 21:3, “Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”TANDAAN, Kung ang emosyon mo ay parang bangkang sinisiklot-siklot ng mga alon sa maunos na dagat, ang mensahe naman ng pag-asa mula sa Bibliya ay parang angklang magpapatatag sa iyo.ANG PUWEDE MONG GAWIN NGAYON, Suriin mo na ngayon ang mga itinuturo ng Bibliya tungkol sa tunay na pag-asa sa hinaharap. 


Matutuwa ang mga Saksi ni Jehova na tulungan ka. Puwede kang makipag-ugnayan sa kanila sa inyong lugar o maghanap ng mahahalagang impormasyon sa kanilang website sa   http://www.jw.org/tl/




Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry