" Ano Ang Tunay Na Kaibigan ? "

Ang aking mga kasama sa Media ay naging kaibigan ko din iyang naka blue ay si Ms Annabelle"  "Belle" Surara ng Radyo Agila at ang naka red ay si Ms Juvy De Guzman na isang dating Singer at kasalukuyang Kumentarista ng DWBL. Bagaman magkakaiba kami ng mga paniniwala sa Relihiyon ngunit kami'y nagkaka-respetohan wala sa amin ang lamangan', pintasan o laitan sa isa't -isa.Kung sabagay mgakaibigan ko sa Blogna ito ay nasa modernong teknolohiya na tayo, napakadali na ngayong magkaroon ng daan-daan o libo-libo pa ngang “friends” sa social network di ho ba? basta idagdag lang natin ang pangalan nila sa listahan ng ating mga contact kahit d mo naman talaga siya naging closed ay Friend mo na. At kung ayaw na nating maging “friend” naman ang isang tao, idi-delete lang natin ang pangalan niya sa ating contact list.

Alamain kaya muna natin ang iba't-ibang mga opinyon ng ating mga kabataan ngayon kung " Ano Nga Ba Ang Tunay Na Kaibigan" para sa kanila?
     


Halimbawa,  para kay Ms Mary Angelica S. Enales sa tawag " Angge' " yang nasa gitna ng larawan  na isang estudyante ng United Architects of the Philippines Student Auxiliary pati na rin yang dalawa niyang kaibiganna si Ms Regine Anne "Apple" Patillano at  Ms Rosheilla May "Armie" Malit na sila'y matatawag daw na mag tunay na magkakaibigan.  Ayon kay Angge na aktuwal kung nakapanayam ang isang tunay na kaibigan nga daw na "kahit matagal kayong nagkakalayo pag nagkita kayog muli ay parang walang nagbago",
Oo, Karamahin sa atin ay gustong magkaroon ng tunay na mga kaibigan. Mas masaya siyempre kapag may nakikinig sa ating mga ikinikuwento na mga karanasan na minsan iiyak at tatawa kayo pareho.. napakulay nga naman ng buhay kung may kaibigan ka di ho ba? Pero mukhang mangilan ngilan na lang yata ang may mga Tunay na kaibigan sa Panahon natin ngayon. 

Ang nakakalungkot nariyan ang Kahirapan sa Buhay gustuhin mang dalawin lagi ang iyong kaibigan ngunit pamasahe o pang load man lang ay wala pa. Pero sinasabi naman sa Bibliya na " ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganak kapa may kabagabagab." (kawikaan 17:17) Salungat ano ho mga kaibigan ko?...Pero sige lang maari naman talagang sanayin natin kung paano tayo na maging tunay na kaibigan din!
Minsan ay hindi din pala lahat ay Tunay na kaibigan ang Tinutring mong kaibigan mo. Naalala ng inyong lingkod ang Texto ng Bibliya na talagang hinanap ko pa ang tungkol sa " may mga magkakasamang nagsisiraan" pala.( Kawikaan 18:24 ) Hindi ka makapaniwala di ho ba o baka naman ikaw pala ito na sinisiraan mo ang kaibigan mo kapag nakatalikod na ito sa iyo.. oy.. biro lang! wala namangmay gusto na manirang puri sa kaibigan nga lang minsan nadadala pala tayo sa damdamin natin o di naman kaya ay inggit na pala ang nararamdaman mo.

Kaya kung Ikaw man ito o Siya na tinuturing mong kaibigan na may mali pala.. ay nakumedyo siguro gumawa ka na po ng hakbang bago pa mahuli ang lahat! Minsan may nabablitaan tayo na matitindi ang away ng mga dating magkakaibigan na hindi tayo makapaniwala di ho ba? 

Isa pa kung nagkaroon ka na ng "kaibigan" na nagsasamantala sa kabaitan mo. Delikado din yan kaibigan at baka pag-aari mo ay angkinin niya pa! at bukas makalawa ay pupulutin ka na lang sa kangkungan sa madaling sabi.Sa ahensiya ng Gobyerno at sa ka-Trabaho ay talamak iyan makuha lang ang puwesto mo o magkamal ng salapi at ang mga ito'y kagagaling magsipag-panggap na Tunay na Kaibian mo daw? na sa unan pagkakilala niyo ay ubod bait sa iyo na halos siya ang nagbabayad lagi sa inyong bill sa mga restaurant o sa kape-kape lang. o di ba hindi halata at nahulog naman ang loob mo sa kanya at lubusan ang nagtiwala ngayon!

Wala namang problema kung mahirap ang kaibigan mo talaga atikaw itong nakakaluwag. Iba kasi  ang nagsasamantala kaysa nalilibre mo. Alam natin yan at nararamdaman iyan ng ating Budhi nga lang binabalewala lang natin hanggang sa naiisahan ka na pala ng kaibigan mo na hindi siya tapat sa iyo. Dahil ang gusto niya lang ang yaman mo o katangyagan mo o katalinuhan pa nga! may ganoon e di ho ba? aminin natin.. 

Minsan naman tayo din ang gumagawa ng pagkakasala opagkakamali ng isang kaibigan kapag naninilaw ka naman sa kanya lalo na sa mga materyal na bagay..e mga tao lang po tayo na natutukso at minsan naiiwala natin ang ating kabaitan at nahalinhan ito ng pagnanasa kung anongmayroonka na usto niya na magkaroon siya na hindi niya naman kayang bilhin. Kaya ang gagawin niya ay bobolahin ka ngayon at hiharaman ka na ng pera na wala naman siyang balak na bayaran ka talaga!Kasi maaari niyang idahilan ang pagiging kaibigan ka niya at talagang mahirap lang ang buhay niya.

Kaya isip-isipmga kaibigan marami pang iba't-ibang anyo sa pagnanais na magkaroon ng kaibigan sa maling paraan. Huwag na huwag kang mamimili ng kaibigan para lamang sabihin na marami kang kaibigan. Pero ang totoo gustong-gusto ka nilang maging kaibigan. Tanong paano kung wala ka ng Pera? Nariyan pa kaya ang mga iyan? na kaibigan daw?...

Lagi nating tandaan kasama na ang inyong lingkod sa paalalang ito na di-bale nang kakaunti ang iyong kaibigan, basta't tunay naman! Ang puwede mong gawin siguro na talagang mamimili tayo na may katangiang karapat-dapat na tularan.

Kung desperado po tayo na magkaroon ng kaibigan, baka kahit sino na lang ang piliin mo. Maganda uli ang payo ni Bibliya na " SIYANG NAKIKIPAG-UGNAYAN SA MGA HANGAL AY MAPARIWARA." (kawikaan 13:20)

IPAGPATULOY...

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry