What is United Dancers of the Philippines (UDP) ?

United Dancers Of The Philippines is a group for film / Television & Theater Dancers
Bahagi 1 

Sa pangalawang pagkakataon ng event nang United Dancers of The Philippines nito lamang September 17, 2014 sa ganap na oras nang alas 9:00 ng gabi sa lugar nang Spirits Bellagio Square Malate, Manila ay muling naulit ang  "Culmination" United Dancers of the Philippines (UDP) o mga samahan ng Sikat na mga Mananayaw sa Telebisyon noon at ngayon dito sa ating Bansang Pilipinas,, na kung saan, ay pinangungunahan ito ng kanilang Chairman na dating Wea/Universal Motion Dancer (UMD) Marco Mc Kinley and Former Dyna Dancer Ms Margaux Jo Montano, at ang buong UDP member's.



Naroon din sa event ang X People Dancers , Boom Dayupay , Jake El Cuerpo Tatau Ron Poe, FMCC family Margarito V. Villajin Jr. PEACE Denis Sahagon, Marco Antonio De Leon Tix Sambajon, ang inyong lingkod na former Wea/Universal Dancer din at marami pang iba.




Lingid sa ating kaalaman mga minamahal kung kababayan, mananayaw o mga maging mananayaw pa lang ng Bansa ay ngayon ko lamang nasaksihan ang Event na ito na may magandang Tema pala ang UDP na dapat nating marinig o maintindihan. Sapagkat hindi lang ito napapansin ng ating Pamahalaan na ang ganitong Katergorya ay dapat din palang ARUGAIN’ ng ating Gobyerno o mga Kumpanya na humahawak sa mga Mananayaw na ito na isa ring may pinakamataas na naghahakot ng limpak-limpak na Dolyar at Peso sa loob at labas ng Bansa.




Bago ang lahat mga kaibigan ko alamin muna natin kung ano ang kapakinabangan ng mga Mananayaw sa ating Buhay? at bakit kailangan natin na bigyang pansin ang mga ito? at bakit may karapatan din sila na maghinaing sa ating Pamahalaan at sa mga Kumpanya nito? may magandang bukas kaya ang ating mga mananayaw kapag dumating na sa punto na sila'y tumanda o magkasakit?




Di ho ba mga kaibigan at magigiliw kung tagasubaybay na sa tuwing pumipilandit ang mga daliri sa ire nitong mga Mananayaw, mga paang’ kabibilis pumiglas, mga inihahagis diyan sa ire  na tulad ni Ms Margaux Jo Montano ng Dyna Dancer na hindi mo alam na baka maaring madisgrasya pa siya na marahil hindi maiiwasang magkamali ang isa man sa kanila sa pagsalo, pero "The Show Must Go On" ika nga ng mga Propesyonal na mga Mananayaw na ito,




Nariyan pa ang mga step na laging pinag-iisipang mabuti na tela baga na mga Arkitekto din o Artista ang mga ito na ang tunguhin lagi ay may kakaibang mapanood ang mga manonood sa tuwing may bagong piyesa ang mga ito. O hala! kailangang sabayan siyempre nang mga pinag-iisipang mabuti naman na mga damit na dapat ay aayon sa kanilang Musika at Kunsepto ng mga Sayaw, at marami pang iba na ginagamitan ng Panahon at Buhay di ho ba? na tulad din baga' ito sa mga may matataas na edukasyon sa ating bansa.

Pansinin ang maikling Tula na ito para sa ating mga minamahal na mananayaw saang sulok man ng mundo!

Ang Maikling Tula Bow!

MANANAYAW

Ang mananayaw
na matagal kong hinahangaan
sa tikas ng kanyang tindig
at sa mukha nito'y tila baga'ynakapagpahayag
ng iba't-ibang damdamin sa atin.

Sa bawat musikang
kanyang sinasayaw
ay di ko mapaglabanan
ang animo'y magnetong humigop
sa aking katauhan
upang siya'y pagmasdan
sa bawat niyang sayaw.

Bow!





Aba! Aba! malinaw na hindi po dapat maliitin ninuman ang ating mga Mananayaw na maituturing dapat natin na isang Kurso ito. Kaya aminin man natin o Hindi’ Tiyak malungkot ang Buhay mo kung walang SAYAW di ho ba? Mapa- Disente man ito o Hindi’ basta’t sayaw ay nagdudulot talaga ito sa kaibuturan ng ating Puso at Pisikal na anyo ang kagalakan na halos hindi mo mapipigilan ang pagpalakpak ng malulutong.

Alam mo ba ? sa ibang Bansa naman lingid po sa ating kaalaman ang nakakatuwang Bansa na gusto ng inyong lingkod pagdating sa sayaw na kinaaliwan ko ay itong Ireland. Kilala kasi sila sa buong daigdig pagdating sa "Step Dance". Tuwid na tuwid ang katawan ng mga Mananayaw; napakabilis at eksakto ang galaw ang kanilang mga paa.

Ayon sa report ng JW.ORG ang "Emerald Isle" pala ay binubuo ng dalawang bansa; ang independiyenteng Republic of Ireland na mas malaki, at ang mas maliit na Northern Ireland, na bahagi ng United Kingdom.

Emerald Isle ang tawag sa Ireland dahil sa berdeng-berdeng kabukiran nito na resulta ng saganang pag-ulan.Nakadaragdag din sa kagandahan nito ang mga lawa at ilog na ang mga burol nito at mga bundok sa tabing dagat.

Pero may kahawig sa ating Bansa hinggil sa pinagdadaanan sa buhay na kung saan ay dumanas sila ng kahirapan. Halimbawa, tinatayang mula po pala oon mga 1845 hanggang 1851, mga isang milyon katao ang namatay sa sakit at gutom nang masira ang mga pananim ang nandayuhan sa mga bansang gaya din ng Australia, Britanya, Canada, at Estados Unidos. Kaya sa ngayon, mga 35 milyong Amerikano ang may mga ninunong taga-Ireland.

Ang mga ito'y kilalang mapagpatuloy na tulad Pinoy din at Masayahin kung kaya marami po sa kanila na mahilig sa Musika at Sayaw. Nakita ho natin na saan sulok man ng mundo ay napakahalaga ng mga Mananayaw nakakalunas ito ng panandaliang kalungkutan at kahirapan.

Kaya dito naisip ng grupo ng UDP na mag organisa ng mga may kabuluhang event upang mabigyan ng tulong ang mga mananayaw sa Bansa. Nariyan po kasi napagkatapos nilang sumikat at ito'y dumating na ang panahon na ang katawan naman ang naniningil at dapuan ng karamdaman., kaya ang tanong saan kukuha ng pambili ng pampa-dokor ang mga mananayaw na ito?

Sapagkat lingid sa ating kaalaman kung Walang Sayaw ay wala din namang Kita ang Sumasayaw na ito,di ho ba? Tela nakaligtaan ito ng ating Pamahalaan. Alam natin sa ngayon ang mga mananayaw natin na nasa ibang bansa na ngayon ay limpak limpak po na salapi ang ipinapasok niyan sa atin ngayon.

Ayon kay UDP Chairman Marco na ang nakakalungkot pa daw nito madaling nauubos ang kinikita ng mga mananayaw sapagkat ang mga pamilya nila ay tinutulungan din. Kaya makikita po natin na may malaking Responsiblidad ang Gobyerno na kung papaanong mabigyan ng proteksiyonan ang kinabukasan ng mga mananayaw? kahit man lamang pang Medikal. Narito ang pahayag sa Videong ito ni Marco na nasa unahan na ng talata.

Malamang ang kumento ng iba ay dapat marunong silang maglaan habang nasa kalakasan pa at kumikita upang pag oras na magkasakit ay may madudukot ang mga ito. Oo bagaman tama naman ang kumentong iyan ngunit Obligasyon pa rin ng Gobyerno at ang Kumpanya na dapat lamang na bigyan ng tulong ang mga nakakatulong sa Ekonomiya ng Bansa lalo na kung limpak=limpak na Dolyar naman ang ipinapasok sa ating kaban ng bayan, kung yon nga lang mga Pulubi ay may inilalaan ang Pamahalaan ito pa kayang mga mananayaw natin di ho ba?

Totoo ho ito mga minamahal kung tagasubaybay sa industriyang ito ay waring kaakit-akit at mukhang hindi nakakapinsala, pero po hindi ito gayon'. Maraming mga Mananayaw na aminin din natin ang mga negatibong epektong ito na naging sangkot sa Droga marahil sa mga ka inosentihan at nasangkot sa imoralidad dahil sa dami ng mga tagahanga nito. Minsan isa pa ang aminin natin na sa bawat pagtatanghal minsan ng isang palabas, ang isa ay may makikilalang taong nabubuhay na lamang para sa kasalukuyan at nawalan na rin ng Budhi may ganon din po talaga at aminin din yan ng ibang mananayaw.

Hindi pa rin ito dahilan na baliwalain ang sinuman sa atin. Kung ang ibon na Maya nga po ay pinahahalagahan ng Diyos at pinakakain pa ito na mas matalino pa ang Tao na mas may karapatang bigyan ng makakain ano ho? Lalo na kung may malaking bahagi sila sa Pamahalaan upang gumanda ang Ekonomiya ng Bansa di ho ba? May natulungan sa madaling salita ang mga mananayaw .

Sa katulad ng isang Mananayaw na sumikat at sa ngayon ay may malubhang karamdaman na nasa abroad ang dating Universal Motion Dancer (UMD) na si Norman Montibon na siyang naging inspirasyon ng Team na mabuo ang Adbokasiyang ito na magtulungan ang mga Mananayaw sa oras ng pangangailangan lalong lalo na kapag may karamdaman.


                                      https://www.facebook.com/norman.montibon?fref=ts

Isinaman narin ang adbokasiya sa mga Mananayaw na hindi nababayaran pagkatapos magbigay ng saya sa mga nanonood sa intablado ay nais ding tulungan ng buong Team na kausapin ang sinuman na kunin sila upang magsayaw.

Bahagi 2

Kaya malinaw na sa atin na Malaki din naman ang naging pinansiyal na pakinabang ng Mananayaw sa Daigdig lalong lalo na kapag sumikat ang grupo . Bilang tunay na inyong kaibigan at kakampi na walang pinapanigan kundi ang Ibigin ang kapwa at huwag husgahan ang sinuman sa atin dahil ang Diyos sa langit ang tanging may karapatang humusga sa ating lahat na nabubuhay dito sa Lupa.

Maging Tanyag ka man o Hindi, Maging Mayaman ka man o Hindi, Kung Biliya ang ating titingnan hinggil sa usaping KARAPATAN ng MANANAYAW ay hindi po talaga natin ito maaasahan ng lubusan dito sa Sanlibutan na ito na kahit sinong Presidente pa ang iuupo mo ay hindi niya magagawang perpekto ang kanyang kapamahalaan bilang hindi siya Sakdal na tao, na maliban lamang kay Jesu-kristo at ang kanyang ama na nasa langit na ang pangalan ay si Jehovah awit 83:18.

Talagang laging Bibliya ang pinagkakatiwalaan ng inyong abang lingkod pagdating sa payo. Dahil subok ko na ito na walang labis at walang kulang at hindi NAMBOBOLA ang Bibliya kailanman kaysa kung sinong mga tao lamang na Matatalino daw ngunit hindi kapanipaniwala ang mga payo nila.

Sa pagpatuloy po, Sa mundong ito kung saan dito talaga itinapon si Satanas na Diyablo noong 1914 kung kaya ay nakakaranas na tayo ng iba't-ibang pahirap sa buhay, Nariyan ang Taggutom, Digmaan at ang mga iba't ibang sakit na nararanasan natin ngayon.\

Nakakalungkot man sabihin, milyun-milyon sa buong mundo ang naghihikahos maging sa mga papaunlad na mga Bansa, marami ang napilitang manirahan sa Kalye o sa lugar ng mga iskuwater. Ang mga nagpapalimos mga pilay, mga bulag, mga inang nagpapasuso sa kanilang mga anak ay nagkakalat sa Kalye. tulad nitong video na nakita ko ang pamilyang ito na nasa kalye kasama ang mga maliliit na mga anak  .

Napakahirap nga naman na ipaliwanag kung bakit may ganitong kahirapan. Balikan natin muli ang mga Mananayaw natin na siyang bida naman ngayon sa Blog ng inyong lingkod. Halimbawa sa isang Shopping Mall na kilala ay umuupa sila ng mga grupo ng mga mananayaw upang aliwin ang mga mamimili na kung saan ay nakakahakot ng libo-libong mga mamimili ang bawat okasyon sa event na may mga mananayaw.

Magkagayunman po, napakaraming tao ang hindi nakikinabang sa kayamanang natatamasa ng ilan. Dahil sa napakalaking agwat ng mayaman at ng mahirap, marami ang nagsasabing kailangan ng maalis ang kahirapan kaya naman nagsulpotan ang mga protestante!

Nakakalungkot man isipin na alam na ito ni Jesus na magpapatuloy lang na magiging problema ang kahirapan sa mundo. Natatandaan ko sa ( mateo 26:11) na " Lagi ninyong kasama ang mga dukha" kaya malinaw kung sa Bibliya na wala tayong aasahan sa sanlibutan na ito. Ngunit kung tungkol sa pangako ng Diyos ay hindi naman nangangahulugan na hindi kailanman mawawala sa lupa ang kahirapan? at wala na nga bang pag-asang mapabuti ang ating kalagayan? at ano nga ba ang magagawa ng Diyos upang matulungan ang mahihirap?

Huwag mag-alala ang lahat ng bagay na ito ay may tumpak na kasagutan ang Bibliya. sa pansamantalang kalagayan. Kaya habang wala pa ang kawakasan ng mundo ay abangan natin ang mga grupo ng Mananayaw kung sila nga ba ay matutugunan ng Pamahalaan o maliliit na siktor ng Lipunan na suportahan ang mga Mananayaw sa bansa upang patuloy tayo na aliwin sa pamamagitan ng kanilang mga pag-indak sa intablado.

PASASALAMAT MULA KAY  Ms Margaux Jo Montano ng Dyna Dancer

" PANAWAGAN MULA KAY MS MARGAUX JO MONTANO " just CLICK this LINK !!! Thank you..


ABANGAN ang BAHAGI 3 ng UDP

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry