" Marangal Na Uri ng Pag-iibigan " Heto ang aking TUNAY na Buhay !
Ayon sa Bibliya, ay dapat nating Matutunang Umibig sa pang-Kapatirang Kristiyano. Kung paanong mga bata nga daw po ay natutong magpakita ng pag-ibig dahil sa nararanasan nila ito sa tahanan, Mapasisidhi naman nating lahat bata't matanda man ang pag-ibig sa pamamagitan ng pakikisama sa iba pang mga Kristiyano.
Kaya ang gayong uri ng pag-ibig daw ay pinahahalagahan ng mga taong maaring " nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan" sa daigdig na nakapalibot sa atin ngayon na salat na salat sa pag-ibig.
Kung gayon po natutunan ko na napakahalaga pala na magpakita ng tunay at taos-pusong pagtanggap sa lahat ng baguhan na umiibig na sa Katuwiran na nagsisimulang makisama sa akin.
Ang huwarang Elder na si Brother Jojo Buhion na hindi namamanginoon na nagpapakita ng halimbawa sa lahat. Ang kanyang butihing asawa naman na si Sister Sarah Buhion ay tunay din po na maasahan sa pamamagitan ng tunay na pag-ibig at paggalang.
Maraming salamat sa Makabuluhang araw Jehovah God, at naging bahagi ako sa iyong organisasyon na may mataas na moral sa buong mundo!
Mga Komento