"Arkitekto" -UAP-WDA (part 1)

Bakit ang mga Doktor  kapag magpa-konsulta ka ay magbabayad ka ng "Consultation Fee"?


Bakit ang mga Lawyer ay magbabayad ka ng "Hourly rates"? at ang iba pang mga propesyonal sa bansa na may mga Consutation Fee! \


Bakit ang mga  Arkitekto ay "WALANG CONSULTATION FEE"  na kapag humingi ka ng opinyon hinggil sa desinyo ng Negosyo, Bahay, o Proyekto ng pang-Gobyerno? ito ang hinaing ng mga samahan ng Arkitekto sa Bansa ng WDA
 ( World Day of Architecture ) na pinangunahan ni Arkitek Neil Villanueva na siyang Chairman at kasama ang iba't ibang sangay ng mga Arkitekto sa Bansa.
Kaakibat ang UAP ( United Architect of the Philippines ) .

Ayon sa mga Arkitekto na nakapanayam ng inyong lingkod ay panahon na upang sila ay dumaing o mapansin na ang batas ay batas. OO nga naman mga kababayan limang taon na gumugugol sa pag-aaral ang ating mga Arkitekto upang maging dalubhasa sa pagdedesinyo sa magiging mga proyekto ng mga ito.


Pansinin ang paligid natin na mga nagawa ng ating mga Arki na kung  saan na siyang araw-araw nating nakikita nagagamit natin at nagdudulot sa atin ng kakaibang Kaligayahan at Dignidad na masasabing isa kang matagumpay na mamamayan sa ganda ng ating nakikita at hindi nasasayang ang perang ginamit mo rito dahil lahat ay nasa ayos sa tulong ng isang Mahusay na Arkitekto ng Bansa di ho ba?

Ayon sa Wikipedia ang arkitektura ay ang sining at agham ng pagdidibuho ng mga gusali. Sa isang malawak na kahulugan, mula sa mataas na antas ng pagpapaplano ng bayan, dibuhong urbano, at arkitekturang pantanawin hanggang sa mababang antas ng pagdibuho ng kasangkapan o produkto, at kabilang sa sakop nito ang pagdibuho ng kabuuan ng ginawa o kinathang kapaligiran. Nakita muna kung gaano kahalaga ang mga Arkitekto sa ating Bansa?

Hindi ba natin nakikita na sila ang tunay na may Talento na dapat Igalang at Pahalagahan . Bakit? aba'y kasing-katulad yata sila ng isang pinaka-dakilang Arkitekto sa Buong Uniberso ang Gumawa ng lahat ng Bagay ang Diyos sa Langit (awit 83:18). Kaya sino ang mas nasasaktan o naiinsulto kapag winalang halaga natin ang mga Arkitektong ito? Di ba ang Ama na nasa Langit. Maliban na lang kung hindi ka nagpupuri sa mga disenyo ng Diyos at tiyak hindi mo mauunawaan kung anong ibig nating tukuyin?

Kung sabagay lahat tayo ay mahalaga sa Mata ng Diyos dahil siya rin ang nag Disenyo sa atin kung kaya hindi tayo magkakamukha at hindi pare-pareho ang ating mga pag-uugali di ho ba? Kaya marapat lamang na pahalagahan natin ang bawat isa sa atin at bigyan ng Dangal o Karangalan anuman ang ating katungkulan sa buhay o katayuan sa buhay?

Hindi dapat mga sikat o kilalang tao lang ang may karapatang humingi ng "CONSULTATION FEE"! Para lalong mas maunawaan po natin ito may halimbawa ang inyong lingkod na galing naman kay Jesus. (Bago ang lahat mas gusto ng inyong lingkod na laging halimbawa ang mga nakaulat sa Bibliya upang mas makatotohanan hindi sa kung sino-sinong tao na minsan ay kasinungalingan lang sapagkat walang perpekto sa atin)

Halimbawa, Sinabi ni Jesus na isang may-bahay ang nagbigay ng pare-parehong suweldo sa lahat ng kaniyang manggagawa, sila man ay nagtrabaho nang maghapon o isang oras lang. 

Anong masasabi mo rito? Makatarungan ba ito?
Sa unang tingin, baka kaawaan mo agad ang mga manggagawa na maghapong nagtrabaho sa init ng araw. Dapat lang na mas malaki ang suweldo nila! Batay sa ganiyang pananaw, baka isipin nating walang konsiderasyon at di-makatarungan ang may-bahay. Maging ang sagot niya sa nagrereklamong mga manggagawa ay lumilitaw na parang pag-abuso sa awtoridad. Pero alam ba natin ang lahat ng detalye?

Suriin naman natin ang ilustrasyong ito sa ibang pananaw. Tiyak na alam ng may-bahay na kailangang pakanin ng mga lalaking ito ang kani-kanilang pamilya. Ang suweldo noon ng mga manggagawa sa bukid ay arawan. Umaasa rito ang kanilang pamilya araw-araw. Kaya isip-isipin ang mangyayari sa mga huling nakita ng may-bahay anupat nakapagtrabaho lang nang isang oras. Baka hindi nila mapakain ang kanilang pamilya sa isang oras na suweldo; pero handa naman silang magtrabaho kaya maghapon silang naghintay ng uupa sa kanila. (Mateo 20:1-7)

Hindi nila kasalanan na hindi sila pinagtrabaho nang maghapon. At walang pahiwatig na sinadya nilang hindi agad magtrabaho. Isipin na lang na maghapon kang naghihintay at umaasa ang iyong pamilya sa kikitain mo sa araw na iyon. Tiyak na tuwang-tuwa ka nang may magpatrabaho sa iyo—at gulat na gulat pa nga nang tumanggap ka ng sapat na suweldo para may maipakain sa iyong pamilya! Ganito rin ang mga Arkitekto natin.

Balikan natin ang ginawa ng may-bahay. Wala siyang inagrabyadong sinuman. Sa halip, itinuring niyang bawat isa ay may karapatang kumita para sa kaniyang pamilya. Bagaman kulang ang trabaho sa dami ng manggagawa, hindi niya ito sinamantala para babaan ang suweldo nila. Ang lahat ay umuwing may sapat na suweldo. Kung isasaalang-alang natin ang mga detalyeng ito, maaaring magbago ang ating pananaw sa may-bahay. Naging makonsiderasyon siya at hindi niya inabuso ang kaniyang awtoridad.

Anong aral ang matututuhan natin dito? Na kapag ilang detalye lang ang alam natin, maaari tayong magkamali sa ating konklusyon. Oo, idiniriin ng talinghagang ito na talagang nakahihigit ang Katuwiran anupat napakahalaga dito sa lupa ang Batas at sa Karapatan ng Tao.

Ikalawa, tandaan na kapag inaakala nating hindi makatarungan ang isang sitwasyon, ito’y dahil sa baka pilipit o limitado ang ating pananaw. Maaari itong mapilipit dahil sa di-kasakdalan, maling akala, o kultura. Limitado rin ito dahil wala tayong kakayahang alamin kung ano ang nasa puso at motibo ng isa. Tanging ang Diyos lang  ang perpekto kaya ang Mahalaga ay MAGBAYAD TAYO ng PA SUWELDO o CONSULTATION FEE sa mga nagpapagal sa atin.

Kaya ang grupo ng mga Arkitekto ng Bansang Pilipinas ang UAP-United Architect of the Philippnes ay nais na isulong ang "CONCULTATION FEE"!

"Abangan kung mapapansin nga ba sila ng ating Pamahalaan at ng Taong Bayan. Nitong darating na October 06 2014 na may Balagtasang magaganap sa UAP HQ Diliman Quezon City na pinamagatang "The Healthy Cities, Happy Cities" ng World Day Of Architecture 2014.  

Mga Arkitekto na kasapi sa WDA 2014


" HEALTHY CITIES, HAPPY CITIES " - UIA 2014 theme


United Architects of the Philippines - Committee on World Day of Architecture UAP WDA 2014 under the UAP Commission on Government & External Affairs. 



UAP WDA 2014

Honorary Chairperson National President : Ar. Ma. Benita " Beth" Ochoa Beth Regala
NEVP : Ar. Rey S. Gabitan
Sec Gen : Ar. Alfred Carandang
National Treasurer : Ar. John Joseph Fernandez 


National Auditor : Ar. Mohammadsarfraz A Uttoh

CGEA Executive Director : Ar. Malu Gutierrez

WDA Adviser : Ar. Nanette Bundalian Segovia

 WDA Chairman : Ar. Neil Suerte Villanueva
WDA Vice Chairman : Ar. Asiddin K. Arabain Uap
WDA Secretary : Ar. Melba Benavides

WDA Members : Ar. Rosa Regala
Ar. Ronald Gavino
Ar. Louie Vito
Ar. John Aurelio Parungao
Ar. Jasper C. Resari
Ar. Allan Cuaresma
Ar. Cecilio Ardeno B. Ebuenga
Ar. Jackson C. Macasieb
Ar. Reymaline Pagdato
Ar. Maundelito Florendo
Ar. Eugene Errol Supremo

coordinated with UAP Committee on Media & Public Relation : Ar. Ramuel C. Aurelio.
I-shot Production : Mr. Ediboy Quizada




https://www.facebook.com/notes/ms-horizon-chaser/arkitekto/730348617001726

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry