Nakakaaliw ang SONA talaga! Pati YAYA ay na Special Announcement! Parang pa-Bebe Din?

Bilang pagpa-salamat lang naman siguro na pinalingkuran ang pangulo ng bansa ng kanyang butihing yaya! Walang masama dahil ipinakikita lamang ng pangulo ang kabutihang asal. Pero matured na kaisipan ba ang ganito bilang Pangulo ng bansa? Parang pa Bebe din di ho ba? Sabagay okey na rin ang pa cute kaysa mala-Hitler!

Sa ilalim ng Artikulo VII, Seksiyon 5 ng Saligang Batas, bago makapagsimula ang Pangulo sa pagtupad ng kanyang katungkulan ng kanyang tanggapan, dapat magsagawa ng Pangulo ang sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo:

"Ako si__________________, ay taimtim kong pinanunumpaan (o pinatotohanan) na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo (o Pangalawang Pangulo o Nanunungkulang Pangulo) ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol ang kanyang konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihari nawa ako ng Diyos."[Kapag pagpapatotoo, ang huling pangungusap ay kakaltasin.]

Ang sumpa sa dulo na "Kasihari nawa ako ng Diyos."  sa Ingles, oath]. Isang sinumpaang kapahayagan na nagpapakitang ang bagay na sinabi ay totoo o na gagawin o hindi gagawin ng isang tao ang isang partikular na bagay; kalimitan ay may kalakip itong pananawagan sa isa na nakatataas, lalo na sa Diyos.

Bilang tagapaglingkod sa bayan kapag ginagamit mo ang Diyos at si Jesus ay dapat na lubusang tularan nila si Jesus na hindi sarili lang ang iniisip at hindi nagpapasalamat sa mga naglilingkod sa kanya na mga apostoles niya! Bagkus, lalong pinaaalalahanan niya na patuloy na maglingkod at hindi ang pansariling kapakanan o damdamin. Sila'y nakaranas ng matitinding pagsakripisyo para sa tao. 

Ayon sa mateo 20:28 "Kung paanong ang Anak ng tao ay dumating, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod+ at ibigay ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos na kapalit ng marami.”

Sa Hebreong Kasulatan naman, na dalawang salita ang ginagamit upang tumukoy sa isang sumpa. Ang shevu·Ê½ahʹ ay nangangahulugang “sumpa o sinumpaang kapahayagan.” (Gen 24:8; Lev 5:4) Ang kaugnay na pandiwang Hebreo nasha·vaʽʹ, nangangahulugang “sumumpa,” at ang salitang Hebreo para sa “pito” ay nagmula sa iisang salitang-ugat. Kaya naman ang “sumumpa” ay orihinal na nangangahulugang “sumailalim sa impluwensiya ng 7 bagay.” (Theological Dictionary of the New Testament, inedit ni G. Friedrich; tagapagsalin at patnugot, G. Bromiley, 1970, Tomo V, p. 459)

Hindi ipinagbabawal ng Kasulatan ang panunumpa. Gayunman, ang isang Kristiyano (e di ba kilala si PNOY at ang Pamilya nito na maka-Diyos) ay hindi na kailangang manumpa upang patunayan ang bawat sinasabi niya. Sinabi ni Jesus: “Ang inyo lamang salitang Oo ay mangahulugang Oo, ang inyong Hindi, Hindi.” (Mateo 5:33-37) Katulad ito ng sinabi ng alagad na si Santiago. Nang sabihin niyang “huwag na kayong sumumpa,” nagbababala siya laban sa di-seryosong panunumpa. (Santiago 5:12) Hindi sinabi ni Jesus o ni Santiago na mali ang manumpa upang sabihin ang katotohanan sa hukuman.

Ang gayong sumpa ay isang seryosong bagay na dapat nating isaisip na nasa ilalim ka ng sumpa na magsasabi ng katotohanan at tuparin ang mga binitawang pangako na maging tagapaglingkod sa mamamayang Pilipino, na sabihin pa ay siya namang nais sabihin ng isang Kristiyano sa lahat ng panahon.

Malinaw na hindi pansariling kapakanan dapat ang makikita o maririnig ng taong bayan sa isang pangulo ng bansa lalo na sa araw ng kanyang SONA! at sa tingin ng inyong lingkod lalong di magpa-BEBE o pa cute sa SONA! Kundi ang mga sulosyon sa problema ng bansa at sa panghinarap para sa susunod pang henerasyon. Walang YAYA, walang KAIBIGAN, walang ka-PAMILYA. Kundi, MAGPASALAMAT SA TAONG BAYAN! dahil sa pagbibigay ng tiwala na kapamahalaan niya ang ating bansa!

Kaya nais lamang na ipaalala ng inyong lingkod kung gaano kahalaga ang panunumpa upang maglingkod sa bayan na kung saan ay madalas kasing gamitin ng mga Politiko ang Bibliya upang manumpa sa kanilang gagampanan na tungkulin. Pero kung Bibliya ang pagbasihan ng ating buhay ay tunay na wala tayong maasahan na perpektong pamahalaan ng tao dahil lahat tayo ay hindi sakdal.

Tandaan, natin na walang namumuno na gusto niya ang kanyang kapamahalaan ay magulo o naghihirap ang taong bayan!

Total dito sa mundo dalawang klase ng tao ang kanyang kapamahalaan at dapat mahalaga sa kanya ang dalawang uri na ito. Kung kaya dapat dalawang uri din ang kanilang katangian ang magning mabuti at ang maging masama! Upang hind kaya silang tuklawin ng masasama na nasa palibot nila dahil mas masama siya sa lahat at kung mabuti naman ay mas mabuti pa siya sa mga mabubuti na kung saan ay nabibigyan ng dangal o karangalan ang mga mabubuting nilalang ng sa gayo'y maiingit na ang masasama kung kaya gagawa narin sila ng kabutihan di ho ba?

Tanong? madagdagan pa kaya ang masasama sa kulungan? at may mahihirap pa kaya o nagugutom? may mag-abrod pa kaya na iiwanan ang pamilya kung maligaya naman sila sa kanilang bansa na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay? at lalong wala ng mga Pa-Bebe pa dahil ang lahat ay matured sa mabubuting bagay! Kung may pa-bebe man ay ang tunay na mga baby o sanggol pa lamang.

Kaya magiging HAPPY na ang Pilipinas sana!

Salamat po!
"Pag-ibig Ang Susi Ng Kapayapaan Sa Mundo"
Ms Horizon Chaser

Mga Komento

Sinabi ni roel
salamat sa pag post nito. anng galling mo na talaga. I am very proud. super proud.

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry