Lifestyle Diseases, Lumala' sa Bansa - NAST PHL
Ang National Academy of Science and Technology, Philippines ( NAST PHL ) ay binigyang pansin ang sektor na ito kung paano matugunan ang lumalang mga sakit dahil sa paraan ng pamumuhay nating mga Pilipino. Nariyan ang mga nangungunang sakit ngayon sa bansa ang mga sakit sa puso, cancers, at ang dayabetes.
Ayon sa World Health Organization Global Burden of Disease (WHO GBD) nitong nakaraang taon nang 2010 ay umabot sa bilang na 309,000 Pilipino ang namamatay kada taon. Kaya ito ngayon ang binigyan pansin ng ating mga siyentipiko sa Bansa.
Pinangungunahan ngayon sa pangangampanya ng mga batang siyentipiko na nagkamit ng karangalan ang 2015 Science and Technology Awardees na sina President NAST PHL Acd. William G. Padolina, Outstanding Young Scientist/Civil Eng./Dr. Enrico C. Paringit, NAST Talent Search for Young Scientists Physics/Dr. Pierangeli G. Vital, NSTW Development Award for Applied Research/Applied Marine Biosciences/Dr. marybeth B. Maningas and Science Research Specialist I Mr. Darvin S. Rosa.
Katuwang ang Health Science Division (HSD) sa talakayan na ito hinggil sa tungkulin ng agrikultura, panlipunan, biological, matematika, pisikal at kalusugan.
Ang NAST PHL nasa ika-37 Anual Scientifict Meeting (ASM) na ito, na kung saan ay seryoso sa paghahanap ng solusyon sa mga sakit na "hindi naman nakakahawa" o "Non-Communicable Diseases" (NCDs) ngunit dumarami ang bilang nito na namamatay taon-taon. Napag-alam ng mga siyentipiko na ang mga sakit na tungkol sa NCDs ay mas malaking bilang sa mga mayayaman ang tinatamaan nito dahil sa kanilang paraan ng pamumuhay.
Bagaman malawak naman ang mga impormasyon kung paano tayo maging malusog ang ating pamumuhay upang maiwasan sana ang NCDs na dahil sa teknolohiya natin ngayon! Ngunit nakakalungkot ay limitado lamang ang pagbibigay ng kasanayan sa ating mga kababayan.
Kasama din sa Press Conference ang pagtalakay sa climate change, kalamidad, pagbaha at ang lindol, Bilang bihasang siyentipiko at inhenyero itong si Dr. Enrico Paringit na nakapanayaman ng inyong lingkod na ang kanyang paniniwala, ay ang katagang "build-back-better" na isang itratehiya ito ng economic development.
Kinakailangan aniya na maging advance ang ating mga scientific methologiest upang masuportahan ang ating bansa sa mga kalamidad. Dagdag pa nito na kung walang paghahanda sa mga darating pang kalamidad ay tiyak marami pang buhay ang mawawala dahil lamang isang kalamidad na maaari pa sana itong maisalba.
Ang tinatawag ni Dr. Paringit na LiDAR data na isang advance technology na kayang nitong sukatin na kung gaano kalaki ang mapipinsala ng isang kalamidad. Diumano'y panawagan na rin ito na suportahan ng pamahalaan upang patuloy na maging alarma ang susunod pang darating na mga sakuna sa bansa. ( The Hazardscape Of The Philippines )
(Halimbawa ng kahalagahan ng LiDAR data sa bansa)
Malaking tulong din ang data sa iba pang gamit na hindi lang sa pagharap sa kalamidad kundi ay ang maging sa larangan ng urban planing, infrastructure design, mining, agriculture, insurance at sa iba pang lugar. Kaya hindi kata-taka ang mahalagang aparato na ito ni Dr. Paringit na magsalba ng buhay ay nagkamit din ng iba't-ibang award sa mundo tulad ng "The world Geospatial excellence Award sa Geneva, Switzerland at ang Asia Geospatial Award noong 2014.
Isa sa aking itinanong sa mga siyentipiko na ito kung na ("Kung kaya din ba nila sukatin ang mga epekto ng basura ng malalaking bansa na kung saan ay ang bansa natin pala ang naging absorber nito, at ayon din sa ibang siyentipiko na nakapanayam ng inyong lingkod na ang Metro Manila ay verry vulnerable na ito dahil sa Climate Change na rin ay hindi naman tayong mga pilipino ang may malaking bahagi sa pagsira nito na kung saan ay nasa 1% lamang daw ang ating share sa pagsira ng kalikasan o climate change. Bagkus, ang mga malalaking bansa pala ang mas malaki ang may bahagi sa pagsira nito at tayo ang mas tunay na naaapektuhan ng lahat ng mga basura nila! Nariyan ang malalaking pabrika, usok ng mga sasakyan, naninigarilyo, mga basura at kung ano-ano pang mga kemikals na napunta sa ating bansang pilipinas. Kung kaya daw ay darating ang panahon ay maglalaho sa mapa ng mundo ang Pilipinas! Totoo ho ba ito mga magigiting naming siyentipiko at may sukat na rin po ba kayo nito?")
(Abangan sa Blog na ito ang pinamagatang "Build-Back-Better" ni Dr Errico C. Paringit at ang pagpalawak pa sa kaalaman ng Lifestyle Deseases sa tulong ng mga siyentipiko natin sa bansa.)
by
Media Team
Media Team
Media Team
Media Team
Thank You DOST and NAST
Mga Komento