"Ligtas ang Handa, Kaya ng Pinoy!" DOST Outcome 8! - S & T Disaster Preparedness

Mukhang taimtim or pursigido ang ating magigiting na mga inbentor ng ASTI, DREAM, NOAH, PAGASA, PHIVOLCS, PNRI at STII na maipalaganap sa ating mga kababayan hinggil sa mga makabagong paraan ng pagiging handa' sa kung anumang sakuna ang kakaharapin ng ating bansa?
PNRI Dr. Alumanda M. dela Rosa & STII Asec. Raymund E. Liboro

Nagtulungan diumano ang walong ahensiya ng Gobyerno sa pagsaliksik kung ano pang makabagong teknolohiya sa paghahanda sa kalamidad. Ang (1) agriculture,  (2) micro small and medium enterprises; (3) industry; (4) IT business process management; (5) government service; (6) health care; (7) human resources; and (8) weather and geologic hazards.

Sa walong ahensiyang ito ay binuo ang temang "Ligtas ang handa, kaya ng Pinoy!" base sa nakikita ng mga siyentepiko ng agham at ang senaryo ng climate change sa mabilisang strategy upang marami pang masagip na buhay .

Lalo na sa nababalitang paparating ang isang malakas na paglindol na 7.2 ang lakas ng pagyanig sa West Valley Fault sa palibot ng Metro Manila  na kung saan ay hinog na nga daw ito ayon kay dir. Renato Sulidom Jr ng Phivolcs.

Aniya " The fault has moved four times in the past 1,400 years. at gumagalaw ito sa tuwing ika 400 taon kaya kung isuma total ang +/- 10 to 100 taon ay posible talaga! Ang pinakahuling naitala na lindol noong 1658 na umabot na sa 355 years at mangyayari pa ito sa mga susunod na mga henerasyon".

Ang DOST naman ay maaga palang na nagbigay na nang babala simula pa nitong nakaraang 2014 na kung saan daw ay mangyari nawa na ang mga kababayan natin ay magkaroon ng lubusang magtiwala sa ating mga siyentipiko na dumaan sa masusing pag-aaral para sa national development.

Samantala, sa katatapos ng Press Conference nitong ika 14 Hulyo 2015 sa ganap na oras ng alas 11:00 ng umaga sa PAGASA Science Garden Quezon City ay dumalo ang NTSTW Outcome 8 na mga kinatawan nang ASTI si Asec. Denis F. Villorente, DREAM Dr. Enrico C. Paringit, NOAH Dr. Alfredo Mahar Francisco A. Lagmay, PAGASA Dr. Vicente B. Malano, PHIVOLCS Dr. Renato U. Sulidom Jr., PNRI Dr. Alumanda M. dela Rosa at ang STII Asec. Raymundo E. Liboro.

Sa buwan ng July 2015 ay tatalakayin ng mga siyentipiko ang mga makabagong paraan ng paghahanda sa kalamidad na may temang 2015 National Science and Technology Week . Ngayong Hulyo 24-28, 2015 ang tema ay "Philippines: A Science Nation Innovating for Global Competitiveness," na gaganapin sa SMX Convention Center, MOA Complex. Isa itong malaking selebrasyon na maobserbahan itong dynamic synergy na inorganisa ng NSTW ngayong taon.

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry