CACAO ( KAKAW ) WINE NAPAKASARAP NA GAWANG PINOY
Karaniwan na ang paggamit ng cacao (kakaw) upang makagawa ng alak. Subalit sa isang proyekto na pinangunahan ng Quezon Agricultural Research and Experiment Station o QA-RES (Ka-res) na pinondohan ng Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research o D-A BAR, natatangi ang nagawang kakaw na alak dahil ito ay nagmula sa sapal ng prutas na kakaw.
Ang nasabing alak ay maihahalintulad sa lasa ng champagne (shampeyn) na may lasa ng kakaw at vanilla. Ipinagmamalaki ito dahil sa masarap nitong lasa at dahil na rin sa ito ay gawa mismo ng mga lokal na magsasakang Pilipino.
Sa katunayan, noong 2017 ay ibinida ng D-A ang nasabing kakaw wine sa Madrid Fusión Manila. Ang Madrid Fusión ay isang prestihiyosong international culinary event na ginaganap taon-taon sa bansang Spain.
Sa kasalukuyan, maraming asosasyon na sa nasabing rehiyon ang nakikinabang sa teknolohiya upang makagawa ng wine at maibenta sa merkado.
Sa kasalukuyan, maraming asosasyon na sa nasabing rehiyon ang nakikinabang sa teknolohiya upang makagawa ng wine at maibenta sa merkado.
Para sa mga interesado sa nasabing cacao wine o para sa karagdagan pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Mister Dennis Bihis ng D-A QA-RES (Ka-res) sa numerong 0-4-2 5-8-5 7-1-0-1 o sa kanyang e-mail na dennis.bihis@calabarzon.da.gov.ph (dennis d-e-n-n-i-s dot bihis at calabarzon dot d-a dot gov dot p-h).
At para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Facebook page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).
LARA LAPITAN
Media Relations Project Assistant
Philippine Agriculture and Resources Research Foundation, Inc. (PARRFI)
PCAARRD Headquarters, Paseo de Valmayor,
4030, Los Baños, Laguna, Philippines
Mobile No.: (0995) 713 7963 (Globe)
Media Relations Project Assistant
Philippine Agriculture and Resources Research Foundation, Inc. (PARRFI)
PCAARRD Headquarters, Paseo de Valmayor,
4030, Los Baños, Laguna, Philippines
Mobile No.: (0995) 713 7963 (Globe)
Mga Komento