ANG BREADFRUIT O RIMAS ISANG BAGONG LIKHANG PRUTAS NA MASARAP AT MASUSTANSIYA
Upang lubos na pakinabangan ang masaganang pagbubunga ng rimas, ang Department of Agriculture – Regional Field Office 5 o DA-RFO 5 at Bicol Integrated Agricultural Research Center o BIARC ay nagpatupad ngproyektong “Rimas Biodiversity Research, Conservation, and Propagation in the Bicol Region”.
Sa patuloy na pag-aaral ng BIARC sa tulong ng DA Regional Food Laboratory, ilan sa mga produktong nagawa na ginamitan ng rimas ay ang pastillas, cheese cupcake, chips, caramel, ginataan, fries, kimchi, torones, cookies, dumpling, rice balls, custard cake, spring roll, muffin, at ang ice cream.
Kaakibat ng proyektong ito, nagpadala ng 20 kilo ng rimas ice cream sa Hongkong upang ito ay suriin at pag-aralan. Naisakatuparan ito sa tulong ng Global Mana, isang kompanya na nakafocus sa pagkain, enerhiya attubig, na naging sponsor ng “breadfruit conference” sa Hawaii.
Sa pangunguna ng Bureau of Agricultural Research, nagkamit ng karangalan ang rimas ice cream bilang isa sa mga makabagong likhang produkto at dahil na rin sa masarap na lasa, amoy, at itsura nito.
Bukod sa paggamit ng rimas bilang sangkap sa mga pagkain, masagana rin ito sa carbohydrates at sinasabi na ang fiber na makikita dito ay nakakatulong sa digestion o pagtunaw ng pagkain at pagpapababa ng kolesterol sa katawan.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa rimas, maaaring makipag- ugnayan kay Ginang Luz R. Marcelino sa mga numerong 0-5-4-4-7-7-0-4- 7-5, 0-5-4-4-7-8-3-6-4-5 at 0-9-0-8-6-6-3-7-2-6-2 o magpadala ng mensahe sa kanyang email na luzcelinomar@yahoo.com.
Para sa iba pang research at technology i-like lamang ang opisyal na Facebook page ng DA BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dt com slash d- a bar official).
Ang balitang Ito ay mule sa Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) RDMIC Building, Visayas Avenue corner Elliptical Road, Diliman, Quezon City
Mga Komento