KAMAIS - DA

 Tipikal na makikita ang puno ng kamias sa bakuran sa mga probinsya at mga bukirin. Kadalasan kinakain ito ng hilaw o sinasawsaw sa asin o kaya naman ay ibinibilad sa araw. Isa itong kilalang sangkap na pampaasim sa mga pagkain tulad ng paksiw at sinigang.
Maliban sa mga gamit ng kamias sa pagkain, ginagamit din itong gamot sa iba’t ibang uri ng sakit at impeksyon tulad ng makating balat, beke, rayuma, kagat ng insekto, almuranas, lagnat, at iba pa.
Matatagpuan ang kamias sa maraming parte ng bansa ngunit sinasabing sa probinsya ng Quezon ito pinakasaganang namumunga.

Dahil sa madaming benepisyo ng kamias, ang Kilos Unlad ng Mamamayan ng Real (KUMARE), Inc., isang grupo ng mga kababaihan sa Real, Quezon, ay gumawa ng paraan upang ito ay pangalagaan at lalo pang mapakinabangan.

Ang mga produktong kamias soap, sinigang powder, pasas at kendi ay ilan sa mga produktong gawa ng KUMARE na mabibili sa mga lokal na pamilihan. Sa kasalukuyan,masusing pinag-aaralan ang paggamit ng “oxalic acid” mula sa mga prutas gaya ng kamias bilang anti-browing agent o pampaputi.

Bagamat sinasabing mahirap patubuin ang buto ng kamias, nakapag produce ng 5,000 (limang libong) punla na kung saan ang 2,500 (dalawang libo at limang daan) ay ibinahagi sa mga miyembro ng samahang KUMARE. Sa kabuuan, naging matagumpay ito sa paggamit ng asexual propagation. Base sa inisyal na resulta, 90 (siyamnapung) porsyento ang tumubo dito.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kamias, maaaring makipag- ugnayan kay Mister Dennis Bihis sa numerong 0-9-3-3-1-4-2-9-7-5-3 o magpadala ng mensahe sa kanyang email na dennis.bihis@gmail.com (de-nis dot bi-his ay g-mail dot com).
Para naman sa iba pang research at technology, i-like lamang ang opisyal Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).

From:
Contact: Phone: For Use:
PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT
Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) RDMIC Building, Visayas Avenue corner Elliptical Road,
Diliman, Quezon City

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry