Bagong KWF Timpalak sa Sanaysay, Pinagpupugayan ang Kabataan at Kanilang mga Katutubong Wika
Inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Gawad Jacinto sa Sanaysay, ang kauna-unahan nitong timpalak sa pagsulat sa sanaysay para sa kabataang Filipino at kanilang katutubong wika.
BIlang bahagi ng deklarasyon ng UNESCO para sa 2019 bilang Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika at ang taunang pagdiriwang ng bansa para sa Buwan ng Wika sa darating na Agosto, ang mga Filipinong mag-aaral mula baitang 7-11 ay hinihikayat na ilahok ang kanilang mga sanaysay hinggil sa kahalagahan ng katutubong wika ng bawat isa at ang kaalaman na makukuha mula dito.
Ang mga isusumiteng sanaysay ay hindi hihigit sa 1,000 salita at nakasulat sa wikang Filipino.
Ang mga magwawagi ay makakatanggap ng sumusunod na gantimpala: PHP20,000 (unang gantimpala), PHP15,000 (ikalawang gantimpala), at PHP10,000 (ikatlong gantimpala). Ang mga magwawaging lahok ay may pagkakataong ding mailimbag ng KWF sa hinaharap.
Ipinangalan ang timpalak kay Emilio Jacinto (1875-1899), isang rebolusyonaryong manunulat at kabilang sa hanay ng mga bayaning kabataan. Sumali sa Katipunan si Jacinto sa murang edad at nagsulat ng mga importanteng dokumento gaya ng Kartilya, Liwanag at Dilim, at Pahayag.
Ang huling araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 28 Hunyo 2019. Ang mga magwawagi ay kikilalanin sa Pammadayaw ng KWF, isang seremonya ng pasasalamat na mangyayari sa 27 Agosto sa Sentrong Pangkultura ng Filipinas (CCP).
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kwf.gov.ph o tumawag sa 736-2519. ######
New KWF essay contest champions youth and their indigenous languages
The Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) launched Gawad Jacinto sa Sanaysay, its first-ever essay-writing contest for the Filipino youth and the indigenous languages that they use.
As part of the 2019 UNESCO declaration for the International Year for Indigenous Languages and the country’s annual celebration for the National Language Month this coming August, Filipino students, from grades 7 to 11, are encouraged to send in their essays tackling the importance of one’s native language and the knowledge that could be derived from it.
Entries, with 1,000 word limit, should be written in Filipino.
Winners will be receiving the following cash prizes: PHP20,000 (first place), PHP15,000.00 (second place), and PHP10,000.00 (third place). Winning entries could also be published by KWF in the future.
The contest is named after Emilio Jacinto (1875–1899), revolutionary writer and also a member of the nation’s youthful roster of heroes. Jacinto was a teenager himself when he joined the Katipunan and wrote important documents like the Kartilya, Liwanag at Dilim, and Pahayag.
Deadline of entries is on 28 June. Winners will be recognized on KWF’s Pammadayaw, a thanksgiving ceremony happening on the 27th of August at the Cultural Center of the Philippines (CCP).
Tagapagdala ng Mensahe
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
For more information, visit kwf.gov.ph or call 736-2519.
Mga Komento