MAPANG-API' tila Naglilipana sa Buong Mundo!
"Kaya hindi na kataka-taka na maapi ang mga TAPAT sa Diyos na Jehovah!... Kahit walang kasalanan tataniman ng kasalanan.. Kahit walang prolema tataniman pa rin ng problema ng mga lingkod ni TANING!... Kahit mabait at magiliw ka na sa kapwa ay hahanap pa rin ng butas upang may maipintas lamang.. at kapag wala ka naman sa mga ito ay pisikal mo naman ang ibabaling sau na magkakasakit ka. Ngayon ang tanong dapat ba tayong magtaka, magpadala, gumanti, umiyak at manlumo?
Sabi ni Jah maglumukso daw pala tau kapag inuusig!"
> Anong dahilan ang ibinigay ni Jesus para tayo ay ‘magsaya at lumukso sa kagalakan’?
Mabuti pa na ang bibilya na lang ang sasagot nito ayon kay JESUS-KRISTO nagbigay pa nga siya ng karagdagang dahilan para maging maligaya kapag sinisiraang-puri at pinag-uusig gaya ng mga propeta noon. Sa bandang huli ng ikasiyam na kaligayahan, sinabi niya: “Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan, yamang malaki ang inyong gantimpala sa langit.” (Mateo 5:12) Sumulat si apostol Pablo: “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.” (Roma 6:23) Oo, ang ‘malaking gantimpala’ ay buhay, at hindi ito kabayaran na kaya nating makamit sa ganang sarili natin. Walang-bayad na kaloob ito. Sinabi ni Jesus na naroon “sa langit” ang gantimpalang ito sapagkat mula ito kay Jehova.
> Anong gantimpala ang naghihintay sa langit para sa pinahirang mga Kristiyano, at paano rin gagantimpalaan ang kanilang mga kasama na “ibang mga tupa”?
Tatanggapin ng mga pinahiran ang “korona ng buhay,” samakatuwid nga, ang imortal na buhay na kasama ni Kristo sa langit. (Santiago 1:12, 17) Nananabik naman ang mga may makalupang pag-asa, ang “ibang mga tupa,” na magmana ng buhay na walang hanggan sa paraiso sa lupa. (Juan 10:16; Apocalipsis 21:3-5) Para sa dalawang uring ito, ang “gantimpala” ay hindi isang bagay na makakamit nila sa ganang sarili. Kapuwa ang mga pinahiran at ang “ibang mga tupa” ay tatanggap ng kanilang gantimpala sa pamamagitan ng “nakahihigit na di-sana-nararapat na kabaitan” ni Jehova na nagpakilos kay apostol Pablo na sabihin: “Salamat sa Diyos dahil sa kaniyang di-mailarawang kaloob na walang bayad.”—2 Corinto 9:14, 15.
> Bakit tayo maaaring maging maligaya at makasagisag na ‘lumukso sa kagalakan’ kapag pinag-uusig?
Sumulat si apostol Pablo sa mga Kristiyano, na ang ilan sa kanila ay malapit nang pag-usigin nang buong kalupitan ni Emperador Nero: “Magbunyi tayo samantalang nasa mga kapighatian, yamang alam natin na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagbabata; ang pagbabata naman, ng sinang-ayunang kalagayan; ang sinang-ayunang kalagayan naman, ng pag-asa, at ang pag-asa ay hindi umaakay sa kabiguan.” Sinabi rin niya: “Magsaya kayo sa pag-asa. Magbata kayo sa ilalim ng kapighatian.” (Roma 5:3-5; 12:12) Ang pag-asa man natin ay makalangit o makalupa, ang ating gantimpala dahil sa katapatan sa ilalim ng pagsubok ay di-hamak na nakahihigit kaysa sa anumang nauukol sa atin. Walang kapantay ang ating kaligayahan sa pag-asang mabuhay magpakailanman upang maglingkod at pumuri sa ating maibiging Ama, si Jehova, sa ilalim ng ating hari na si Jesu-Kristo. Makasagisag tayong ‘lumulukso sa kagalakan.
> Ano ang maaasahan sa mga bansa habang papalapit na ang kawakasan, at ano ang gagawin ni Jehova?
Sa ilang lupain, pinag-usig at patuloy pa ring pinag-uusig ang mga Saksi ni Jehova. Sa kaniyang hula tungkol sa katapusan ng sistema ng mga bagay, nagbabala si Jesus sa tunay na mga Kristiyano: “Kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.” (Mateo 24:9) Habang papalapit tayo sa kawakasan, uudyukan ni Satanas ang mga bansa upang ipakita ang kanilang poot laban sa bayan ni Jehova. (Ezekiel 38:10-12, 14-16) Ito ang magiging hudyat na oras na upang kumilos si Jehova. “Tiyak na dadakilain ko ang aking sarili at pababanalin ko ang aking sarili at ipakikilala ko ang aking sarili sa paningin ng maraming bansa; at kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova.” (Ezekiel 38:23) Sa gayong paraan pababanalin ni Jehova ang kaniyang dakilang pangalan at ililigtas ang kaniyang bayan mula sa pag-uusig. Kaya naman, “maligaya ang tao na patuloy na nagbabata.”—Santiago 1:12.
> Habang hinihintay ang dakilang “araw ni Jehova,” ano ang dapat nating gawin?
Habang papalapit nang papalapit ang dakilang “araw ni Jehova,” magsaya tayo sapagkat “ibinilang [tayong] karapat-dapat na walaing-dangal” alang-alang sa pangalan ni Jesus. (2 Pedro 3:10-13; Gawa 5:41) Tulad ng sinaunang mga Kristiyano, magpatuloy nawa tayo “nang walang humpay sa pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo” at sa pamahalaan ng Kaharian habang hinihintay natin ang ating gantimpala sa matuwid na bagong sanlibutan ni Jehova.—Gawa 5:42; Santiago 5:11.
Ang payong ito ay hango sa bibliya mula sa JW.ORG
Mga Komento