"FRESH Dried Fish" made by Mama Mely

Kapag sinabing Tuyo' ay ang typical na tuyo' na nakikita natin sa merkado na kung saan namumuti na sa sobrang Dried di ho ba? di mo alam kung ilang buwan na itong nanananitiling dried fish at masangsang ang amo'y na kung masilan-silan ka pa ay maiisip mo kung ilang mga kamay na ang dumapo nito? at saka mo ihahain sa hapag kainan ng ating pamilya.

Ganito talaga ang Tuyong' isda na ating aasahan... pero tayong mga Pinoy ultimo mo mga dayuhan ay takam na takam pa rin tayo lalo na kung may kasabayang sukang maanghang-anghang at kamatis. Naku.. tiyak ang pagdiyeta ay makakalimutan natin. Totoong totoo na pampagana ito sa ating hapag kainan.

Kaya lang maaaring maipagmalaki ng inyong lingkod kung tuyo rin lang naman ang pag-uusapan. Lingid sa aking kaalaman ay ekperto pala ang aking mahal na ina na kung saan ay masilan sa tuyo'. Ayaw na ayaw niya ang mga tuyong nalalamutak o mukhang tumagal na sa panahon. Kaya naman naisipan niyang gumawa ng sarili niyang tuyo'.

Ngunit noong dito pa siya sa Manila ay hindi niya ito nagagawa kahit may isda pang nabibili ang problema kasi kapag magbibilad siya ay maraming langaw. pusa o mga piste na umaaligid nito at ang araw ay hindi gaanong tumatagos sa dati niyang tirahan sa Olongapo o sa Quezon City sa madaling salita hindi nababagay sa kanyang kinalagyan ang ganoong gawain.

Hanggang sa naisipan niyang umuwi sa kanyang bayang tinubuan na kung saan ay walking distance lamang ang karagatan sa kanyang tahanan doon sa Biliran Leyte. Naku' natatandaan ko nasa dalawang taong gulang pa lang ako noon ng makarating sa lugar ng aking mahal na ina. Nasundan ito kailan lamang taong 2008?

Dito na naisipan ng aking mama ang gumawa nang sariling Dried Fish at malaya niya itong nabibilad sa tabi mismo ng dagat at ang sikat ng araw na may dalang alat na tumatama sa binibilad na mga Sariwang Isda (take note hindi bilasang isda).

Kaya laking gulat ko kahapon na may kumatok sa aking tinutuluyan at ang pinakahihintay ko din na Fresh Dried Fish ay nasa aking harapan na! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kumikinag na balat ng tuyo'. Hindi man ako marunong o bihasa sa tuyo' pero malaki ang kaibahan ng hitsura sa mga nabibili sa merkado! opo, ibang-iba siya! Naku ha.. hindi porke mother ko si mama mely ay inaangat ko na siya? naman.. proud lang po talaga ang inyong lingkod na ang mama ko po ang gumawa ng kakainin namin ng aking mga anak sa umagahan na alam kung malinis at sariwa.

Nga lang tanong ko sa mama ko paano kung nawili ako? Naku ang sabi niya na "anak kapag mag-request ka sa akin ngayon sa ikaapat na araw mo pang matatanggap.. e kasi nga SARIWANG TUYO ang gagawin ko para sa iyo.. so, dalawa o tatlong araw ibilad at saka ipadala sa iyo ng isang araw kaya sakto ang ika-apat na araw na kung saan ay FRESH na FRESH ang tuyo mo na matatanggap!"

Sabi ko pa biro ko lang.. paano mama kapag gusto rin ng mga friends ko dito.. " A eh.. pag-isipan ko basta ang mahalaga sa akin ay ayaw kung magpadala ng tuyo' na hindi sariwa at kung kailan lang sila mag-order ay saka ko lamang gagawin."

Narito po ang mga sample ng "FRESH DRIED FISH" made by mama Mely from Biliran Leyte!

 "FRESH DRIED PUSIT" made by : mamaMely

( SAMPLE of Typical Dried Pusit in mercado)

"FRESH Dried Bisugo" made by : mamaMely


(SAMPLE of Typical Dried Fish Bisugo in mercado)

"FRESH Dried Sapsap" made by : mamaMely

Maraming salamat po sa aking mahal na mahal na ina! Im so proud of you mama! I love you so much!

For Your Door to Door order please call or text
Globe:0915.964.2301 / Smart:0928.743.0412

Mga Komento

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry