Teknolohiya ay nakinabang ako, Salamat po Oh Jah!
Natutuwa akong nakikinig sa mga kumento ng mga kapatid kahapon ika-13 ng Disyembre 2014 sa ganap na oras ng alas 6:00 nh sa pulong naririnig ko sila sa pamamagitan ng gadget. Ang public talk na idinidiin kung sino si Jehova, si Jesus at ang Trinidad? ang lalim ng bantayan ngunit mauunawaan mo dahil sa pagsisikap ng mga kapatid na maipaliwanag ultimo mga bata.
Ang awitin sa pp 102 "Makiaawit Tungkol Sa Kaharian" lang ang aking sinabayan ang sarap pakinggan at sintunado pala ako ? :) Mga texto na mga ginamit. Kaya sobra ang pag-ibig ni Jehova sa mga tao. Lahat ay ginagawan niya ng paraan makaabot lamang ang kanyang mga mensahe sa atin.
Ang Teknolohiya ay kaibigan din naman pala kung sa tamang paraan ito ginagamit at pagsasamantala sa tama pa rin lalo na sa ikabubuti ng iba at kay Jehova. Kaya napakaraming salamat sa matatalinong nilalang na ito na gumagawa sa iba't ibang klase ng Teknolohiya. Tiyak ko si Jehova pa rin ang nagbigay ng atas na iyan para mapabilis ang gawaing pangangaral.
Si Jesus ay tunay na huwaran na nagbuwis ng buhay na dapat pa nga magbubuhay-hari siya sa lupa kasi kaya niya namang gawin, taglay ni Jesus lahat ang katangiang SUMIKAT at YUMAMAN ngunit wala ni anumang materyal siyang tinaglay.
Wala siyang ginawa kundi ang ipaalam ang mabuting kaharian na napakalapit na! Magwawakas ang sistema ni Satanas dito sa lupa at isasama niya ang 3 M ang Mapanghusga, Mapang-api, Mapang-inggitin yan kasi ang USO ngayon na kahit hindi ka pumatay at nagnakaw pero ginagawa natin iyang 3 M ay awtomatikong NAILABAG natin ang 10 utos ng Diyos.
( Kuha ni Cherryl Navarro )
Pero hindi pa huli ang lahat may kunting ORAS pa naman tayo. Sabi nga ng Diyos may nahuhuli na mauuna at may nauuna na mahuhuli dahil pala sa 3 M na iyan, Kaya mas masarap kasama ang mga nahuhuli kasi sabik silang matoto at ikapit ang katotohanan at laging masaya at exciting lagi. Mga mata nila ay laging namamangha at kumukuti-kutitap. Lalo na kapag nakikita mong nagbabago sila nga lang ang payo ko huwag alisin ang pagiging totoong masayahin at magiliw na hindi kayang tapatan ng salapi.
Napakasarap pagmasdan kapag nagmamahalan ang mga tao sa palibot na walang 3 M. Saan ka man naroroon ngayon nadadala ang mga tao sa problema, ayaw magpalugi ang bawat isa at sumusuko agad kapag may problema. Dapat binulay bulay muna kung ano ang ibig sabihin ng Diyos nito sa akin? Bakit ako inilagay sa sitwasyon na ito? Kasi kung kakitiran ng isip at panic agad ang gagawin natin e di naiwala natin ang MISYON o ATAS ni Jehova sa iyo na hindi mo namamalayan.
Wala ng himala o boses na direkta kay Jah kundi ang mga nilalaman ng bibliya sa pamamagitan ng mga pinahiran ng Diyon na siyang naglalaan sa atin ngayon upang makaabot sa atin ang mga ATAS na ito. Kaya maintindihan natin dapat kung bakit nangyayari ang mga bagay na hindi mo inaasahan?
Halimbawa sa pag-aasawa , ni katiting sa isipan mo ay wala kang balak mag-asawa at bigla kang nagkaroon ng asawa at ang napangasawa mo ay iyong lahat ng ayaw mo sa lalaki o babae ay nasa kanya. Tanong? liligaya ka ba? natural hindi at maging miserable ang iyong buhay at mawawalan ka na ng kaligayahan. Kung maka AKO tayo kasama iyan sa 3 M tiyak tatakasan mo ito at makikipaghiwalayan ka kaagad. Sabi nga ng wordly "ANO AKO TANGA?" sorry for this.. iyan naman talaga agad ang nasasabi kapag naiinis ka.. yan ang pinoy! Opo tiyak ganyan ang gagawin ng isang maka-AKO.
Ngunit amg taong kinaaayawan mo ay nagsisikap magbago at nakikipag-aral ng Bibliya. Medyo delikado na si maka AKO sa mata ni Jehova. Nakakalimutan natin na ang trabaho natin ay magligtas ng kaluluwa at tularan si Jesus na " Maglingkod hindi ikaw ang paglingkuran" mateo 20:28. Kaya ang maglingkod ay parang alipin po talaga iyan. Tanong kaya mo ba na magpa alipin kahit dinudusta ka? Kung naniniwala ka sa pangako ng Diyos at may malaki kang pananampalataya tiyak matitiis mo maiban na lang kapag nilapastangan na si Jehova at ang anak na si Jesu Kristo.
Ika nga mahalin natin ang ating buhay kaya diyan ka na kikilos na maging maka AKO sa tamang panahon o oras. Importante inuna mo muna ang maglingkod at patunayan sa Diyos na iniibig mo siya hindi lang sa Salita o rutin na lang ng buhay mo ang dumalo sa pagpupulong at manalangin. Ngunit sa aktuwal ay hindi pala natin nagagawang ibigay ang ating buhay sa iba.
Opo mahirap man itong gawin pero sa dulo nito tayo aani at mas matayog pa pala ang ating ambisyon kaysa ibang mga tao ngayon na sumikat at yumaman ng husto ngunit may hangganan sila ayon sa daniel 2:44 dudurugin sila at wawakasan kasama ang 3M na kahit hindi sikat at yumaman!
Salamat po,
12.14.2014/ 5:34 am
Mga Komento