Don't Panic!- isa sa Mapalad na nakaligtas sa Yolanda Thyphoon sa Guian Eastern Samar
Habang nagpapahinga sa pagbo-boluntaryo sa ginagawang konstraksiyon na Kingdom Hall sa Antipolo Hills ay nakatabi ng inyong lingkod ang isa sa mga nabiktima nitong nakalipas na Bagyong Yolanda na mula sa Guian Western Samar na si Geraldine.
Ayon sa kanya na malaking bagay talaga ang hindi pag-panic sa oras ng kalamidad upang makapag-isip ng mahusay kung paano sila makaligtas? Aniya, napaka imposible na maisalba nila ang kanilang buhay kasama ang buong pamilya nito dahil sa lakas ng hangin na halos sumabog ang mga salamin nito at ang bubog ng bahay ay natuklap. Kahindik-hindik ang mga huni ng hangin at patak ng ulan.
Marubdob na panalangin sa Diyos na Jehova ang isa sa kanilang pinaghuhugutan ng lakas ng loob at tiwala sa kanilang mga natutunan sa Bibliya. Habang nakakausap ko si Geraldine ay hindi niya alam ay napapatibay niya ako at marami akong natutunan sa mga magaganda niyang katangian lalo na sa pagiging positibo sa kabila ng kanyang karanasan na mahirap makalimutan bilang hindi sakdal na tao.
Simple lang ang kanyang pananaw sa buhay ang magtiwala sa mga pangako ng Diyos na ang lahat ng bagay ay lilipas at pansamantala lamang ang mga sakit at hirap na ating mga dinadaranas dito sa lupa na kung saan ay hindi nga naman titigil si satanas sa panliligalig sa sanlibutang ito.
Si Geraldine
Mga Kapatid na nag-bulontaryo na nanggagaling sa iba't ibang Congregation ng Pilipinas
Ang inyong lingkod na habang ginagampanan ang atas ay marami akong natutunan sa aking buhay
Mga Komento