The Making of "Naagoashi Island, Maldives"
Ngayon araw ng ika 20 ng Octobre 2014 sa ganap na oras ng 12:10 ng tanghali ang lipad patungong Bahrain ang dalawang magagaling na Arkitekto ng Bansa sina Ar Raffy Tecson at Ar Errol L. Supremo para sa isang presentasyon ng isang resort sa maldives na pawang mga mayayaman lamang ang maaring makakarating kapag matuloy ang proyektong ito.
Nagpuyat ng ilang buwan ang mga Arkitektong ito na nasa larawan para sa idisenyo ang Naagoashi Island. Nasulyapan ng inyong lingkod kung gaano ito kaganda ang obra maestra ng ating mga magigiting na arkitektong ito.? Hindi po maikakaila ng inyong lingkod na ito'y kakaiba sa lahat ng aking mga nakitang resort na tunay ngang mala-paraiso na ang hirap yatang hugutin kung saan nila ito kinuha ang mga inspirasyon na pawang pinaka-isip-isipan ng husto ang bawat ditalye nito.
Na ang tutungo rito ay dapat naka-Hilekopter at sa pagbaba palang nila ang entrnace nito ay tunay na hahanga ka at mararamdaman mo na nasa ibang mundo ka na. Mga yateng naglilipana, at ang rooms na kakaibang obra maestra na super class na bahagi ang kalikasan nito.
Kaya masasabi talaga natin na tunay na maipagmamalaki natin ang talino at galing ng ating mga Filipino Arkitek sa buong mundo. Abangan at ipapakita sa susunod ang kanilang Obra Maestra sa Naagoashi Island, Maldives. Sana po ay tulong-tulong tayo na iangat ang kakayahan ng bawat isa sa atin anuman ang ating posisyon sa buhay.
PART 2 : Ang mala-paraisong resort na magiging pantasya ng buong mundo!
Mga Komento