Imprastraktura, Sinakop Mo Ba Arkitekto, Inhinyero at Kontratista? Paano?

Tanong
  • Ano ang inyong Opinyon mga kababayan ko hinggil sa isyu na ito?
  • Paano nasasaklaw ng isang taong edukado ang lahat ng propesyon?
  • May Batas kaya tayo rito na bawal saklawin ang hindi mo naman trabaho?
  • May disiplina o magandang asal kaya ang ganitong uri na ginagawa ng isa man sa mga propesyonal na ito?
  • Ano ang tawag sa ganitong uring propesyon kapag inaako niya lahat ng pangangailangan sa isang Proyekto? kagahaman ba o katalinuhan?
  • Paano kung matutunan narin ng mga susunod na henerasyon ang MANAKLAW? Dapat pa bang may PRC o LAWYER sa Mundo?
  • Maaari niyo po bang ipaliwanag?
Bago ang lahat ay nais ko munang bumati sa lahat ng mga bumabasa sa blog na ito na Happy Morning! Medyo po kasi masalimuot o malalalim, na ika nga po ay napakahirap maarok’ ang usaping ito ano ho? Ngunit sinisikap po ng inyong abang’ lingkod sa abot lamang ng aking makakaya na maisulat o i broadcast sa ating mga programa sa Radyo at Ustream. Dahil sa napakahalaga ng usaping ito.

Sangkot na naman po kasi ang Etika ng bawat isa sa atin. Higit sa lahat ayon po sa mga batas na pang-KARAPATAN..

"Ang 1987 KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS SA ARTIKULO III KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN sa SEKSYON 8Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publiko isa na ang inyong lingkod po dito at pribadong sektor na magtatag ng mga akosayon, unyon, o mga kapisanan sa mga layuning lalabag sa batas."



KONTRATISTA

Mula sa Wikipidea, "Ang kontrata ay isang pangako o kasunduang legal sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga partido at maaaring ipatupad ng batas. Ipapatupad ng batas ang ilang mga kasunduan subalit hindi ang iba. Ang mga makabatas na mga patakaran na nangangakong ipatupad ng batas ay maaaring magkakaiba sa iba't ibang mga lugar o mga hurisdiksiyon, subalit ang isang kontrata ay karaniwang ipinatutupad lamang kung ginawa ito ng mga tao o mga pangkat ng mga taong nais itong tupdin at kung alam nila ang kanilang mga ginagawa. Kung minsan, isinusulat ang kontrata at nilalagdaan ng mga taong pumapayag dito, subalit hindi palaging kailangang nakasulat. Karaniwang pumipirma ang mga tao kapag may isang mahalagang bagay o mataas ang presyo ng bagay na ginagawa, katulad ng kontrata sa hanapbuhay. Kapag may isang taong lumabag sa kontrata, may ibang taong maaaring magdemanda o maghabla laban sa taong lumabag sa kontrata. Sa paghahablang ganito, titingnan ng hukuman ang kontrata, makikinig sa mga sasabihin ng taong gumawa ng kontrata, at pagkaraan ay saka magpapasya hinggil sa kahulugan ng kontrata."



Muli po sa batas ng ANG 1987 KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS  sa ARTIKULO III KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN sa SEKSYON 10.  na halos nabasa ng inyong lingkod ang bawat seksyon na ito na lalong nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na maitala ang bawat karapatan na hindi dapat mangyari sa bawat propesyonal na mga Arkitekto, Inhinyero at Kontratista ang kawalan ng Etika dahil masasagasaan ang mga karapatan ng bawat isa na sumusunod sa mga sinusumpaan na mga katungkulan. Kaya ang seksyon ito ay HINDI DAPAT MAGPATIBAY NG BATAS NA SISIRA NG KONTRATA kaya eksakto ito sa mga KONTRATISTA at pasok din ang etika rito sa batas na ito. di ho ba?

Kasama sa kanilang Kontrata ang kung ano lang ang kanilang dapat saklawin. Iba pa ang kontrata ng pang Arkitekto at pang Inhinyero. Ayon sa grupo ng ETHICS POINT ang "Di-mabubuting pag-uugali o di naaangkop na pag-aasal na intensiyonal na maling gawin, partikular na ang sadyang paglabag sa batas at panununtunan.



Mula naman po sa Encyclopaedia Britanica: "Waring hindi kataka-taka na alam ng mga tao ang tama na dapat nilang gawin subalit sa halip ay ginagawa naman ang ayon sa kanilang mga interes". Tama na naman ang Bibliya tungkol dito: " Ang puso ay higit na mapandaya kaysa anupamang bagay at mapanganib. Sino ang makakakilala nito? ( Jeremias 17:9 ))

Mapanganib po pala kapag ang isang tao ay walang galang sa Etika na kilala bilang isang mapandaya at mapanganib ang mga ito. Naku po bato-bato sa langit ang tatamaan ay huwag nawa magalit ito'y paalala lamang sa atin kasama na rin dito ang inyong lingkod.


Tanong? Bakit po kaya nalalabag natin itong tinatawag na Etika?



Malamang dahil kaya sa isa tayong Ambisyoso? e.. teka Ms Horizon, ano namang masama sa pagiging ambisyoso? Kaya nga tayo nagsisikap mag-aral noon upang makamit ang pangarap ng may magandang kinabukasan ang yumaman at makilala.


Mali Bang Maging Ambisyoso?

Kabantugan, Kayamanan at Kapangyarihan ika nga KKK. Simple lang, Hindi naman po talaga masama ang taglayin ang KKK kung', "HINDI mo dapat itaguyod ang ambisyon sa ikapipinsala ng iba." Pero sa mga pilosopiya ay pangangatuwiranan pa rin ito na "Kung hindi natin sisikaping maabot ang ating potensiyal, walang ibang aabot nito para sa atin." Okey, may punto ano ho ang pilosopiyang ito. so, ang tanong po uli? Ano naman ang nasasangkot sa pag-abot sa ating potensiyal?

Oo ang maabot o makamit ang mga bagay na potensiyal na may nasasagasaan na etika sa kapwa mo ay nagiging makasarili na po tayo. Nakaligtaan natin na ang ibigin ang iyong kapwa (Mateo 22:39) kung ayaw mo itong paniwalaan ay alisin mo ang iyong bibliya sa iyong tahanan at huwag kang manumpa sa iyong tungkulin na gamit ang bibliya at panalangin. kasi puwede naman nga lang sa ayaw at gusto mo ay ganito ang iyong pagkatao bilang isang ambisyosong walang pakiaalam sa etika.

Naintindihan namin natin ang ganitong sitwasyon. Sapagkat, likas lamang sa atin minsan na maghangad tayo ng kaginhawaan at kaligayahan. Subalit pinasisigla lang natin po doon sa mga nagnanais na igalang ang etika na ang mga ito ay tunay na mga nagpapagal, mapagpakumbaba, at mahihinhin na hindi basta padalos-dalos ng mga desisyon na kung saan ay iniisip nila lagi ang iba bago ang kanilang sarili. Kaya alin kaya tayo rito?

Kaya Kontratista, Arkitekto at Inhinyero ka man masarap pa rin mamuhay ng may etika at ang katapatan at nagtatrabaho nang masikap ay mas madalas na napapansin, nakasusumpong ng magandang trabaho, at iginagalang. Tiyak na mas mabuting sundin na lang sana natin ang landasing ito kaysa pagsamantalahan ang iba para sa personal na pakinabang o makipagpaligsahan sa iba para lamang sa posisyon.

Inspirasyon natin si Jesus nang sabihin niya ito sa kanyang sermon sa bundok: "Ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at siya na nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas." (Lucas 14:7-11). Gayunman po mga minamahal kung tagasubaybay, sa totoo lang, hindi naman po talaga garantiya na kikilalanin na isang indibiduwal dahil lamang sa kanyang mga talento, kakayahan, mabubuting gawa, at pagpapagal. Kung minsan po talaga ang kapuwa mo mismo ang nagbibigay sa iyo ng gantimpala at kung minsan naman ay hindi.

Minsan pa nga po ay may nangyayari na kung sino pa ang hindi gaanong kuwalipikado ay sila ang mas nailuluklok sa mga posisyon maraming alam ang inyong lingkod nga lang hindi na natin maisa-isa sa daming bilang na nila sa buong mundo at sila'y lubusang Happy. Samantalang ang mga taong mas may kakayahan ay hindi naman kinikilala o kinakatakutan pa nga.

Para sa inyong lingkod ang paksang AMBISYON ay hindi naghaharap ng suliranin sa ETIKA. Kundi ang mas mahalaga na magkaroon po tayo ng BUDHING sinanay na gumawa lagi ng tama para sa ating kapuwa ka trabaho o kung anuman ang ating posisyon sa buhay.

Karagdagan lamang kung anuman ang damdamin sa mga maling paggamit ng etika. Nalakap po ito ng inyong lingkod kamakailan lamang sa isang Selebrasyon ng mga arkitekto sa buong mundo na kung saan sa hanay ng mga arkitekto ay may ganitong nagaganap na palang saloobin.

Tulad nitong nagawang Komiks ng mga may karanasan sa panlalamang ng mga ibang Kontratista.  Pinangunahan ito ng isang masigasig na Chairman ng WDA si Arkitetek Neil Villanueva' at sinuportahan naman ng United Architect Of The Philippines-UAP na ang National President ay si Ar. Ma. Benita "BETH" Ochoa-Regala. Ang may akda ng MEMORANDUM CIRCULAR NO. 37, s. 2011si National executive Vice President Ar. Rey S. Gabitan, si Secretary General Ar Geoffrey C. Carandangat sa susunod na parapo naman natin banggitin ng inyong lingkod ang iba pang mga kasapi sa UAP-WDA na naganap nga ang Selebrasyon sa SM Manila nitong nakalipas lamang ng ika 06 ng Octobre 2014 na isang maituturing pinaka- malaking selebrasyon sa kasaysayan ng UAP.
 Bago po natin maipagpatuloy ay balikan natin ang makahulugang Komiks na ito at mangyari sana na basahin at bulay-bulayin.
Balikan natin si  Ar Geoffrey C. Carandang na kasalukuyang Arkitek at Kontratista ng KASA Arkitekton Inc.  Ayon sa kanya na "Being a kontratista is a business, yes kahit sino pwede. Pero pagiging arkitekto hindi lahat nabibigyan ng privilege to be one." dagdag pa nito " Ang pananaw ko ay nakalagay sa website ko. We in the company practice Design-Build based on the Standard of Professional Practice 2010 and UAP documents 207 on Design-Build. Even the PCAB law does not prohibit Architects and Engineers in engaging in Design-Build practice as long they are doing it within the practice of their profession. Design-Build practice is one of the highest form of practice an architect can do. Because it entails understanding not only designing structures but also tge methodology of construction. A contractor who fails to deliver a project based on contact can be sued and can also just change company name, because its a business. An architect who engage himself in design-build contract and fails to deliver can be taken away of his license to practice. Because to practice architecture is a privilege given by the state."


Aminin ng inyong abang lingkod na HINDI naman po talagang madaling gumawa ng matalino at makatuwirang pasiya hinggil sa etika sa isang daigdig natin ngayon na patuloy po itong nagiging masalimuot. Buong mundo ay nasasangkot na rin po rito.

Mula sa Watchtower Library na ganito ang paliwanag ng Commision on Global Governance na nangangailangan din ang Daigidig ng mga pamantayan sa etika. "Kung walang pangglobong etika," ang sabi ng kanilang ulat, "titindi ang hidwaan at tensiyon sa pamumuhay sa pangglobong komunidad; kung walang pangunguna paano na? ang maging pinakamahusay na institusyon at mga estratehiya ay mawawalan ng saysay.

Bilang panghuli ay saklaw na rin ang mga Propesyonal sa bansa gawin narin nating pangglobong etika ang usaping ito. "Dapat po pala na pakitunguhan natin ang iba sa paraang ibig nilang pakitunguhan sila." tandaan sana natin na ang pamantayang ito ng paggawi mga dalawang libong taon na ang nakararaan. Pero ang prinsipyong ito ay nanatiling mabisa pa rin hanggang ngayon. Ang Globalisasyong nakasalig sa pamantayang iyan ay walang alinlangang magiging kapaki-pakinabang sa lahat. Mangyayari pa kaya ito? Abangan!

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry