PCA-QUEZON PROVINCIAL GOVERNTMENT PALALAKASIN ANG COCONUT INDUSTRY SA MGA PROBINSIYA
Former DAR Secretary BERNIE F. CRUZ bagong hirang bilang ACTING ADMINISTRATOR AND CHIEF EXECUTIVE OFFICER AND MEMBER GOVERNING BOARD, PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY mula sa office of the President FERDINAND R. MARCOS and Civil Service Commission nitong ika-11 , Nobyembre 2022 lamang nilagdaan. Dahil kuwalipikado diumano si Sec Bernie sa posisyong ito sa ating bansa.
Mula sa pagsuporta sa mga magsasaka sa DAR ay pagsasaka pa rin naman itong usaping BUKO o NIYOGAN ang kanyang kakaharapin na siyang napakahalagang production sa ating bansa. Kilala tayo sa buong mundo na may malawak na sakahin ng mga kopra . Kung kaya kailangan itong pangalagaan ng gobyerno na huwag basta-Basta na lamang kakapusin tayo ng buko.
Bagaman kauupo pa lamang ni Bernie ay nasabak agad sa napakahalagang talakayan hinggil sa COCONUT INDUSTRY kasama sina Quezon Gov. Helen Tan at ang Philippine Coconut Authority, Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA), sa opisina ng Office of the Provincial Agriculturist na pinag-iisipang mabuti kung ano pa ang nakakabuti sa pag-angat ng ekonomiya ng Coconut Industry.
Natalakay ang ibang mga plano sa pagpapa-unlad kung paano pa ito mapasulong ng Quezon Science and Technology Complex for Coconut (CoCoQueST).
Napakahalaga diumano ang mga malawakang pagsasaka ng mga coconut farmers at matulungan sa mga pagpapasulong sa pagsasaka sa probinsiya upang kumikita na sila ng malaki ng sa ganon ay umunlad naman ang kanilang pamumuhay.
Si SEARCA head Gerlie Tatlonghari ay nagbigay ng matamang payo na kinakailngang magkaroon dapat ang ahensiya ng sign a memorandum of agreement with the Quezon government for the improvement of the coconut industry. Para nga naman na maging makatotohanan.
Iniisip lagi ng gobyerno at ng pamahalaan ang benepisyo ng coconut farmers.
Ayon sa Quezon provincial government, “the farmers must get what is due them.”
###
Reported by
Narisa Piscos aka Ms Horizon Chaser
Happy Morning Show
Travel More, Let’s Go!
B-Channel Production
E-mail add : horizonchaser20@gmail.com
Mga Komento