DOST: VIRGIN COCONUT OIL (VCO) SUBUKAN MUNA KUNG MAY SINTOMAS KA NG COVID-19
( This picture credit from Sec Boy ) |
Ipinahayag ng Department Of Science and Technology ( DOST ) kamakailan lamang sa Virtual Media Forum na epektibo bilang Food Supplement ang Virgin Coconut Oil ( VCO ), Itomuna ang subukan diumano ng mga may sintomas ng COVID-19.
Natapos na umano ang isinagawang Community Study ng Food and Nutrition Research Institute ( FNRI ) ang pag-aaral sa 57 probable at suspected COVID-19 patient sa Sta. Rosa, Laguna na kung saan ay kalahati rito ay ibinigay ang VCO bilang pagkain sa loob ng 28 araw habang ang natitirang kalahati ay bilang control group. Habang ang control group ay nagpakita ng pagbuti sa Day 3 at tumigil ang sintomas sa Day 23.
"Symptoms in the VCO group significantly declined at Day 2 and no symptoms were observed at Day 18," ayon kay DOST Secretary Fortunato T. De La Peña sa isang virtual briefing.
Ayon kay PCA Administrattor Benjamin Madrigal Jr., nagsuri sila ng siyam na brand ngunit anim lang ang pumasa.
Sinabi ni kay DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya na dalawang sites ang napili para sa nasabing pag-aaral. Habang ang PGH naman ay mga milgy moderate symptomatic cases ng COVID-19 ang kailangan kung saan nangangailangan ng pagpapa-ospital.
Patuloy pa ang pag-recruit ng PGH ng pasyente na maaaring maisalang sa pag-aaral ng VCO na inaasahan ding matapos sa unang quarter ng susunod na taon.
Sa mga gustong sumubok ang payo ng DOST na bumili lamang ng VCO na aprubado ng FDA, sa kasalukuyan ay regular namang nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa ibang bansa upang makapagsagawa ng solidarity trial.
Sa community base, aniya ay natapos na ang pag-aaral at ngayon ay inaanalisa na ang data kung saan inaasahang maiprisinta sa iba't-ibang forum sa susunod na buwan.
Nagkaroon ng pagsusuri ang Philippine Coconut Authority ang ginamit na VCO alinsuod sa Philippine National Standard for Qualtiy.
Nag-uulat
Ms Horizon Chaser
Happy Morning Show
DWBL 1242 khz
E-mail : horizonchaser20@gmail.com
Mga Komento