GATAS NG BAKA HANAPBUHAY NG MAGSASAKA SA CAGAYAN VALLEY ISABELA

Nakasaad sa Philippine Dairy Update ng National Dairy Authority noong Enero hanggang Hunyo 2018 na nakabase sa lokal na supply ng gatas ang produksyon ng mga dairy products sa bansa.

Ang paggawa ng mga produktong mula sa gatas ng baka ay isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga magsasaka sa Cagayan Valley sa probinsya ng Isabela, na kung saan maraming malawak na taniman ng palay at mais.


Dahil sa kalakhan ng mga sakahan at kakulangan sa pagkain at nutrisyon ng mga alagang baka, naging pangunahing supply ng pagkain ang mga green corn, silage, rice straw at corn stover mula sa naaning palay at mais.


Ang corn silage ay tinawag na “high energy food source” dahil sagana ito sa nutrients. Mababa ang protina nito ngunit mas mataas ang digestible energy nito kumpara sa ibang pakain sa mga hayop. Nakakatulong ito sa mga bovine animals gaya ng baka upang makapagproduce ng maraming gatas. Madali itong iimbak dahil kaya nitong tumagal ng tatlong taon ng hindi nabubulok.


Nagtulong ang Bureau of Agricultural Research o BAR at Department of Agriculture Regional Field Office 2, sa pangunguna nina Dr. Nilo E. Padilla at Dr. Diosdado C. Cañete ng Isabela State University, na itaguyod angproyektong “Adoption and Commercialization of Green Corn, Green Corn- Based Silage, Haylage and UMMB Production for Daily Cattle in Cagayan Valley”. Ito ay upang mas mapahusay ang produksyon ng mga dairyproducts at madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng green corn silage, haylage at Urea Molasses Mineral Block o UMMB bilang pakain sa mga alagang hayop.

Ayon sa mga datos na nakalap ng Isabela State University, ginawang basehan ng Malaya Development Cooperative o MDC ang proyektong ito at ginawang pangunahing pagkain ng mga dairy animals ang silage. Tumaas ang produksyon ng gatas ng MDC mula tatlo hanggang labing isang litro kada tao sa loob ng isang araw.

Sa kabuuan, lubos na nakatulong ang proyekto ng Bureau of Agricultural Research at Isabela State University dahil tumaas ang produksyon ng gatas sa bansa, lumaki ang kita ng mga magsasaka at nabawasan ang pag-aangkat ng mga dairy products mula sa ibang bansa.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa green corn silage, maaaring makipag-ugnayan kina Dr. Nilo E. Padila sa kanyang email na
niloepadilla926@yahoo.com at Dr. Diosdado C. Cañete sa kanyang email na djc22065@yahoo.com.

Para naman sa ibang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial.

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry