MAY PHP50,000 NA GRANT! - KWF
KWF PANAWAGAN PARA SA MALIKHAING AKDA!
KWF PHP50,000 grant para sa mga mapipiling nobela o koleksiyon ng mga maikling kuwento na adaptasyon ng mga klasikong malikhaing akdang Filipino at/o akda ng mga Pambansang Alagad ng Sining
Paano sumali?
Magsumite ng:
1. Dalawa hanggang tatlong (2-3) pahinang konseptong papel, abstrak, o buod ng koleksiyon ng mga maikling kuwento o nobela
2. Dagdag na kahilingan: halimbawang unang kabanata para sa nobela; isang kuwento para sa koleksiyon ng maikling kuwento
3. Ilakip ang isang komprehensibong resume na may 2×2 retrato
Ipadala ang mga dokumento sa komisyonsawika@gmail.com hanggang sa 20 Setyembre 2019
[Kapag napili ang inyong panukalang akda, kinakailangang maisumite ang buong koleksiyon o nobela hanggang 31 Oktubre 2019 (may 100 hanggang 150 pahina ang haba ng koleksiyon o nobela na nasa papel na may sukat na A4 at may mardyin na 1” sa bawat gilid at single space; may font na Arial o Times New Roman, size 12)
Hango mula sa Komisyon ng Wikang Filipino
Mga Komento