Ano ang pinagmulan ng kaugalian na pagtatakda ng isang araw upang parangalan ang mga ina?
Sinasabi ng The Encyclopædia Britannica: “Isang pagdiriwang na hinango mula sa kaugalian ng pagsamba sa ina sa sinaunang Gresya. Ang pormal na pagsamba sa ina, taglay ang mga seremonya kay Cybele, o Rhea, ang Dakilang Ina ng mga Diyos, ay ginanap tuwing Ides of March sa buong Asya Minor.”—(1959), Tomo 15, p. 849.
#HINDI sa Bibliya nagmula ang popular na mga relihiyoso at sekular na kapistahan na ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng daigdig sa ngayon. Kung gayon, saan nagmula ang gayong mga pagdiriwang? Kung makapagsasaliksik ka sa isang aklatan, masusumpungan mong kawili-wili na bigyang-pansin ang sinasabi ng reperensiyang mga aklat tungkol sa mga kapistahan na popular sa inyong lugar. Isaalang-alang ang ilang halimbawa.
Iba Pang mga Kapistahan. Hindi posibleng talakayin ang lahat ng pagdiriwang na ginaganap sa buong daigdig. Gayunman, ang mga kapistahan na lumuluwalhati sa mga tao o sa mga organisasyon ng tao ay hindi kaayaaya kay Jehova. (Jeremias 17:5-7; Gawa 10:25, 26) Isaisip din na ang pinagmulan ng relihiyosong mga pagdiriwang ay makapagsasabi kung nakalulugod ang mga ito sa Diyos o hindi. (Isaias 52:11; Apocalipsis 18:4) Ang mga simulain sa Bibliya na binabanggit sa Kabanata 16 ng aklat na ito ay tutulong sa iyo na magpasiya kung ano ang pangmalas ng Diyos sa pakikibahagi sa sekular na mga kapistahan.
Mga Komento