Kumikilos ang mga Saksi ni Jehova sa Buong Mundo Bilang Tugon sa Bantang Pagbabawal sa Russia



Media Contacts:International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
" NEW YORK—Bilang tugon sa bantang ipagbawal ang kanilang relihiyon sa Russia, ang mga Saksi ni Jehova ay tuwirang nananawagan sa mga opisyal ng Kremlin at Supreme Court sa pamamagitan ng isang kampanya ng pagsulat ng mga liham. Hinihimok ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang mahigit 8,000,000 Saksi sa buong mundo na makibahagi rito.
Noong Marso 15, 2017, ang Ministry of Justice ng Russia ay nagsampa ng kaso sa Supreme Court ng Russian Federation para ituring na ekstremista ang Administrative Center of Jehovah’s Witnesses sa Russia at buwagin ito. Hinihiling din nito na ipagbawal ang mga gawain ng Administrative Center. Kung kakatigan ng Supreme Court ang kahilingang ito, ang pambansang punong-tanggapan ng mga Saksi na malapit sa St. Petersburg ay ipasasara. Pagkatapos, ang mga 400 rehistradong Local Religious Organizations ay bubuwagin din at ipagbabawal ang gawain ng mahigit 2,300 kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Russia. Ang mga pag-aari ng sangay, pati ang mga lugar ng pagsamba na ginagamit ng mga Saksi sa buong bansa, ay puwede na ring kunin ng Estado. Bukod diyan, ang isang Saksi ni Jehova ay puwedeng kasuhan dahil lang sa pakikibahagi sa mga gawaing kaugnay ng kanilang pagsamba. Inaasahang ibababa ng Supreme Court ang desisyon nito sa Abril 5.
“Gustong itawag-pansin ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang kritikal na sitwasyong ito,” ang sabi ni David A. Semonian, isang tagapagsalita sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi. “Ang pag-uusig sa mga mamamayang mapayapa at masunurin sa batas na para bang mga terorista sila ay maliwanag na maling paggamit sa mga batas na kontra-ekstremista. Ang gayong pag-uusig ay salig sa di-totoong mga paratang.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng pambuong-daigdig na kampanya ang mga Saksi. Halos 20 taon na ang nakalilipas, sumulat ang mga Saksi para ipagtanggol ang mga kapananampalataya nila sa Russia bilang tugon sa kampanya ng paninira na ginawa noon ng ilang opisyal ng gobyerno. Nagsagawa rin ng kampanya ng pagsulat ng mga liham ang mga Saksi para manawagan sa mga opisyal ng gobyerno na itigil ang pag-uusig sa mga Saksi sa ibang mga bansa, gaya ng Jordan, Korea, at Malawi.
“Ang pagbabasa ng Bibliya, pag-awit, at pananalanging kasama ng mga kapananampalataya ay maliwanag na hindi labag sa batas,” ang sabi pa ni Mr. Semonian. “Inaasahan namin na sa tulong ng aming pambuong-daigdig na kampanya ng pagsulat ng mga liham, mauudyukan ang mga opisyal sa Russia na itigil ang di-makatuwirang pagkilos na ito laban sa aming mga kapananampalataya.”
HANGO SA JW.ORG

PARA SA MGA TAGUBILIN SA KAMPANYA AY I CLICK ANG LINK NA ITO : https://www.jw.org/finder?docid=702017108&wtlocale=TG&srcid=share



Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Russia: Yaroslav Sivulskiy, +7-812-702-2691

Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry