I CRIED AFTER THE MEMORIAL OF JESUS-CHRIST
Bago ang Lahat ako po si Narisa P. Gonzales aka Ms Horizon Chaser sa Media. Kilalang Masayahin mula pagkabata at kilala din na iyakin!
Pero sa dinami-dami ng niluhaan ko, kakaiba po itong LUHA namin ni Denzel (my son) after ng Memorial of Jesus-Christ on March 23, 2016 sa Cubao Congregation. Hindi ko alam na pareho pala ang nararamdaman namin sa oras na iyon. Una, minamasdan namin ang mga kapatid na puno ng kagalakan at abala sa mga naimbita nilang mga bisita .
Mga elder's sa amin na walang sawang naglilingkod' at mababakas ang mapag-pakumbabang saloobin na maglingkod' HINDI sila ang pinag-lilingkuran na katulad ng kadalasang nakikita ko noon sa mga bang Relihiyon na dati kung mga dinadalaw sa kanilang mga pinagsa-sambahan. Halos lahat ay may sikat na leader's o namumuno. Dito sa aming Kingdom Hall ay wala kang mababakas na naghahari-harian o naka focus sa iisang tao lamang ang atensiyon. Dito nila ako napatibay noong panahong nag-oobserba pa lamang ako. Nakita ko ang pagka-pantay-pantay. Walang mahirap din at mayaman kapag cleaners ka kahit elder ay maglilinis talaga ng Kingdom Hall kahit sa Comfort Room pa ito.
Sa pagpatuloy kung bakit kami naluha ni Denzel? Bukod sa pag-alala sa sinapit na KIROT at HAPDI ng mga sugat ni JESUS sa kanyang pahirapang tulos, ay nakadam din kami ng INGGIT' sa mga pamilyang buo at maligaya sa aming kongregasyon. Sama-sama sila sa Kingdom hall na puno ng kagalakan at nagkakaisa sa kanilang gawaing pangkaharian. Napakagandang pagmasdan na animo'y nasa paraiso na silang namumuhay. Ganoon din kasi kami noon na animo'y kami lang ang pamilya sa mundo.
Bagaman magkaiba kami ng upuan ni Denzel ay iisa pala ang aming nararamdaman.. talagang mag-ina nga kami ano ho?
Kasalukuyang nagpapahayag si Bro Florencio Clores hinggil sa pakahulugan ng "BORN AGAIN" na kanino lamang kapit ito ay doon po sa may takdang bilang na 144,000 lamang na mga binili na mula sa lupa.. ika nga mga pinili ni Jesus na makakasama niyang maghahari sa langit at balang ay paghaharian din nila itong lupa.
Kaya HINDI po lahat na maliligtas ay AAKYAT sa langit pala' kundi itong 144, 000 (apo. 14:1,3) lang at malinaw sa Bibliya na mga textstong nabanggit ni Bro Clores. Malinaw din sa binabanggit ng textong Juan 3:5-8 ang maipanganak muli (BORN AGAIN) o maipanganak muli sa langit ( BORN OVER ). Kaya malinaw ang BORN AGAIN ay mula sa itaas ( Santiago1:17) Isais 11: 6-9, Isaias 65:21-23.
Kaya ang pag-asa naman ng ibang mga maliligtas sa araw ng "Armageddon" o "Kawakasan"-Apocalipsis 16: 14, 16 ng sistema ng mga bagay na ito ay dito sa lupa na kung saan ay itutuloy ang naiwalang paraiso nina Adan at Eva. Kaylaking pag-asa ho talaga kung pagaganahin po natin ang ating imahinasyon sa mala-paraisong pamumuhay kung sakali po ay maligtas tayo sa kawakasan na malapit na malapit na.
Upang matupad ang pangakong ito, maliwanag na napakaraming kailangang baguhin ngayon sa daigdig, kung saan 20 milyong mahigit pa na mga sundalo ngayon ang aktibong nakikibahagi sa mga 20 digmaang. Hindi nakakapagtaka, ang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, si Jehova, ay kailangang makialam sa mga kaganapan sa daigdig.
Sa pagpatuloy pagkatapos ng aming Memoryal ay nawala si Denzel sa aking panigin, habang abala ako sa mga kapatid sa aming anggulong SELFIE pictures. Kaya minabuti ko naring umuwi at naisip ko talagang hindi kami sa labas kakain na kadalasan naming ginagawa after memoryal. Dahil nais ko din na mas mapalapit sa aking anak na tulong-tulong kami sa paghahanda at ihawin namin ang bigli kung Organic Pork Steak, at alam ko din na mas maigi ang ganitong eksena.
Sa pag-uwi ay dama ko agad hapis ng kalungkutan ng aking anak. Kaya di ako nakatiis na di siya yakapin na wala man lang siyang kapatid o ama na makakausap sa tuwing malulungkot siya dahil ang kanyang ate ay may iba ng pamilya na mas bigyan niya ng pagmamahal, na kailangan din naming tanggapin iyon, dahil may katuwiran din naman sila, na dapat naming igalang at pagtiisan ang aming pangungulila sa aming minamahal na ate Kenzie.
Pagkayakap ko sa kanya habang nasa tabi namin ang aming iihawin ay tuluyan ng lumuha si Denzel. Inunahan ko na.. na kako na niiingit din ba siya sa mga magagandang eksena kanina sa Kingdom Hall ng mga pamilyang buo? Tumango-tango ang bata.. ang Iyak ko talaga! at unti-unting pinflaks ko din ang loob niya.. na lakasan ang loob niya at magung abala sa gawaing pangkaharian.
Napakarami ng aming napag-uusapan habang iniihaw namin ang aming Organic Pork Steak. Hanggang sa naging Masaya na muli kami at malulutong na halakhakan kasama si Macmac. Pinagana namin ang aming imahinasyon sa PARAISO kapag si Jesus na ang maghahari.
Kaya ang LUHA na ito ay magbibigay ng malaking pag-asa sa amin ni Denzel at si Macmac ang "MAKAKASAMA SA PARAISO" na kung saan ang INNGIT sa mga buong pamilya ngayon at kami ay biktima ng PAMILYANG WASAK ay tiyak na tiyak na MAS MALAKING PAMILYA na ang aming MAKAKASAMA na may iba't-ibang lahi pa ang aming mga magiging kapatid! Wala nang LULUHA o anumang KIROT sa damdamin ang aming mararamdaman, walang INGGIT na sa pamilyang buo.
WASAK' man ang aming pamilya ngayon, ngunit buo ang aming pananampalataya sa Diyos na Jehovah at kay Jesus ang malaking pag-asang ibabalik ang paraisong lupa na naiwala ng unang mga magulang natin.
Nagpapasalamat din kami na naging bahagi kami sa ORGANISASYONG ito na nagtuturo ng TUMPAK NA KAALAMAN na mula sa Bibliya na walang dagdag o bawas sa mga kaalamang ito. Dahil nakasalalay ang "BUHAY NATIN NA WALANG HANGGAN"( juan 17:3 ).
Mapalad pa rin pala kami dahil naraming PAMILYANG WASAK ngayon na hindi alam kung PAANO MAGING MALIGAYA? mga anak nila ay naging rebelde mga magulang ay nawawalan ng dignidad at namumuhay sa imoral na buhay.
Kaya salamat Jehovah and Jesus-Christ sa iyong kasakdalan na ibinuwis mo po sa aming mga makasalanan at kami ngayon ay LULUHA ng may KAGALAKAN! Salamat sa mga kapatid na ginagamit ni Jehova'h upang lagi kaming paglalaanan ng pag-ibig.
Pag-ibig Agape,
Narisa, Denzel & Macmac
Mga Komento