Ang Pagkamakasarili ay Maikukumpara sa Kalawang. ( may natutunan ako dito at ikaw?)

Miyerkules, Abril 15
[Ituringna ang iba ay nakatataas sa inyo.—Fil. 2:3.

"Nagpadala si Eva sa kagustuhan niyang maging gaya ng Diyos. Pinili rin ni Adan na sundin ang sariling kagustuhan at pinalugdan si Eva sa halip na ang Diyos. (Gen. 3:5, 6) Matapos maitalikod sa tunay na pagsamba sina Adan at Eva, patuloy na tinukso ng Diyablo ang mga tao na maging makasarili. Sinubukan pa nga niyang gawin iyon kahit kay Jesus. (Mat. 4:1-9)

Sa panahon natin, matagumpay na naililigaw ni Satanas ang maraming tao, na nagpapakita ng pagkamakasarili sa maraming paraan. Dapat natin itong bigyang-pansin dahil baka mahawa tayo sa espiritu ng pagkamakasarili na laganap sa ngayon. (Efe. 2:2) Ang pagkamakasarili ay maikukumpara sa kalawang.

Kapag nahantad sa mga elemento ang anumang bagay na yari sa bakal, maaari itong kalawangin. At kung hindi aagapan, maaari itong mapinsala o tuluyang masira ng kalawang. Sa katulad na paraan, hindi man natin maaalis ngayon ang ating di-kasakdalan at tendensiyang maging makasarili, dapat tayong maging alerto sa mga panganib na maaaring idulot nito at labanan ang gayong tendensiya.—1 Cor. 9:26, 27. w14 3/15 1:2-4" ( ang daily text na ito ay hango sa JW.ORG )


LESSONS : 

Kaya sisikapin ko na kahit sa simpleng bagay lang kahit sa pakikipag-usap sa kapwa ay HUWAG laging AKO ng AKO! Minsan may naka-kuwentuhan ako na nakaugaliaan na nating mga Pilipino na maging BIDA sa usapan na kahit mga kaibigan nila o kamag-anak nila na hindi mo naman kilala i kuwento pa sa iyo' basta lang may maidaldal at siya lang ang nagsasalita! he he he :) 

Hindi pala magandang katangian ang ganito.. na dapat pala, kung ano lang ang itinanong sa iyo at kung saan lang interesado ang kausap mo ay iyon lamang ang dapat mong sabihin o banggitin at para doon sa kausap mo ang magsalita rin naman ng mga bagay na kaaya-aya na pareho kayong nakikinabang!

OO, hindi tayo mga perfect' na nilalang dahil sa minana nating mga kasalanan na ito mula kela Adan at Eva. Pero maaari ko palang bantayan ang aking sarili sa pamamagitan ng pagkapit sa mga simulain ng Diyos. Iiwasan ko din ang mga baluktot na pananaw na tulad ng "KUNG SAAN AKO MALIGAYA AT KUNG ANO ANG GUSTO KUNG GAWIN AY GAGAWIN KO!" na kahit may nasasaktan ka na pala! at nagbubunga sa huli ng maraming masasamang epekto sa ating buhay.

Kaya mahalaga sa akin ngayon ang THINK BEFORE YOU TALK! and THINK BEFORE YOU ACT! and THINK BEFORE AKO MUNA! basta magbulay-bulay muna sa lahat ng bagay.. hindi ito makaluma o corny ang ganitong character na katulad ng mga pananaw ng karamihan ngayon! Tira ng tira na lang at hindi alam na MAKASARILI na pala tayo at unti-unti ay naging KALAWANG na tayo.

Mga Tips for becoming more Self-aware, Put yourself in someone else's shoes, Stop using people, Put someone else's needs before your own, learn to compromise and Remember that you are NOT the center of the Universe.   



Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry