BATUAN PAMPAASIM SA PAGKAIN GAYA NG SINIGANG

Ang “batuan” o Gracinia morella ay isang prutas na matatagpuan sa mga bansang may tropikal na klima tulad ng Pilipinas. Kadalasan itong kinakain ng hinog. Maaari din itong gawing pampaasim sa mga pagkain gaya ng sinigang.

Sinimulan ng Department of Agriculture – Bicol Integrated Agricultural Research Center o BIARC ang proyektong “Utilization of Batuan into Value-added Products” upang matuklasan ang iba pang potensyal ng batuan sa pagpoproseso nito bilang sangkap sa pagkain.

Tulad ng sampalok, ang prutas nito ay inihahanda upang makagawa ng powder na ginagawang pampaasim sa mga lutuin. Mabuti ito sa kalusugan dahil nakakapagpababa ito ng cholesterol na mabuti para sa mga taong may hypertension.

Mayaman ang batuan sa antioxidant na tumutulong upang labanan ang mga “free radicals” sa katawan na sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit.

Sagana din ito sa vitamin C na nagpapalakas ng immune system ng katawan.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa battant, maaaring makipag-ugnayan kay Ginang Luz Marcelino ( project leader ) sa numerong 0-5-4-4-7-7-0-4-7 o 0-5-4-4-7-8-3-6-4-5, o magpadala ng mensae sa email na Luzcelinomar@yahoo.com

At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like ang opisyal na Facebook page ng DABAR sa fb.com/DABAROfficial.

ANG BALITANG ITO AY HANGO SA Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) RDMIC Building, Visayas Avenue corner Elliptical Road,
Diliman, Quezon City



Mga Komento

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

Kilalang Mga Post

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry