Panawagan sa mga kabataan sa Sali(n) Na, Angela!

Iniimbitahan ang lahat ng mga kabataang nasa edad 12–17 na lumahok sa Sali(n) Na, Angela!, isang timpalak sa pagsalin ng mga tula ni Angela Manalang Gloria, na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino bílang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas sa Abril.

Maaaring pumili sa mga tula ni Gloria na “Poems,” “The Debt,” at “1940 A.D.,” na isasalin mulang Ingles tungong Filipino. Ang magwawagi ay tatanggap ng sumusunod na gantimpala: PHP5,000.00, unang gantimpala; PHP3,500.00, ikalawang gantimpala; at PHP1,500.00, ikatlong gantimpala.

Isinilang sa Pampanga, ngunit lumaki sa Albay, itinuturing na ina ng mga makatang babaeng nagsusulat sa Ingles si Angela Manalang Gloria. Noong 1940 ay kinilala siya bilang “Natatanging Kabataang Babae sa Panitikan” ng Philippines Graphic. Ang kaniyang aklat ng tula na Poems (1940) ay ang una at tanging koleksiyon ng tula bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na isinulat sa Ingles ng isang Filipina. 

Patuloy itong panghihimok ng KWF sa mga kabataan na magsalin ng mahahalagang akda tungo sa wikang pambansa at kasama ang timpalak na ito sa ikaapat na taóng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan na may temang Pingkian Panitikan.

Tatanggap ang KWF ng mga lahok hanggang 6 Abril 2018. Para sa mga detalye, maaaring tumawag sa 736-2519, o bumisita sa kwf.gov.ph

Ang mensaheng ito ay mula sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)


Mga Komento

Kilalang Mga Post

CAFE LUPE Antipolo

CAFE LUPE Antipolo
Hotel, Restaurat and Event

Horizon Bread and Pastries Shop

Horizon Bread and Pastries Shop
HORBPS will sell several baked goods including, quesadillas, muffins, pandesal, croissant, loaf bread & sugar free bread. All products are used with 100% natural vegetable ingredients. Several products will have regular and low fat varieties in addition to baked goods, horizon bakers bread and pastries shop sells breakfast hot beverages.

FREE HEALTHY COOKING SHOW

FREE HEALTHY COOKING SHOW
Eating is always a welcome part of the day. Sharing a meal with friends - even better. If this is your passion, we'd like to invite you to host a healthy cooking show in the comfort and convenience of your own home. Breakfast, brunch, lunch or dinner - you choose the experience. It's easy. It's delicious. And it's a great excuse to spend time tasting and learning with your favorite people.

The Yolanda Typhoon Coverage

12th Gawad Tanglaw Award

METROPLUS AM Radio in Hongkong

METROPLUS AM Radio in Hongkong
DJ TITA KERRY, BROADCASTER MICHAEL VINCENT, FRIEND VIVIAN AND DJ

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners

DZMM Interview with the Sun Flower Homeowners
Mga nagrereklamo sa katabing Lafarge Quarry